Chapter 56

8.4K 193 245
                                    

7 AM

Nanatili akong tulala dito sa may balcony. Nakaupo at di man lang makapagsalita. Sa totoo lang talaga,wala akong maramdaman na sakit ng katawan. Sakit sa puso meron. Hindi ko maintindihan kung pano nagawa ni Thomas to. Bakit nya ako nakayanang saktan ng ganon? Parang hindi pa yata ako nasasampal at nasusuntok ni Thomas ah,pero bakit nya ginawa sakin yun? Ganun ba talaga kaya nyang gawin pag iniwan ko sya? Talagang maling desisyon ang iwan ko sya eh. Maling mali. Bakit ko ba kasi sya nakayanang iwan? Nagsisisi talaga ako! Sobra sobrang pagsisisi. Naramdaman ko na tumulo ang luha ko. Tsk,naiiyak ako. Shocks,parang natrauma ako sa ginawa ni Thomas sakin. Still in shock kumbaga.

Nakakabigla kasi si Thomas,sobra syang nakakabigla. Nakikita ko na yung other sides nya. And ang papangit ng sides nyang yun.

Alam mo yung nakakainis? Yan yung di ko man lang magawang magalit kay Thomas. Nakakainis nga eh. Dapat galit na ko sa kanya kasi sinaktan nya ako pero ano? Parang nagagalit pa nga ako eh sa sarili ko kasi sinisisi talaga lahat ng ito sa sarili ko. Kung hindi ako umalis di naman nya gagawin to eh di ba? After all,its all my fault. Kasalanan ko to eh kaya I should pay the price.

Mahalaga,nasa piling ako ni Thomas. Nasa piling ko ang taong mahal ko. Yun naman talaga ang mahalaga hindi ba? Ang umuwi ako sa kanya. Sabi ko nga at sasabihin ko ulit,kahit mapagod,masaktan at mahirapan ako kakayanin ko para makuha lang ang gusto ko. Yan yung ay makasama ko ng habang buhay si Thomas.

Di ako makalabas ng kwarto,kinulong kasi ulit nya ako. Halos kanina pa kong gising at di makatulog. Gosh,nababagabag ako ka Thomas.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Agad akong lumingon. Nakita ko na binuksan lang nya ang pinto sabay umalis na rin. Ni hindi ako kinausap.

Lumabas na ako at nakita ko syang pababa ng hagdan. Hindi nya ako pinapansin. Gosh.

Sumunod ako sa kanya at pumunta sya ng dining area. May mga foods na at halatang sya ang nagluto pero mahahalatang kumain na sya. Ewan ko pero kumulo na yung tyan ko. Palibhasa gutom na ko. Kaya pumunta na lang ako dun sa dining area at kumain. Habang kumakain ako napansin ko na parang may inaayos si Thomas sa kusina. Ano naman kaya yun? Kaya tumayo muna ako at pinuntahan sya. May kinukuha sya sa cabinet.

"Thomas anong kailangan mo?"

Biruin mo,sya nanakit tas parang ako pa yung nagpapatay malisya sa mga nangyari.

Pero di nya ako sinagot at patuloy lang sya sa ginagawa nya. Hanggang sa mapansin kong kumukuha sya ng pang gawa ng ice cubes.

At di nga ako nagkamali,gagawa nga sya.

"Thomas,ako na lang gagawa nyan"saad ko sa kanya

"Kumain ka na"

Nagsalita sya pero napakaseryoso lang at di tumitingin sakin.

"Hindi,patapos na rin naman akong kumain. Sige na,magpahinga ka na lang sa kwarto mo tutal may hang over ka pa siguro"saad ko

"Ara ano ba?!"

Nabigla ako ng medyo tumaas ang boses nya.

"Kumain ka na lang"

Bumalik sya sa ginagawa nya at natakot ako. Galit talaga sya sakin. Di ko matanggap.

Mas lumapit ako sa kanya at niyapos sya. Niyapos ko sya from behind at napapikit ako.

"Thomas sorry"naiiyak na bulong ko. "Nagsisisi na kong umalis ako rito. Malaking pagkakamali yung ginawa ko"

Hindi sya sumagot bagkos parang tumigil lang sya sa ginagawa nya.

"Thomas,patawarin mo na ko. Promise,magbabago na ko"naiyak na ako at mas hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

I Am The Sex Slave Of Mr. Thomas TorresWhere stories live. Discover now