Chapter 8

2.2K 38 5
                                    

Kinabukasan ay may pasok na si Kim. Kusa siyang nagising sa saktong 7:00am. Dahil may pasok na ay hindi na muna inatupag ni Kim ang pag-iinternet at pagsstalk sa ultimate crush ever niya. Pagkatapos maghilamos at magmumog ay bumaba na siya sa dining para mag-agahan na sila ni ate Lakam.

“Morning ate Kams!” Bati ni Kim nang makitang patapos na maghain ang ate niya.

“O, muhkang ang ganda ng gising ah?” Nakangiting bati din naman ni ate Lakam.

“Mm... tama lang naman ate.” Umupo na si Kim sa la mesa. “Sarap ng ulam ah!” Comment ni Kim sa ulam nilang tapsilog.

“Sus!” Sabi naman ni ate Lakam na umupo na rin. “Mas masarap yata magkape eh....”

“Ha?!” Gulat namang reaksiyon ni Kim. Natigilan siya sa pagkuha ng sinangag. “Asan ang kape ate?” Sinubukan niyang lumusot.

“Uhhhhm,”pag-wawalang malisya ni ate Lakam. Kunyari ay wala siyang alam. “wala na eh, wala nang kape. Naubos na yata ka-ga-bi.” Binigyang-diin niya yung ‘kagabi.’

Komportableng naglagay ng pagkain si ate Lakam sa kaniyang plato habang ginigisa ang kapatid. Gusto niyang mabuking ito.

“Ahhhh....” iyon lang angn naisagot ni Kim at hindi naman na siya makatingin sa mga mata ni ate Lakam.

“Ha ha ha!! Naku Kimberly!!! Style mo bulok!” Siya namang pagbasag ni ate Lakam sa katahimikan.

“Te Kams naman eh!!! Ano ba yan!!” Reklamo ni Kim.

“Naku naku Kimberly Chiu... akala mo hindi ko alam?” Panunukso ni ate Lakam.

“Ang ano nga?!” Patuloy pa din na pagdedeny ni Kim.

“Asus! Sige nga, sabihin mo sa akin. Dalawang bagay lang. Adik na adik ka ba sa kape at kailangan dalawang tasa ang iinuman mo? Sa pagkaka-alala ko kasi nng iniwan ko ang kusina kagabi wala nang ligpitin diyan.” Handang handa si ate Lakam sa mga pambubuking niya samantalang napapalunok nalang si Kim ng mga kinain niya. “Tapos, sabihin mo din sa akin kung ganun ka na talaga kabaliw kay Xian para gayahin mo yung boses niya at kausapin mo yung sarili mo at tumawa ka mag-isa.”

Tinapos ni ate Lakam ang speech niya na may sarcastic smile.

Nabuko niya na naman kasi ang may sapak niyang kapatid.

Naka-pout na si Kim at pulang-pula na. Tinakpan niya ang kaniyang mga mata at unti unting nagkaroon ng ngiti sa kaniyang mga labi. Sumilip siya sa kaniyang ate at saka tumili sa kapatid.

“Aaaaaaaaahh!! Ate naman eh!! Pano mo nalaman?!!!” Pagsuko ni Kim sa ate Lakam niya.

Tawang-tawa naman si ate Lakam sa kaniyang baliw na kapatid.

“Hay nako Kimberly! Eh ramdam na ramdam hanggang dun sa taas yung kilig sa katawan mo! Nagising tuloy ako. Sumilip ako saglit kaso parang may haranahan na nagaganap eh, kaya hindi na ako bumaba.” Paliwanag naman ni ate Lakam.

“Ahhh ate nakakahiya!!! Kainis ka talaga!!” sabi ni Kim na akmang hahatawin ng kutsara ang ate niya.

“Ha ha ha! Mag-thank you ka kasi hindi ko kayo inabala!!” Pangaasar pa din ni ate Lakam.

“Ewan ko sayo ate!!!” Tumawa siya at pagkatapos ay nagkunwaring nagssungit at hindi pinansin ang kapatid. Tinuloy niya ang kaniyang pagkain at iniirap-irapan si ate Lakam. Napa-iling nalang si ate Lakam.

“Kim, basta ha. Ingat ka diyan. Hindi lang picture yan. Totoo na yan. Artista na yan.” Seryosong sabi naman ni ate Lakam.

“Oo ate, alam ko.” Sumang-ayon si Kim.

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon