Phase 19: Lovers Corner

1.5K 52 2
                                    



Ayos na sana eh, pero bakit bumalik na naman sa kwento yung Miguel? Akala ko wala na sya, akala ko hindi na sya babalik, akala ko umalis na sya sa buhay ni Maine, akala ko lang pala lahat ng yun.


Ngayon hindi ko alam kung ano ang estado ko sa buhay nya, kung bestfriend lang ba nya ako na handang maging sandalan sa mga panahon na kailangan nya ng masasandalan o kung boyfriend nya ako na pagbubuhusan nya ng pagmamahal. Basta nadito lang ako kahit na ano pa ang mangyari.

"Why the sad face?" naiform na smile ni Maine yung labi ko. Ngimiti naman ako ng pilit.

"It's just..." umiling ako, hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi.

"Wag ka ng malungkot. What do you want?" inakbayan nya ako. Ang cute lang kasi pinilit nyang abutin yung kabila kong balikat.

Ikaw, ikaw lang ang kailangan ko, yun ang sinisigaw ng damdamin ko pero walang lumabas na salita mula sa akin.

"Kain na lang tayo." Nakaakbay pa din sya sakin kaya nailead nya ako paglalakad.

"San tayo pupunta?" tanong ko, papunta na kasi kami sa sakayan.


Hindi na lang ako nagsalita habang nasa byahe, hinayaan ko lang si Maine na magsalita. Hindi naman na nya tinanong kung bakit ang tahimik ko.



"Dyan ba tayo kakain?" gulat na tanong ko, nasa Lovers Corner kasi bukod sa dapat lovers lang ang pinapapasok dyan kailangan din ng reservation.

"Yup, pwede naman tayo dyan diba? Ka-close ko ang manager dyan, anytime pwede tayo pumuta kahit wala pang reservation." pumasok na kami sa loob, nginitian lang nya yung nagbabantay sa may pinto, edi sya na mga GL card (Ganda Lang card). First time kong makapasok dito, ang ganda sa loob masasabi mo talaga na love is in the air. Iba't ibang shade ng red ang wallpaper sa loob at puro puso, may privacy din ang kada table kasi may kanya kanya itong booth. May sumalubong naman sa amin na staff, mukang nakilala nya si Maine kaya ngumiti lang ito.

"This way Miss Mendoza." naiguide kami papunta sa vacant na booth.

"Forever Paris for both of us." mukang naintindihan naman ng staff yung sinabi nya kaya tumango  lang ito. Ano naman kaya yung forver paris na yun?

Pag alis nung staff tinanong ko sya. "Ano yung forever paris?" nakamot pa ako ng ulo.

"Yun yung tawag sa isa sa mga pagkain nila." tumango lang ako.

"Lagi kang nadito?" hindi sya sumagot. Nakafocus kasi sya sa cellphone nya, may katext yata.

Nabeast mode ako bigla, kainis! Sino naman kaya ang katext nito? Ako nga ang kasama nasa iba naman ang atensyon nya.

"Sino katext mo?" seryoso kong tanong, sa sobrang beast mode ko natanong ko yun.

"Si Migs" nakangisi nyang sagot. Migs? Sinong Migs? Migs as in Miguel? Taragis katext nya yung hayop nya yun. Nawala na naman ako sa mood, okay na sana eh sweet na at magkadate kami pero hindi pa din nya maiwasan yang Miguel na yan. Nanghalumbaba na lang ako at nilaro yung tissue na nasa table hindi ko maiwasan na hindi sumimangot.

Dumating na yung order namin, since nagugutom na din ako kumain na lang ako pero nakamangot pa din. Biglang may kumurot sa pisngi ko.

"Ang cute mo talaga, si Migs Mendoza ang katext ko pinsan ko ito." pinanggigilan nya yung pisngi ko.

"Aww!" nakasimangot pa din ako, pero wait? Pinsan nya, enebeyen nagseselos ako sa maling tao.

Awkwardly I smile, nakakahiya.

"Ayan, I like it better kung nakalabas ang dimples mo." kumain na sya. Bolera talaga itong babaeng ito pero ako naman naniniwala lang sa sinasabi nya.

After nya kumain, kinalikot na naman nya yung cellphone nya. Napatingin ako sa table, nakarest lang yung kaliwa nyang kamay dun. Unti-unti kong nailapit kung kanan kong kamay dun, galawang breezy.

"Bar tayo." bigla nyang yaya. Ano pa nga bang magagawa ko kundi pumayag sa trip nya. Napakamot ako sa ulo ko, ayun na eh konti na lang mahahawakan ko na kamay nya

"Sure, saan?"

"Dun sa bagong bukas na Karaoke Bar yata yun?" updated talaga sya sa mga bar.

Naglakad lang kami papunta dun sa sinasabi nyang bar, walking distance lang naman.


Nginitian lang din nya yung nagbabantay na bouncer sa labas, iba talaga ito ngiti ngiti lang okay na.

Tumaas kami sa second floor nadun kasi yung mga booths for videoke sa first floor naman ang dance floor.

"Let's drink till we drop." naitaas nya yung shot glass.

"Wooh! Hindi ako sanay mag inom pero go!" nagcheers kami ng shot glass. Mas matindi ito, gumuguhit.

Pwede kaming magsisisgaw dito sound proof daw kasi yun.

Nakakatatlong shot pa lang kami hindi na maawat si Maine sa pagkanta.

"DANCIING QUEEN!! DANCING QEEEN!! woooh! sayaw na tayo Al." kinukuha ko sa kanya yung mic pero ayaw ibigay pinapasayaw pa ako. Medyo may tama na ako kaya sumayaw na din ako. Ang saya lang.

"Shot muna." nagshot ulit kami bago sumayaw ulit. Dalawa lang kami sa booth pero parang isang grupo ang katumbas namin, ang gulo-gulo at ang ingay-ingay namin.

Nagpatuloy lang kami hanggang hindi ko namalayan hating gabi na, nakahiga na din si Maine sa mesa. Naipasan ko ulit sya gaya ng ginawa ko dati nung nalasing sya. Ihahatid ko na lang siguro sya sa bahay nila.



*dingdong!*

"Good Evening po Sir." tinanguan ako ng tatay ni Maine pero hindi sya ngumiti. Pumasok na kami sa

loob.

"pakibaba mo na lang si Maine sa couch dun sa may Entertainment Area." naiguide ako nung isang

maid nila, pagkababa ko kay Maine inasikaso na sya nung maid. Bumalik naman ako dun sa tatay

nya.

"gaano mo kamahal ang anak ko?" humihigop ng tea yung tatay nya.

"sobra po......"


BOLA: #Destined to Someone (MaiDen - AlDub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon