Chapter One

129K 2K 129
                                    

Chapter One


MADILIM ang buong paligid, ang tanging naririnig niya ay ang maingay na sigawan at palakpakan sa labas ng kahon kung saan siya nakakulong. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maisip kung bakit nagawa ito ng mga kaibigan sa kanya, kahit na sabihin na kailangan niyang gawin iyon dahil masyado na siyang delayed sa kanyang initiation but still, dancing in a stag party almost naked is unacceptable!

Paano nalang kung may makakita sa kanya? Paano kung tiyuhin o kaya naman ay malayong kamag-anak ng kanyang mga estudyante ang mga iyon? Alam niyang masyado siyang paranoid but she can't help it, kapalit ng gabing iyon ay kapanatagan na hindi siya magbabayad ng malaking halaga na sapat na upang makabili ng bahay sa isang subdivision. Wala siyang ganoon kalaking halaga para ibayad sa kanyang mga kaibigan o sa buong sorority.

Hindi ganoon kalaki ang kinikita ng isang guro na kasisimula pa lang sa trabaho, private pa dahil next year pa siya magpaparank sa public schools., sa sitwasyon niya halos wala ng matira sa sahod niya para sa kanyang pansariling gastusin kasi nga mas gugustuhin niya iyong ipunin para sa pag-aaral ng kanyang mga kapatid. Kaya nga nandito siya ngayon, nakasuot ng sa buong buhay niya ay hindi niya iisipin na gagawin niya at sa buong buhay niya hindi rin niya iisipin na ganito ang gagawin niya.

Ang sasayaw sa harap ng mga lalaking iyon ng halos wala ng suot na damit.

Mint said—she's Ainsley's business partner—that she is a very respectable stripper. She even mentioned stripper being a profession, sa America siguro oo, propesyon iyon. Iba-iba ang isip ng mga tao, kapag nakakarinig na ng stripper ay iba agad ang connotation. She refused, she almost beg, she almost broke her façade but she didn't. Sayang ang pera, ayaw niyang masayang iyon dahil sa pag-iinarte niya. She even remembered Zyrene's initiation, coloring her hair red for a year is like wearing your legs above your head. And then there's Gette, nagbungee jumping siya sa Winhlan, siya ang hinimatay dahil akala nilang lahat ay napigtas ang tali na nakatali sa balikat nito. That was pretty scary, alam niyang hindi madali ang pinagdaanan ng mga kaibigan niya at unfair sa kanila kung hindi niya gagawin ito.

Hexel saved her and gave her the life she wanted to have with her family... she needs to do her part of the bargain. She'll dance in a stag party.

May nauna ng sumayaw sa labas, sabi ni Mint sila daw ang tunay na dancer, siya daw ang pinaka-finale. Ang sabi sa narinig niya ay isang kapitan ng barko ang magpapakasal sa nobya nito na nawalay ditto ng halos labing-limang taon. What a tragic story pero sa bandang huli nagkita at nagkatuluyan and now here she is another tragic story. Sana lang ay hindi ito malaman ng kanyang mga kapatid, ayaw niyang isipin ng mga ito na isa siyang masamang guardian.

"Nica." Napapitlag siya ng marinig ang boses ni Mint sa receiver na nakakabit sa kanyang teynga. "Malapit ka ng lumabas, kapag nabuksan na ang cover ng box you need to go out and dance okay, according to plan."

Napalunok siya. Pwede bang mag-answer siya ng mga probabilities, ng mga functions, ng algebra at kung anu-anong math problem? Of course that would be too easy kaya heto siya may ginagawang kahiya-hiya.

"Yes, according to plan." Mint answered 'Good'.

"Oh by the way, remove your receiver and place it inside the box."

Mas lalo siyang napalunok dahil ibig sabihin ay mag-isa talaga siyang lalaban sa giyera. She made a sign of the cross three times and then there's the light, nakabukas na ang takip ng malaking box na hugis cake. She dropped the receiver and stand up. Nakatalikod siya sa mga lalaki, she is wearing a blue sequenced belly dancer, the very skimpy attire'. Litaw na litaw ang sikmura niya at ang kanyang legs. Nakatali paitaas ang kanyang buhok para mas lalong lumitaw ang kanyang leeg.

ZBS#9: Blue grasshopper's Lesson Learned (COMPLETED)Where stories live. Discover now