Chapter 20

1.9K 30 15
                                    

Bagong araw. Bagong kwento.

Ito ang nasa isip ni Kim nang magising siya. Ano na naman kayang mangyayari sa kanila ni Xian sa araw na ‘to?

Imbis na umasa ay nag-abang nalang si Kim sa kung paano na naman sila pagtatagpuin ng tadhana.

Habang nag-aagahan ay nagbasa siya ng tweets.

Life Tools @LifeTools

Everyting happens for a reason. The difficult part is finding out what the reason is.

Nagustuhan ni Kim. Niretweet niya ito.

Ms. Author @fromJwithlove

IMBY is now updated! :-) Hope you like it!

XIAN LIM @XianLimm

Now reading my script! Very intense!! instagram.com/jj9s1lkn

XIAN LIM @XianLimm

Good morning guys!

My heart @lessthanthreex

@prinsesachinita Good morning, princess. :) I can’t see you yet. Take care okay?

Ayun na ang inaabangan ni Kim. Favorite! Pindot agad! Smile abot-tenga wagas! Kilig max na ituu!

Napansin ni Kim na abalang abala ang mga tao sa set nang papaalis na siya ng bahay. Agad niyang naisip na baka nandoon si Xian sa loob, kinukunan ng eksena kaya hindi na siya nag-atubiling magtagal pa. Sinarhan ni Kim ang gate at saka binuksan ang pintuan ng sasakyan niya nang may humila sa kanyang braso.

“Hey,” hinihingal na bulong ni Xian nang maiharap niya sa kanya si Kim.

“Oh?!” gulat niyang sabi.

“Paalis ka na?” tanong ni Xian.

“Obvious ba?” malokong sagot naman ni Kim.

“Ha ha. Ang ganda ng mood natin ngayon ah?”

“Mm... hindi naman masyado. :P” Sarakstikong sabi ni Kim.

“Ingat ka ha?” sinserong sabi ni Xian.

“Opo, boss.” Sinamahan ni Kim ng isang matamis na ngiti ang sagot niya. Madali namang nahawa nito si Xian. Kinilig siya nang tawagin siyang “boss” ni Kim. Bago iyon para sa kanya. Magdidiwang na sana siya nang nagsalita si Kim.

“Sus! Natuwa ka naman?” biglang siyang bumawi.  “Joke lang yun! Sige na aalis na ako. Balik ka na sa work mo! Dun ka mag-emote!” biro ni Kim nang makita ang panghihinayang ni Xian.

“Ha ha! Oo na. Take care okay? I’ll see you later.” Sagot ni Xian. “Wear your seatbet.” Paalala niya bago pinagsarhan ng pinto si Kim nang maalalayan itong makasakay.

Kumaway at ngumiti lamang sa loob ng sasakyan si Kim habang pinanood naman ni Xian ang kanyang pag-alis. Namangha ito sa kakayahan niyang magmaneho. Turn-on sa kanya ang mga babaeng marunong mag-drive.

Bumalik na si Xian sa trabaho at naghintay na lumipas ang oras hanggang magkasama na silang muli ni Kim.


Alas singko nang hapon ay dumating na si Kim. Nagbilin si Xian kay kuya Arlie na sabihan siya kung nakauwi na ang dalaga. Gustuhin niya man puntahan ito ay hindi pwede dahil marami siyang eksenang kailangan kunan. Ginawa ni Xian ang lahat ng kanyang makakaya para mapabilis ang trabaho. Binuuhos niya lahat ng emosyon na kailangan at iniwasang mabulol sa script. Gustong gusto niya na puntahan si Kim.

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon