Chapter 49

10K 159 102
                                    

October 30 2018
10 AM

"Ma'am Ara,akin na po kamay nyo"paglalahad ni Mang Joni ng kamay nya

"Hindi po,kaya ko na po"sagot ko at ngumiti

Sumakay ako sa speed boat ni Thomas at nilagay ko ang mga gamit ko.

"Mang Joni ito po ba talaga ang gagamitin natin?Medyo delikado ah"tanong ko

"Sabi po ni Sir Thomas eh,para daw po mas mabilis na kayo makauwi. Hayaan nyo po,dadahanin ko ang pagmamaneho. Magsuot na rin po kayo ng life vest para mas safe po kayo"

Tumango na lang ako

"Ay Sir!"saad ni Mang Joni at tumakbo papunta kay Thomas.Kinuha nya ang mga gamit ni Thomas at inilagay ito sa tabihan ko

Sumakay na si Thomas pero ni isang salita wala man lang syang sinabi.

Nagdrive na si Mang Joni at nakakalungkot na hindi man lang ako tinabihan ni Thomas. Nagcecellphone lang sya at di nagsasalita. Di pala sya nakasuot ng life vest nya. Kaya inabot ko sa kanya yung isa.

"Thomas mag life vest ka"saad ko

Tumingin lang sya sakin saglit "I'm good" sagot nya at nag cellphone muli

Napakunot na lang ang noo ko at binaba ang inalok kong life vest. Galit ba sya sakin? Sabi naman nya sakin kagabi di sya galit pero bat di nya ako kinakausap? Pasimula breakfast,wala eh. Akala ko pa naman aalis kaming okay rito sa Quezon,hindi pala. Siguro nga nasaktan ko sya. Nasaktan ko sya sa mga sinabi ko kagabi.

Napatingala ako,makulimlim ang langit. Mukhang nakikiramdam ang panahon ngayon sa nararamdaman ko ah. Ayoko namang umiyak kasi alam ko namang no use na to. Di na nito mababawi yung mga nagawa ko kagabi kay Thomas. Kaya mas pipiliin ko na lang siguro na tumahimik muna.

Nang makarating kami sa Jomalig ay pumunta na kami sa kotse ni Thomas.

Pumasok na ako sa kotse at si Thomas naman ay nagpaalam na sa pamilya ni Mang Joni. Naggood bye wave na lang ako sa kanila since nawawalan na ako ng gana.

Pagkatapos ng paalam ay sumakay na si Thomas. Inistart nya ang engine at eto na naman. Seryoso lang sya. Tahimik.

Di ko alam kung pano ako makikipag usap sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang mga salita ko dahil alam ko namang wala rin gana si Thomas na kausapin ako.

*kkkkrrruuugggg*

Ayan na,kumulog na.

Pumatak na ang ulan at naramdaman ko ang paglamig ng paligid. Umuulan. Naalala ko tuloy nung naligo kami ni Thomas sa ulan. Yung nasa balcony kami.

Napangiti ako ng wala sa oras ng maalala ko yun. Yung tawanan namin nun at yung mga tingin nya sakin. Yung kilig na nararamdaman ko nun nararamdaman ko pa rin. Ang tanong,after this day ba mararamdaman ko pa ba yun?

...

After 30 Minutes

Di parin tumitigil ang ulan,sa tingin ko nga mas lalo pang lumakas eh. Kaya mas lalong lumamig.

Nilipat ko yung focus ng aircon at hindi na sakin para di ako masyadong lamigin.

Maya maya ay nakita kong hininaan ni Thomas ang aircon. Langya,kung di ko pa nilipat di nya hihinaan! Yan kasi! Di nagsasalita eh. Panay nakikiramdam lang. Nakakainis naman eh. Gusto kong makipag ayos tapos parang wala syang pakialam! Tsk

"Thomas bakit ba?"nilakasan ko ang loob ko at tumingin ako sa kanya

Napatingin sya sakin pero binalik rin ang tingin sa unahan

I Am The Sex Slave Of Mr. Thomas TorresWhere stories live. Discover now