Phase 1: Discovery

6.2K 119 11
                                    

Dahil vacant ako ngayon, nakatambay ako sa gym, nanunuod ng mga estudyanteng may pinagkakaabalahan. Nakasanayan ko nang tumambay dito pagvacant ko. Nakaupo ako sa pangalawang row sa bleacher, nirorolyo ko yung mga notes ko nang biglang tamaan na naman ako ng bola. Kanina pa ako tinatamaan ng bola ng table tennis ah. Ibabato ko na nga sana yung bola sa kawalan, pero hindi ko na yun natuloy nung nakita ko yung may ari. Ang ganda naman nya, nakatitig lang ako sa kanya habang inaabot ko yung bola.

"Kuya sorry kanina ka pa namin natatamaan." sabi nya. Nakatitig lang ako sa kanya. Nagwave sya sa mukha ko kaya natauhan ako.

"A-ah, o-okay lang. Ako nga pala si Alden." inabot ko yung kamay ko sa kanya.

"I'm Maine, sorry ulit ha?" sabay ngiti ng pagkatamis-tamis.

Bumalik na sya sa paglalaro.

Hindi ko na naalis yung tingin ko sa kanya buong oras na nakatambay ako sa gym. Ni-hindi ko na napasukan yung last subject ko. Okay lang, sulit naman ang pagtambay ko dito eh.

Nang makita kong nagliligpit na sila, inayos ko na din ang gamit ko at uuwi na din ako.

Pagdating ko sa bahay hindi sya maalis sa isipan ko, nalove at first sight yata ako sa kanya. Hindi na ako makapaghintay pa ng bukas, gusto ko na agad pumasok sa school. Gusto ko na makita si Maine.

Nung natapos na yung klase ko tumuloy na ako sa gym, sa pinto pa lang ng gym nakita ko na sya. Nang malingat sya sa gawi ko nginitian nya ako. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti ng wagas, napakaway ako sakanya. Umupo ako sa malapit sa pinaglalaruan nya, tumabi ako dun sa mukhang freshman na nagpapahinga sa bleacher.

"kilala mo ba yun?" sabay turo ko ng palihim kay Maine.

Sinipat nya muna yung dereksyon na tinuro ko, "ah, oo si ate Maine yun Junior player ng table tennis. Bakit po?"

"ah, wala-wala. Player ka din ba?" tanong ko.

"opo, ako si Kim." nagshake-hands kami.

"ok Kim." tumango lang ako

"mabait yang si Ate Maine, lagi nya ako naichi-cheer pag yung pinapahirapan ako ni coach." kwento nya.

Hindi lang pala ang panglabas na anyo na ang maganda pati na rin ang kanyang kalooban.

"pero naawa ako sa kanya." biglang naiba yung emosyon ni Kim.

"bakit?" nacurious agad ako, tama lang pala ang nakatabi ko ang daldal nya.

"kasi nakipaghiwalay sa kanya yung boyfriend nya, kaya tignan mo ngayon, Ginugugol nya ang time nya sa paglalaro. Gusto daw nyang mas gumaling para mapansin ulit sya ng ex nya."

"eh bakit daw nakipaghiwalay yung lalaki?"

"hindi ko po alam, nagtatago nga yung ex nya sa kanya eh. Naaawa na ako sa kanya kasi tuwing pagkatapos ng practice namin pupunta sya sa mga lugar na alam nyang tatambayan nung ex nya. Nagbabakasakaling nadun sya, gusto nya maayos ang lahat eh, pero lumalayo talaga yung ex nya."

"ah, sayang." bulong ko, nalungkot ako sa narinig ko. Gusto ko tuloy kausapin si Maine, gusto kong itanong kung ano ba ang nakita nya dun para mahalin nya ng sobra. Bakit ba nya pinaglalaanan ng oras yung lalaking yun? Hay nako.

Pagkatapos ng practice nila sinundan ko sya titignan ko lang kung saan sya dadaan. Una nyang pinuntahan ay sa foodcourt, halatang may sinisipat sya, tama hinahanap nya siguro yung ex nya kung nadito. Nung hindi nya makita nalungkot sya at naglakad ulit. Mukha akong timang sa ginagawa ko, patago-tago ako pagnapapatigil sya. San kaya ang next stop nito. Sumilip sya sa library, iniisa isa nya ang table. Bukas pala ang library paggabi ngayon ko lang nalaman, sabagay may mga night shift na estudyante kasi.

Nang papalabas na sya tumalikod agad ako at nagkunwaring naghahanap ng libro. Kamuntikan na akong makita dun ah. Nung makalabas na sya ng library sumunod na ako sa kanya.

Kawawa naman sya, araw-araw ba nyang ginagawa yun? Lagi nyang iniikot ang school? Bakit ba sya nag-aaksaya ng oras dun.

Teka nasan na ba yung babaeng yun? Nawala bigla eh, nagpalingon-lingon ako. At ayun nakita ko nagtatakbo sa may gawi ng lalaking nakasandal sa may poste. Iyon na siguro yung ex nya. Nang makita sya nito kumaripas ng paglalakad yung lalaki.

"Miguel, teka lang." pagpigil ni Maine sa kanya. Pero hindi sya pinansin nagpatuloy lang ito sa paglalakad. Mas binilisan na ni Maine ang takbo nya, habang ako naman naglalakad ng patakbo pero nagtatago pa din.

Naabutan na ni Maine yung ex nya kaya niyakap nya ito. Pumiglas sa pagkakayakap yung lalaki. "Ano ba? Diba sabi ko sayo ayoko na? Nasasawa na ako." Pero niyakap lang sya ni Maine. Ang labo talaga nya, pero malay ko ba na mahal na mahal talaga nya yun Miguel. Nakakainggit naman sya, ang swerte nya kaya kay Maine bukod sa maganda na mahal na mahal pa sya.

*plaak* nagulat ako sa nakita ko, sinampal sya ni Miguel nagwalk-out bigla si Maine.

Hindi talaga ako mahilig makialam sa problema ng iba, pero sa pagkakataong ito makikialam na yata ako, hindi na kasi tama yung ginagawa nya sa babae eh. Inantay ko munang makalayo sya, tapos nilapitan ko yung Miguel at sinapak.

Malakas lang ang loob ko pero hindi ako malakas pagdating sa ganitong action. At ayun nga nagantihan nya agad ako buti na lang madilim dito alam kong hindi ako nakilala nung lalaki kaya tumakbo na agad ako.

"gago ka, wag kang magpapakita sa akin." sigaw nya sa akin, buti na lang mabilis ako tumakbo hindi na nya ako nahabol.

----------------------------------------------------------------------

New Story! New Character! New Settings! New Keme! New Year! HAHAHAHAHA

wala lang talaga ako magawa, napakinggan ko lang itong kwento na ito at naispire ako. XD sorry sa typo natatamad na ako mag-edit at magretype sorry :) kayo na bahala umintindi XD sana matapos ko ito haha short story na lang para konti lang HAHAHA.

Spread the Love ;)

Mwaah! :-*

BOLA: #Destined to Someone (MaiDen - AlDub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon