Phase 18: What happened?

1.8K 56 11
                                    


100th? 100th day to be together? 100th what? Hindi ko alam ang ibig sabihin ng 100th na yun ni Maine. Hindi ko na sya natanong nung nasa auditorium kami kasi baka masira ko lang yung moment. Nakaupo or should I say nakahilata ako ngayon sa sofa namin. Walang pasok, walang gala, walang silay, walang Maine. Namimiss ko na agad sya.

"Anak, wala ka bang gagawin ngayon?" tanong ni Mama na nag-aayos ng figurine, hindi ko ba alam dyan kung bakit ayos ng ayos nung eh inayos na yun ng maid.

"Wala naman po bakit po?" medyo tamad kong sagot.

"Skype mo yung bestfriend kong si Margie." grabe kung maka-skype akala mo naman nasa kabilang dako ng mundo, sa bulacan lang naman yun nakatira.

"Ma, ang corny naman."

"Oh...cellphone ko na lang ang gamitin mo." pumindot muna sya sa cellphone tsaka naiabot sa'kin. Pagkuha ko hinihintay na lang pala na sagutin yung tawag. Aba ano bang sasabihin ko dito?

*Answer!*

["Hello Alden!"] cheerful na bati sa akin ni tita Margie.

"Hi po tita." nakakahiya ano kaya pag-uusapan namin?

["Kamusta ka na hijo?"]

"Okay lang po, kayo po?"

["Ito medyo ayos na, namimiss ko na ang anak ko. Buti na lang at nakausap kita ngayon, nakikita ko kasi sayo yung anak ko."] nalungkot yung boses nya, naawa naman ako. ["Bisita kayo dito ng Mama mo, naaalala ko noong bata ka pa natutuwa ka pagnadito kayo kasi madaming tutubi."] ay oo nga pala nadadaan kami sa Bulacan noon.

"Oo nga po tita eh." wala talaga akong masabi, medyo nahihiya ako. Hanggang yun nagkwento sya ng tungkol dati nung napupunta kami dun, may anak syang lalaki hindi ko na matandaan ang pangalan pero nakakalaro ko sya.




Parang gusto kong maggala, niyaya ko sina Sam na magtambay kahit saan go naman sila.

And we came up dito sa playground, mga loko ang lakas ng trip sa kawalan ng mapuntahan nauwi kami dito. Nagkukwentuhan sina Maine, Shaina at Pat sa may swing nakikinig lang sa kanila si Sam, habang ako naman pasimpleng naitutulak yung swing ni Maine. Wala lang dumadamoves lang.

"Tara slide tayo." yaya sa kanila ni Maine.

"Parang bata naman ito." tukso ni Sam sa kanya. Nagbelat lang sa kanya si Maine, hinila nya ako papunta sa slide wala kasing sumang ayon sa kanya. Naituloy lang nila yung kwentuhan nila.



Naghihintay lang ako sa dulo nung slide, balak ko kasi na dun na lang tumaas I'm too lazy to use the ladder. Hahaha.

Hindi ko napansin na magslide pala si Maine kaya...... *bbogs!* nagkasalubong kami, napaatras ako pero wala sabay pa din kaming na laglag. And there we land on the ground.

"Ang epic, hahaha" tawa lang sya ng tawa, nagkauntugan pa kami. Hinawakan nya yung ulo nya at hinawakan nya din yung ulo ko kung saang part na nauntog ako. It sounds so gay and kiddo but I feel those butterflies. Simple gesture lang naman yun pero ang lakas ng impact.

"Pareho tayong na-fall." natatawa kong sabi.

"But it's fun." masaya nyang sagot. Hinila ko na sya patayo kasi medyo madumi dun sa pinaglanding-an namin.

Naupo na lang kami ni Maine sa may hagdan ng slide, Nasa unang step ako then sya yung nasa next step bali nasa taas sya kaya nakatalikod ako sa kanya pero nairest nya yung siko nya sa balikat ko (nagets nyo ba?) at nilalaro nya yung buhok ko. lumayo lang kami sa kanila. Gusto lang siguro akong masolo nito. Hahaha.

"Nanunuod ka bang Eat Bulaga?" out of nowhere tinanong nya yun, nakakapagtaka lang.

"Oo pagwalang pasok bakit?"

"Edi napapanuod mo yung Kalyeserye?" medyo tumaas yung energy nya. Tumango lang ako. "Ang cute ng tamdem ng AlDub no? Kapangalan mo pa yung katandem ni Yaya Dub"

"Mas gwapo naman ako dun." pagyayabang ko sa kanya.

"Edi wow! Crush ko pa nga yun." naipatong nya yung ulo nya sa ulo ko. Hinawakan ko yung ulo nya at ginulo yung buhok nya.

"Ikaw pa nga ang yaya dub ng buhay ko."

"Korny mo, tatapatan ba natin ang AlDub?" natatawa nyang sabi.

"Oo naman, hihigitan pa natin yun." naitap ko pa yung dibdib ko. Kinurot nya ako sa pisngi, naitingala nya yung ulo ko para makita nya yung itsura ko. Medyo malapit yung muka namin sa isa't-isa. Sh*t ang ganda talaga nya. Nang tinitigan ko sya nagbelat lang sya. Napayuko tuloy ako ramdam ko yung pamumula ko.


"Tila tatalunin nyo ang AlDub dyan ah." biglang sumingit si Shaina.

"Si Maine kasi." hinampas ako ng mahina ni Maine

"Bakit ako?" nagbelat sya.

"Tara na po, nag yayaya na si Uncle Sam, hahaha, hirap talaga pagmatanda na hindi sanay ng nalalamigan." biro ni Shaina.

"Hoy narinig ko yun, gusto ko lang naman mag-unwind tayo ah." paliwanag ni Sam, nice hindi na sya na-aawkward kay Pat.

"San ang punta? Baka hindi na ako sumama, may pupuntahan lang kasi ako." -Maine, parang ayoko na ding sumama pag ganun. Hinila ako ni Shaina papalapit sa kanya.
"Wag mong sabihin na hindi ka sasama, sumama ka kahit hindi makakasama yang love-of-your-life mo." iba talaga ang powers nito, so pwersahan lang ang pagsama ko.


Naihatid ko lang si Maine sa sakayan.

"Bye ingat ka, enjoy kayo ha?" naikiss nya ako sa pisngi. Hindi man lang ako nabwelo nabigla ako, napahawak na lang ako sa pisngi ko. "Loko wala naman laway eh. Bye na talaga." sumakay na sya ng taxi.


Kumain lang kami ng lomi nina Sam sa paborito nyang resto-bar.

"Bes, mukang inspired ka ah? Ngingiti ngiti ka dyan, wala ka naman kausap. Ayos yan." siniko siko lang ako ni Shaina.

"Libre ko na ito." nagthumbs up pa ako.

"Wow ha? Bayad na kaya yan kanina pa." sabay inom ni Sam nung tubig. "Ito na lang lagyan mo ng kulay tsaka yung gumuguhit." naituro nya yung baso, nako dyan yan magaling sa inuman.

"Okay pero hindi ako iinom." hindi kasi ako mahilig talagang uminom.

naipabilog ni Shaina yung kamay nya at nailagay sa bibig nya "KJ alert!! KJ alert!!" mukang mega phone. Nakakahiya kaya tinakpan ko yung bibig nya.
"Konti lang iinumin ko, hindi kasi ako mahilig uminom." Paliwanag ko, tinawag ko na din yung waiter at umorder na ako ng San Mig Light.

"Red Horse na din." nagulat ako sa request ni Pat, nag apir naman sila ni Shaina.



****

Naka-limang bote na sila ng red horse, nagsisinayaw na sa upo nila.

"Ishaang bo-bote pa Besh!" nangangalumatang na si Shaina pero nagrerequest pa ng isa, kakaiba ang bahay alak nito ah.

"No, tara na uwi na tayo--...Sam kaya mo pa ba magdrive?" nagthumbs up lang sya, buti na lang at mataas ang alcohol tolerance nya. Hindi ko na sila nahatid, gusto ko kasing puntahan si Maine sa bahay nila.



Sana nasa bahay na nya siya. Umalis nga pala yun, gusto ko lang sya isurprise hindi pa naman malalim ang gabi.



*ding-dong!*

Buti na lang atentive ang mga tao dito may nagbukas agad ng gate.

"Ano yun?" nabigla ako, tatay ni Maine ang nagbukas.

"Good Evening po sir, nadyan po ba si Maine?"

"Wala umalis sya, pinuntahan nya si Miguel....."

BOLA: #Destined to Someone (MaiDen - AlDub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon