Chapter 13

1.9K 21 5
                                    

Tuesday, 4 days before the ball

Eksaktong 4pm nang dumating si Xian sa Cupcakery LaKimberly galing sa photoshoot niya para sa Chalk Magazine.

Pagpasok niya sa shop ay kinawayan siya ng mga customers nila.

“Hi Xian! Hi Xian!!” sabi nila.

“Hello, kamusta kayo.. hello..” kabi-kabilang bati naman ni Xian habang kumakaway at ngumingiti sa kanila. May pa-ilan ilang nagpapicture sa kaniya bago siya nakalapit sa counter.

“Hi Sir! What are you having?” tanong ng babae sa cashier.

“Hi, uhm, nandito ba si ate Lakam?” tanong ni Xian sa kanya.

“Ah yes po sir. Bakit po?”

“Pakisabi naman nandito na ako.” Magalang na sabi ni Xian.

“Sige po sir. Saglit lang po.”

Umalis ang babae at saka pumunta sa likod para tawagin si ate Lakam. Si Xian naman ay naupo muna sa isang table sa isang tabi at nangamusta sa iba pang mga customers na nandoon.

“Xian!” tawag sa kanya ni ate Lakam at saka lumapit sa table ni Xian.

“Ate Lakam.” Bati ni Xian at saka tumayo para bumeso kay ate Lakam. Inalalayan niya rin siya sa pag-upo.

“Kanina ka pa?” tanong ni ate Lakam.

“Hindi naman ate, kararating ko lang.”

“Ganun ba. Anong gusto mong kainin? Kain ka muna.” Offer naman ni ate Lakam.

“Sige ate Lakam. Ikaw nalang pumili para sa’kin.” Nakangiting sabi ni Xian.

“O sige. Saglit lang.” Umalis saglit si ate Lakam at pumunta sa counter para ipahanda ang pagkain nila ni Xian sa crew.

Pagbalik ni ate Lakam sa table ay tinanong niya agad kung anong pakay ni Xian.

“Ano bang maitutulong ko sayo?”

“Ahh.. ate Lakam, it’s about the ball.. you know I asked Kim to be my date naman diba?” nag-aalinlangan na tanong ng binata.

“Oo. Sinabi niya sa akin.” Matipid na sagot ni ate Lakam.

Nahalata ni Xian na parang hindi masaya si ate Lakam sa pinag-uusapan nila.

“ Okay.” Pasimula ni Xian “i’m sorry kung biglaan. Hindi na ako nakapag-sabi sayo. I know nag-aalala ka ate Lakam.” Paliwanag ni Xian.

“Buti alam mo.” Masungit na sabi ni ate Lakam.

“What?” kumunot ang noo ni Xian. “Ate Lakam naman eh! Sorry, nabigla lang din ako. Sorry na ate Lakam please wag mo na ako sungitan oh!” naka-simangot at muhkang nagmamakaawa na si Xian.

“Pst! Tumigil ka nga diyan Xian Lim!  Pinagtitinginan ka na ng fans mo oh! Baka kung ano pang isipin nila.” Pagpigil naman ni ate Lakam.

“Eh wag mo na ako sungitan?” naka-pout na sabi ni Xian.

“Oo na hindi na!”

“Promise?”

“Oo na nga!”

“Talaga?”

“Ang kuliit mo!! Pero ito lang Xian Lim ha. Tatandaan mo: artista ka at crush na crush ka ng kapatid ko. Patay na patay yun sa’yo kung hindi mo na naaalala. Lahat ng ginagawa mo katuparan na ng mga pangarap niya. Yang star magic ball na yan, alam ko nag-aalala si Kim sa mga pwedeng mangyari. Yung fans mo, ano nalang sasabihin nila? Pero hindi niya yun inisip kasi nga pangarap ka niya eh. Hindi ka niya matanggihan. Kaya Xian utang na loob mag-ingat ka sa mga binabalak mo. Sobrang magiging masakit to kay Kim pag may nangyaring hindi maganda.” Seryosong sinabi naman ni ate Lakam.

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon