Chapter 3

2.2K 31 5
                                    

“Kimimay, wag mo nga akong tingnan ng ganyan! Ano ka ba!” Natatawang pang-iinis ni ate Lakam. Kahit kalian parang ewan talaga si Kim eh.

“Kanino ba kasi ibibigay ate?” Seryosong tanong ni Kim.

“Edi sa stress-reliever mo.” *insert Lakam smile here*

Natulala si Kim. Nalaglag ang panga niya at nakatitig lang kay ate Lakam.

Si Xian? Noooooo!! Ayoko hindi ko kaya nakakahiya baka hindi niya magustuhan baka hindi siya masarapan baka itapon niya lang baka masyad-----hindi na natapos ni Kim ang pageexaggerate niya.

“Si Raine!!!! Ano ka ba sinong nasa isip mo? Ikaw talaga!!”

Tumawa na naman si ate Lakam at tumayo mula sa kinauupuan niya. Siya na ang nag-pack ng cupcakes na binake ni Kim para ipadala sa Cebu. Nag-linis na rin sila ng staff dahil malapit na rin ang closing time nila which is 9:00 pm. Hindi niya alam kung na-compose na ni Kim ang sarili niya kung saan niya ito iniwan.

Thankfully, she already has. Nandun siya at nakangiti nang muli after a long day na nakasimangot. Lakas talaga ng kapit n Xian sa kapatid ko, isip ni ate Lakam.

“Tara na?”

“Tara ate. Ako na magddrive.”

“Sure ka?”

“Oo naman ate.”

“Kim ako hindi ko pa nayayakap ang love of my life ha, hindi pa ako ready mamatay. Ikaw palang.” Pagbibiro muli niya.

“Ate Kams naman eh!! Nakamove on na nga ako pinaalala mo pa! Lika na nga!”

Natatawa sila pareho sa asal ni Kim.

Hay, to be young and in love nga naman sabi ni tita Menchu!

8:30 na sila nakarating sa Cebuana Lhuilher. Unfortunately, hindi na raw sila tumatanggap ng mga rush deliveries beyond 6:00pm—tulad ng cupcakes na kailangan mapadala agad para hindi masyadong masira.

“Sorry po talaga Ma’am. Yun po ang protocol ng lahat ng delivery express.” Paliwanag ng staff ng Cebuana.

“Sige, okay lang Miss. Salamat nalang.” Sagot naman ni ate Lakam.

Mag-isang pumasok si ate Lakam sa Cebuana, saglit lang naman daw siya kaya naghintay nalang si Kim sa sasakyan. Nagtaka ito nang makita ang kapatid na bitbit pa din ang box ng Xianshine cupcakes niya.

“O ate Kams bakit nasayo pa yan?”

“Hindi na raw sila tumatanggap pag lagpas na ng 6...”

“Ahh ganun ba, sayang naman... panong gagawin natin diyan ate?”

“Edi kainin natin.” Napa-iling nalang si ate Lakam dahil wala na talaga silang choice kundi kainin yun lahat. “Para pag-gising mo bukas, walking on Xianshine ka ulit!! O diba!” Pang-aasar niya.

“Ate naman eh!!” Nakasimangot na naman ang Kimberly Chiu. “Ayoko na kumain. Pagdating natin matutulog na ako agad. Pagod na talaga ang utak ko ate. Pagod na pagod.”

Paano namang hindi mapapagod eh maghapong tumakbo si Xian sa isip niya.

Pagdating nila sa subdivision ay nandoon pa din ang mga ilaw at wires na nakita ni Kim kinaumagahan. Hindi pa tapos ang shooting pero tapos na ang moment ng mga audience. Muhkang pinaalis na sila doon. Ayaw naman ng magkapatid na makiusyoso pa at baka mapagalitan pa sila.

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon