Phase 25: Destined to Someone

1.6K 58 4
                                    



Graduate na nga ako pero malungkot naman ang puso ko. Kelan ba ako magiging masaya.

*kriing!*

sinagot ko kaagad yung tawag,

["Hello anak, nasan ka na? Tapos na ang ceremony bakit wala ka pa sa bahay, hinahanap ka ng mga bisita. Nadito din ang best friend ko si Margie"] ang energetic ng mama ko

"Pauwi na po ma." matamlay kong sagot. Naiend ko na yung call at umuwi na ako sa bahay. Excited pala ako sa wala.



"Congrats!!" ito ang ingay na sumalubong sa akin pagbukas ko ng pinto. Pinili kong ngumiti para sa mga bisita, kinukurot din kasi ni mama ang pisngi ko pagnakikitang nakasimangot ako.

"Bakit ba ang lungkot mo anak? Graduate ka na, dapat masaya ka. Ito ang bunga ng paghihirap mo." naichecheer nya ako pero walang epek ang lungkot ko talaga.

"masaya po ako, it's just...." napailing na lang ako.

"hay nako, puntahan mo nga mua ang tita Margie mo, nasa may terrace yun." naitulak nya ako paputa sa terrace. Wala naman ako nagawa kundi sundin na lang sya.


"Hello, hijo. Ang laki mo na talaga, binatang binata ka na. May girlfriend ka na ba?" naitap nya yung upuan sa tabi nya saying na tumabi ako sa kanya. Umupo naman ako sa tabi nya. Yun ang tanong na mahirap sagutin, hindi ko sya nareview, may girlfriend ba ako? Oo meron pero hindi ko na sya hawak, kasi pinipilit ng nasa paligid nya na mas karapat dapat sya sa iba.

Hindi ko na lang sinagot ang tanong nya kaya ngumiti na lang ako.

"sinabi ko na ito sa mama mo, may ipapakilala ako sayong babae. Pumayag sya, kilalang kilala ko itong babaeng ito, maganda sya at ramdam kong magugustuhan mo sya." napatingin ako sa sinabi nya, may ipapakilala? Anong kalokohan yun? Bakit hindi sa aki yun sinabi ni mama.

"Wait lang po tita." pinuntahan ko kung nasan si mama



"Ma, ano yung sinasabi ni Tita Margie?" medyo inis kong sabi.

"Anak pagbigyan mo muna ang tita mo, malungkot lang yung tao dahil sa pagkawala ng anak nya. Makipagkilala ka lang naman dun sa babae, hindi pa naman kayo magpapakasal nun." nakita ko ang sicerity sa boses ni mama ang halatang naawa sya kay Tita.

"mapapasaya ko ba sya pagnakipagkilala ako dun sa babae?"

"oo anak, sana pagbigyan mo sya. Kita mo naman mag isa na lang sya sa buhay." tumango na lang ako, kung hindi ko mabbigyan ng kaligayahan ang sarili I'll just give it to other. Bumalik ako sa terrace para tabihan ulit si Tita Margie. Naikuha ko muna sya ng hot choco.



"Tita, hot choco po." iniabot ko yun sa kanya, she just gave me a smile. Tama nga kahit papaano nakakakahawa din ang saya kapag ikaw ang dahilan ng pag ngiti nila. "Bukas hijo pwede ka bang mahiram muna sa mama mo?"

"hmm, okay lang naman po. Wala na akong iintidihin sa school graduate na ako." pinilit kong maging cheerful ang boses ko.

"Mabuti, bukas ko na din ipapakilala yung babae na sinasabi ko."

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa maubos na ang mga bisita ko, napag desisyunan nyang umuwi na din ng maghahating gabi na.

"Ihatid ko na po kayo tita?" offer ko sa kanya gabi na kasi, sa Bulacan pa sya uuwi.

BOLA: #Destined to Someone (MaiDen - AlDub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon