Chapter 73

14.1K 281 72
                                    

The Next Day
7 AM

"Punta kay Lola dali"utos ko kay Miggy pagkababa namin ng taxi dito sa bahay namin dati.

"Miggy!"tuwang saad ni Mama habang nagdidilig ng mga halaman. Binitawan ko na ang kamay ni Miggy at tumakbo sya sa lola nya.

Niyapos nya ang tuhod ni Mama habang nakatingala't nakangiti. Natawa naman ako sa kacute-an nya. Pinatay ni Mama yung hose at binuhat si Miggy.

"Kamusta na ang apo ko? Hmm?"tanong ni Mama at kinissan si Miggy.

Tumawa naman si Miggy at nilabas ang airplane nya mula sa bulsa nya.

"Ma,si Kuya?"tanong ko at bumeso kay Mama.

"Nasa loob nagluluto"sagot nya.

"Sige,pasok lang ako Ma ah"

"Sige sige"

Naglaro naman silang dalwa at ako'y pumasok sa bahay. Kagad akong pumunta sa kusina at nakita ko si Kuya.

"Wazzup Kuya"bati ko at napalingon sya sakin.

"Uy Ara,andito ka na pala"saad nya at nakipagbeso ako.

"Gago,nung isang araw pa kami umuwi ng Pinas ni Miggy"saad ko

"Gago,ibig kong sabihin,andito ka na pala eh ang aga aga! Tungaw ka"

"Ah! Ahahahahaha! Anyway Kuya,may itatanong kasi ako sayo kaya ako pumunta rito"

"Oh? Ano ba yun?"tanong nya at uminom ng tubig.

"Kuya tanggap na ba ni Mama si Thomas?"

*ppppffftttttt*

"Ay! Kuya!"saway ko at kagad na lumayo. BUGAHAN BA NAMAN AKO NG TUBIG NA GALING SA BUNGANGA NYA?!

"Ano?!"sigaw nya.

"Sshhh,wag kang maingay. Baka marinig ka ni Mama"pagsuway ko.

"Teka,Ara don't tell me kaya hindi ka nakadalaw rito kahapon eh dahil si Thomas ang inatupag mo"seryosong sabi nya.

Napakamot naman ako ng batok "Hindi mapanatag loob ko eh"

"Susko naman Ara"binitawan ni Kuya yung iniinom nya at nilagay sa bewang ang dalwa nyang kamay.

"Umuwi ka ba talaga sa Pilipinas para magbagong buhay? O ang balikan si Thomas?"tanong nya.

"Pwede both?"

"Ulul! Bumalik ka na lang ng America"saad nya at bumalik sa pagluluto.

"Bakit ba Kuya?"tanong ko.

Tumingin sya sakin "si Mama kasi aya-"

"Ara!"

Napatigil sa pagkwekwento si Kuya dahil pumasok na si Mama sa bahay. Ano naman ang meron kay Mama? Ayaw parin ba nya kay Thomas? Hindi ba't nasabi na lahat ni Tita Beta yung kagaguhan ng anak nya at hindi si Thomas ang may kasalanan nun?

"Ara asan yung dede ng anak mo? Parang gutom eh oh"saad ni Mama habang buhat si Miggy.

"Nandyan sa bag nya"sagot ko at tinuro yung teddy bear na bag ni Miggy.

"Grabeng nanay to oh,anak nyang maliit pinagbibitbit ng gamit nya"pagbibiro ni Kuya at napalo ko sya sa braso nya.

"Gago,alangan naman kasing ako yung magsuot ng teddy bear nyang bag. Edi mas grabeng nanay yun"saad ko.

Natawa naman si Kuya "baka mabigat yang bag na yan ah,makuba pa yang pamangkin ko"

"Hindi,diaper at gatas lang nya andyan"Sagot ko naman.

I Am The Sex Slave Of Mr. Thomas TorresWhere stories live. Discover now