Phase 14: Romantic Embarrassment

1.8K 65 11
                                    




Today is the big day kasi ngayon na ang birthday ni Maine pero 2 days na nya akong hindi pinapansin, good thing kasi nakapagprepare ako ng maayos para sa birthday nya. Pero miss na miss ko na sya, ano kaya ang nangyari dun. Wag naman po sana na kinuha ulit sya sa'kin ni Miguel. :(

"Shainaw!" tinawag ko si Shaina, sya ang kasama ko ngayon, sya lang naman ang payag na samahan ako sa pag aasikaso nung naihanda ko.

"ano yun? tae ka naman antagal na natin magkakilala hindi mo padin kaya ibigkas ng tama ang pangalan ko. It's Shaina not Shainaw." natuwa naman ako sa reaction nya, the way na maasar sya parang si Maine lang.

"Muka ka kasing halimaw!" biro ko, parang may usok na lumabas sa ilong nya sa sobrang inis. Hahahaha.

"Pero seryoso muna, nakontak mo na ba yung operator?" sumeryoso na ako habang naggugupit, hindi ko alam kung bakit ako naggugupit ng papel. XD

"Opo sir, kayo na lang po ng mahal nyo ang kulang." napayakap ako sa kanya sa sobrang tuwa ko. "Pero seryoso bes, itutuloy mo ba itong kalokohan mo? Feeling ko kasi magiging epic fail." loko ito ah, gagawin yung pinagawa ko tapos wala naman palang bilib sa'kin.

"Tutuloy ko syempre, kung gusto mo video mo pa yung mangyayari." pagyayabang ko sa kanya.

"Ayaw ko nga, balitaan mo na lang ako sa mangyayari mamaya Bye."

Pano ba gagawin ko, hihintayin ko ba sya  lumabas sa room nya? Or ieexcuse ko na lang sya para walang palag. Tama yun na lang.

Lumakad na ako papunta sa room nya, 30 minutes na lang naman magdidismiss na pwede ko na siguro nakawin yon sa acad nya.

*tok!tok!*

"ehem, Ma'am excuse po." nagtinginan lahat sa'kin including Maine na seryoso ang itsura, nginitian ko sya at nagpabebe wave, pero deadma lang sya. "Ma'am, pwede ko po bang ipa-excuse si Miss Mendoza? May kelangan lang po kasi kaming asikasuhin."

"Sige hijo, dahil gwapo ka ang type ko yang dimples mo papayag ako." gusto kong ihug si Ma'am, hindi naman ako nailang sa sinabi nya kasi matanda na sya for sure may asawa.

Nilapitan ko si Maine sa upuan nya pero hindi pa din sya tumitingin sa'kin nakacross arms lang sya at nakatingin sa opposite side ko. Nailahad ko ang kamay ko sa kanya, 'ayie'--'witwitiw'--'pansinin mo na kasi' tinutukso na kami ng mga classmate nya, ang ingay na sa room.

Medyo napahalf smile na sya, halatang nagpipiit ng ngiti. Unti unti nyang naibigay sakin yung kamay nya. I mouthed "thank you" then nai-lead ko na sya sa paglalakad.

"Maraming salamat po Ma'am"

"No problem." nagsalute na ako sa mga classmate nya tsaka umeskapo na.

Naiholdhand ko na si Maine, hindi naman sya pumalag siguro okay na sya. Lumapit ako sa tenga nya at bumulong "Namiss kita."

"Whatever!" sinusubukan nyang magtaray pero halata sa muka nya na pinipiit nya yung ngiti nya.

"smile ka na kasi." this time ako naman ang kumurot sa pisngi nya. Aww, soft cheeks.

"where are we going?" bigla nyang tanong, nagdadrive na ako bago pa lang nya tinanong kung saan kami pupunta.

"basta, just keep calm." nginitian ko lang sya for assurance. Tinaasan nya lang ako ng kilay... Medyo maaga pa para magpunta kami sa amusement park, kaya naisip kong dumaan muna kami sa isang bay to watch sunset..

"Alden, gusto ko nung isaw. Bili tayo." pagkababa namin ng kotse hinila na nya agad ako papunta dun sa nag-iihaw.

"How much po isang stick?" sosyal pero isaw lang naman yung binibili, kakaiba talaga itong Maine-namahal ko. Pagkatingin ko sa kamay nya nagulat ako kasi may hawak na syang tatlong stick, hindi sya gutom promise.

"Kuya betamax sakin tsaka isang isaw na din." nagutom din ako.

Habang ngumunguya kami ng mga ihaw-ihaw, naglakad lakad muna kami. Wala ba syang celebration sa bahay nila ng birthday nya? Parang relax na relax lang sya.

"Sharap talaga ng ishaw!" napangiti ako sa reaction nya, so cute.

"Tara upo tayo dun oh." Nailead ko ulit sya papunta sa upuan, magsa sunset na kasi.

"Ang sweet naman, watching sunset." nakatingin lang sya sa paglubog ng araw pero ako sa kanya lang nakatingin.
"Kay sarap pagmasdan.....Lalo na pag nasisinagan ang iyong mukha"
"teka, kanta yun ah." nagbelat lang sya sakin.
"oo pero napatunayan ko ang real meaning ng kantang yun." kunwari akong nag-inat para ang bagsak ng mga kamay ko ay sa sinasandalan nyang upuan, dahan dahan kong naidikit yung bisig ko sa kanya. YES! nakaakbay din ako sa kanya


"tara na pa nga, wala ng araw oh" yaya nya, medyo dumilin na nga. Pwede na yung ganitong set up para mamaya.


Nagdrive na ulit ako.

"teka, sa kabilang way dapat  tayo."puna nya sa direksyon namin

"gagala pa tayo." hindi na lang sya nagreact, basta galaan go lang sya.




Nung medyo malapit na kami sa venue, bigla akong kinabahan baka maging epic fail nga yung mangyari. I shook my head to erase the thought, planado na ang lahat no space for failure na. Pinagtritripan lang talaga ako ni Shaina.

"Anong ginagawa natin dito? Mukang sarado yung amusement" may lungkot yung boses nya. Hinawakan ko lang sya papasok dun. Pagkalapag na pagkalapag ng paa namin sa entrance bumukas agad yung ilaw sa harap. Tumingin sya sakin at nginitian nya lang ako.

Hindi pa bukas lahat ng ilaw sa loob yung pinakang entrance lang ang may liwanag, mukang nagtataka sya. Pero habang naglalakad kami papasok sumasabay sa lakad namin ang pagbubukas ng bawat ilaw sa poste na madadaanan namin. Nakakapit lang sya sa braso ko na parang ayaw akong bitawan, hawak ko naman yung kamay nya na nakahawak sa braso ko. It's like were holding each other so that no one will lost one another. I like that thought. :D

Hanggang sa makadating kami sa gitna nung amusement park ang astig lang kasi Mary-go-round yung nasa gitna nya. Nabuhay na lahat ng ilaw pati yung mga ride umandar na. Kasabay nun ay ang pagningning ng kanyang mga mata. That eyes, all my efforts were worth it.

"Happy Birthday Maine!" masigla kong bati sa kanya. Pero nagulat ako sa reaction nya, mukang nagtataka.

"What? It's not my birthday." sa ingay nung mga rides parang biglang tumahik lahat nung narinig ko yung sinabi nya.

"panong--? eh ano ibig sabihin nung--?" halos hindi ko matapos yung sasabihin ko.

"Where did you get this inf----. Ow I think alam ko na, nakita mo sa facebook ko na birthday ko ngayon no?" nangingiti nya sabi, hindi ako makapagsalita kaya tumango na lang ako. "You're so sweet, I appreciate the effort pero hindi ngayon ang birthday ko sa March 3 pa. Actually yung aso ko ang may birthday ngayon, kaya yun ang nilagay ko sa facebook ko to know if my friends remember  my real birthday. Nakakatuwa ka, hindi mo kasi muna tinanong sa'kin kung totoo ba yun o ano eh." grabe namumula na ako sa hiya dito. Yung pinagplanuhan ko ito pero hindi pa naman pala.

"Happy Birthday to you dog?!" nahihiya kong sabi sa kanya. Kinurot nya lang ako sa pisngi.

"You're so cute and so romantic. But I like it, let's enjoy na lang."


Tama sya, ienjoy na lang namin yung gabi. Since kami lang ang tao nag unli ride kami salahat ng pwedeng masakyan. Well, worth it naman ang effort kasi may quality tiime kami. Pero nakakhiya pa din, siguro pag maypapasagutan sa'king slum book ito ang ilalagay kong embarrassing moment ko, minsan na nga lang maging romantic epic pa.

BOLA: #Destined to Someone (MaiDen - AlDub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon