Chapter 18

1.9K 26 8
                                    

“Good morning XIANshine!!!!” bati ni Kim sa sarili niya. Matagal na rin nang huli niya itong sinabi. Nung Chapter 1 pa.

Agad na lumabas si Kim sa kanyang veranda para magpa-araw. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at nilanghap ang tila ba ay sariwang hangin. Napakatamis ng ngiti sa kanyang mga labi habang nag-uunat ng katawan.

“Pssst!” may narinig si Kim. Hinanap niya kung saan nanggagaling ito.

“Pssstt!!” lumingon si Kim sa kanan, kaliwa, at taas bago niya nakita ang pinanggagalingan ng boses na iyon sa baba.

Nakita niyang humihigop ng kape si Xian sa labas ng kanyang tent.

“Good morning!” sabi ng mga labi ni Xian. Walang tunog niyang sinambit ito.

Pasimple namang kumaway si Kim sa kanya. “Morning,” balik ni Kim. Binigyan niya ng isang matamis na ngiti si Xian. “Kumain ka na?” bulong din ni Kim habang salitan na inaangat ang mga kamay niya na simbolo ng pag-kain.

Nakita niyang umiling si Xian at ngumuso sa kanyang tasa ng kape. Nakuha naman ni Kim ang ibig sabihin niyang iyon palang ang umagahan niya.

Naputol naman ang pagsi-sign language ng dalawa nang biglang may lumapit kay Xian na staff. Tinatawag na siya nito. Bago tuluyang sumunod ay muling lumingon si Xian kay Kim para sumenyas na nagTweet siya dito.

Nang makuha ni Kim ang mensahe, pumasok na si Xian sa loob ng bahay nila Aling Mila at ganoon din naman si Kim sa loob ng kwarto niya. Hinanap niya agad ang cellphone niya na nawawala sa ilalim ng mga unan at ng kumot niya.

Nang mahagilap niya ito ay agad niyang tiningnan kung ano ang Tweet sa kanya ni Xian.

@prinsesachinita Good morning! Kain ka na. :-)

Napangiti naman si Kim sa nabasa niya. Sa loob ng napakaraming taon ay ngayon niya lag ulit naramdaman ang “butterflies in your stomach” effect. Matagal niyang tinitigan ag tweet ni Xian na para bang ito na ang pinakamagandang tweet na nabasa niya bago siya sumagot.

@lessthanthreex Morning... focus ka jan sa work mo! :P

Humayo na si Kim para asikasuhin ang sarili niya. Nagluto siya ng pancakes and bacon fro breakfast. Magandang maganda ang simula ng araw ni Kim. Ang hindi niya alam, kabaligtaran nito ang kay Xian.

Ipinatawag ni kuya Arlie si Xian para makausap ito tungkol sa kalokohang ginawa niya. Hinihintay niya si Xian sa isang kwartong hindi nila ginagamit sa set. Pagdating ni Xian ay kalmado niyang hinarap ang maager niya sa kabila ng kaba sa kanyang dibdib. Alam niyang hindi maganda ang magiging reaksyon ni kuya Arlie pero ganunpaman, handa siyang magpaliwanag.

“Xian,” pag-acknowledge ni kuya Arlie sa presence ng alaga niya. “Gidget will be here soon. Mag-uusap tayo.”

“Kuya Arlie if this is about the ball, I can explain.” Depensa ni Xian.

“Dapat lang.” Seryosong sabi naman ni Kuya Arlie.

Hinintay lang nila saglit si ate Gidget bago siimulan ang pag-uusap.

“Arlie, Xian.” Sabi ni ate Gidget oras na makarating siya sa location. Bumeso ito kay Xian bilang pagbati.

Ramdam ni ate Gidge ang tensiyon sa pagitan ng dalawa. May kutob siyang kaya siya pinapunta doon ni kuya Arlie ay para maging mediator. Strikto si Arlie pagdating sa schedule at appearances ni Xian na karaniwan naman ay hindi nila nagiging problema. Unang beses na hindi nagpaalam si Xian sa kanila.

“So, what happened Mr. Xian Lim? Bakit bigla ka nalang nawala sa ball, ha? Sino yung kasama mo sa spotted photos? At bakit hindi mo man lang pinansin ang 64 missed calls namin sayo?” diretsang tanong ni kuya Arlie. Nakaupo silang dalawa ni ate Gidge sa paanan ng kama habang si Xian naman ay nakaupo sa isang upuan sa harapan nila.

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon