Chapter Twenty-Two

54.3K 1.3K 71
                                    

Chapter Twenty-Two

"GUSTO kong pumunta sa hospital." Naiinis na sigaw niya kay Xancho ng pigilan siya nito. Gusto niyang pumunta dahil nalaman niyang umuwi na ang pinsan niya pero ayaw siyang payagan nito.

"Pupunta tayo sa korte para sa petesyon natin sa kaso ng mga kapatid mo, ano ang uunahin mo ang mga kaibigan mo o ang mga kapatid mo?" natigilan siya sa sinabi nito.

"Alam mong importante sa akin ang mga kaibigan ko Xan bakit mo ba ako nilalayo sa kanila."

"I am not." Bakas sa mukha nito ang frustrations. "Gusto ko lang ibalik mo sa dati ang buhay mo."

"You know it is impossible, wala na sa akin ang mga kapatid ko and I am losing a friend and I haven't even see her."

"Si Hexel lang ang gusto mong Makita."

Nasapo niya ang kanyang ulo habang kausap ito, hindi niya alam na ito pala ang pag-uugatan ng away nila. "Pinsan ko siya Xancho of course I want to see her I want to mend my relationship with my friends."

Umiling ito sa sinabi niya. "You can't go."

"Hindi na kita maintindihan stop being so possessive nakakasakal ka na." nakita niya ang galit sa mukha nito sa sinabi niya pero wala siyang pakialam dahil galit din siya.

"Sila na ang pipiliin mo ganoon ba?"

"Xancho bakit kailangan kong mamili? I love you and I love them as well."

"Kailangan isa lang Monica!"

"Iba ang pagmamahal ko sa kanila at sa iyo, they are two different love Xancho. At sa ginagawa mo ngayon baka dumating ang oras na mawala na rin ang nararamdaman ko sa iyo nakikiusap ako don't make me hate you." She uttered.

Nagtaas-baba ang dibdib niya dahil sa tindi ng nararamdaman niya at nanghihinang napaupo sa isang tabi.

"Monica I am sorry."

"Huwag muna tayong mag-usap ngayon Xancho nalilito na ako, hindi na ikaw ang dating Xancho na kilala ko. Mas mabuti pa sigurong huwag muna tayong magkita."

"No!"

"Give some space and I think you also need some space as well, this relationship—this what we have ito ang hindi healthy. Nag-aaway na tayo at ayoko ngang dumating sa puntong mas manaig iyong hindi pagkakaintindihan natin keysa sa pagmamahal natin sa isa't isa. We need this."

Napatitig siya dito, wala siyang mabasang anumang reaksyon sa mukha nito pero bumuntong-hininga lang ito at tumango.

"Is this what you want?"

"This is what we need, huwag muna tayong magkita."

"You know its very hard for me to do that."

Mapait na ngumiti siya kay Xancho. "Alam mo rin na nahihirapan ako ngayon, nawasak ang pamilyang binuo ko, nawala sa akin ang mga kapatid ko and I am fighting a battle where I don't know if I have a bit chance to win. Nasira ang friendship ko sa mga kaibigan ko, nasa bingit ng kamatayan ang isa sa mga kaibigan ko. May misunderstanding tayo nahihirapan din ako Xancho sa panahon ngayon kailangan ko ng karamay, kailangan ko ng masasandalan iyong bibigyan ako ng suporta. Pero ano ang gagawin ko kung iyong taong inaasahan ko ang hindi ko pwedeng sandalan ngayon. I wanted to lean on you for support but you weren't giving me any support at all."

"That's not true."

"Yes it is, paulit-ulit nalang tayo. Go Xancho, give ourselves a break pagpahingahin muna natin ang sarili natin. Don't worry I am going to fix my life on my own huwag ka ring mag-alala may babalikan ka pa." tumayo na siya at lumapit dito, hinapit niya ang batok nito at binigyan ito ng magaang halik sa labi bago ito tuluyang binitawan. Dahil alam niyang wala itong balak umalis kaya siya na ang unang naglakad palayo dito.

ZBS#9: Blue grasshopper's Lesson Learned (COMPLETED)Where stories live. Discover now