Chapter Four

73.6K 1.5K 148
                                    

Chapter Four  

Wala silang imikan habang nasa loob ng sasakyan, pakiramdam kasi niya may hindi tama sa kanilang dalawa. Mali, may hindi tama sa lalaking ito he doesn't look like someone who mops the floor and push a food cart for goodness sake. Sa totoo lang mas bagay dito ang nagmamaneho ng ganoong klaseng sasakyan, he looks rich and well-nurtured.

"Miss Nica alam mo bang nararamdaman ko ang mga tingin mo sa akin pakiramdam ko tuloy pinagnanasahan mo ako ng husto. Hindi na po ako virgin willing po akong magpa-rape sa iyo." She remained passive while he looks at him. Nawala ang ngiti nito mukhang naiilang sa pagtitig niya dito. "Alam mo bang mukha kang Japanese doll sa ayos mo ngayon?" hindi pa rin siya umimik she remained cold. "Pero kapag nakikita kita naaalala ko si Queen Elsa."

She just raised a brow at him, kilala niya ang tinutukoy nito kung may mga kapatid kang bata siguradong naging pambansang awitin din sa bahay ang kantang 'Let it go' and 'Do you wanna build a snowman' ng isang palabras sa sine na pinamagatang Frozen. It's a very famous movie after all.

"Tinitigasan na po ako." Kumunot ang noo niya sa sinabi nito.

"Iyang bunganga mo barahan mo ng bato." Nagulat siya sa sinabi nito sino bang hindi? Hindi siya malapit sa mga lalaki and among her friends si Diana ang sobrang vocal sa mga topic na ganyan kaya nasanay na rin siya. At ngayong narinig niya ang sinabi nito nagulat siya, sino ba ang hindi?

"Mahirap gawin iyon Nica—Queen—Princess ka pa pala, hindi ka pa Queen kaya ikaw si Princess Nica." Tumikhim ito at umayos sa pagmamaneho. "As I said mahirap ang gusto mo pong gawin hindi ko kayang palambutin ang matigas kakaiba ka kasi kung tumitig sa akin nakakapang-init ng katawan. Pwede mo namang sabihin na naiinlove ka na sa akin hindi naman ako mahirap kausap." At ang hudyo kumindat pa sa kanya.

"Huwag mo akong kausapin."

"Ayaw niyo po ba sa akin?" madamdaming tanong nito. "Dahil ba sa janitor lang ako? Dahil ba sa nagpapart-time akong bellboy? Dahil nagpapart-time din akong driver? Sabagay, sa tingin ko mayaman ka hindi mo maiintindihan ang tulad naming na nagtitiis sa kakaunting sahod at tip ng mga costumers." Inikot niya ang kanyang mga mata at tumingin sa labas ng sasakyan. "Mga matapobre talaga kayong mayayaman."

"Kung hindi kita gusto hindi iyon dahil sa estado mo sa buhay iyon ay dahil sa ang bastos mo. Kung hindi ka nakatitig sa dibdib ko ay kung anu-ano ang sinasabi mo, I am not comfortable with your sexual innuendos kaya por pabor tigilan mo na iyan."

"Kahit mahirap okay lang sa iyo?"

"Mayaman o mahirap ka wala akong pakialam sa iyo, gusto ko lang magbakasyon kaya please ibigay mo na sa akin ito."

"Princess Nica, ibibigay ko sa iyo ang lahat isama mo pa ang katawan ko." Nasapo nalang niya ang ulo niya dahil sa sinabi nito. Kailangan yata niyang sanayin ang sarili sa bastos nitong bibig, although hindi na ito nagtetake advantage, the last time was that kiss in the cheeks after that wala na naman itong ginagawa. Puro salita lang naman ito.

"May sarili akong katawan itago mo muna ang katawan mo baka manakaw iyan." Narinig niyang tumawa ito and he wasn't that bad at all, masayang marinig ang tawa nito medyo nakakahawa.

"Kaya ko nga ipinapakita sa iyo para nakawin mo, gusto kong manakaw ang katawan ko basta ikaw ang magnanakaw."

"Ayokong magkaroon ng police record dahil sa pagnanakaw, save it."

"Sasabihin ko sa pulis na kusa kong ibinigay ang sarili ko sa iyo, I can bargain." Hayon na naman ito sa mga salitang ingles nito, he can really speak well.

ZBS#9: Blue grasshopper's Lesson Learned (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon