Chapter 59

7.1K 199 116
                                    

11 PM

(A/N: You can use the background music in the media kung gusto nyong umiyak pa lalo haha)

"Aba teka,hindi pwede yun"

"Wala tayong magagawa,si Ara naman po magdedecide eh. Sya yung biktima"

"Tita sure naman po ako,ipapablotter nya yun. Sa nakikita ko naman po mukhang nasaktan si Ara"

"Gabby ewan ko ba dun sa Thomas Torres na yun. Mabait yun eh. Nung nakipag usap ako sa kanya dati napakaganda ng usapan namin. Hindi ko maintindihan talaga kung pano nya nagawa yun"

Dahan dahan kong minulat ang mata ko.

Asan ako? Bakit wala ako sa kwarto ko o kwarto ni Thomas?

"Ara? Ara anak?"napatingin ako kay Mama. Andito si Mama,Kuya at Gabby.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya

"Ara kamusta ka na,anak?"naiyak kagad sya at hinawakan ako sa ulo.

"Nasan ako?"

"Hospital rito sa Tagaytay"sagot ni Kuya.

"Bakit ako nandito?"tanong ko at napabangon.

"Ara,wag ka munang gumalaw galaw. Di maganda para sayo"saad ni Gabby

Kumunot ang noo ko

"Bakit nyo ba ako dinala rito?"may taray na tanong ko

"Ara niligtas ka namin.We've been searching for you ever since umalis ka. We've been finding the houses of Thomas Torres kaso medyo natagalan kami sa paghahanap kas-"

"Thomas?"supalpal ko. Napapikit ako at tila ba naalala ko lahat. Shocks! Si Thomas!

"Ibalik nyo ko"saad ko at pinilit kong maka alis.

"Ha?! Ano?!"tanong ni Mama

"Ibalik nyo ko,ibalik nyo ko kay Thomas! Ayoko rito!"

"Ara nababaliw ka na ba?! The guy almost killed you! Sabi ng Doctor mabuti nga raw na napaaga ang pagsugod sayo sa ospital kung hindi baka patay ka na ngayon!"Gabby shouted

Agad akong napaluha

"Hindi nyo ko naiintindihan"napahagulhul ako at napahawak sa ulo ko. Napatungo ako't pumikit.

"Ara ano bang hindi namin maintindihan? You almost died! Mabuti na lang at nandito si Gabby sya yung gumastos sa lahat ng pangangailangan namin para mapatrack yung hayop na yun!"

"Kuya hindi hayop si Thomas!"agad na laban ko "Mabait na tao yun! Hindi nyo sya dapat ipakulong!"

"Victonara!"sumigaw si Mama sa tabi ko "Alam mo bang halos mabaliw kami sa kahahanap sa inyo! Hindi namin alam kung nagtanan kayo o nagsama o ewan! Kasi bigla kayong nawala!"

Pumasok sa kwarto na to ang mga kaibigan ko.Lahat sila ay nabigla dahil gising na ako. Nakakapagtaka dahil may pinasok silang lalaki. Mukhang lawyer. Sinarhan naman nila ang pinto kasi alam nila may tensyon na nagaganap.

"Ara,tell us. Bakit ka namin dapat ibalik dun? Bakit ka dapat naming ibalik dun at hayaang mag agaw buhay"tanong ni Gabby.

"Hindi nyo ko naiintindihan! Mababaliw si Thomas pag nagkahiwalay kami! Ibalik nyo na lang ako kasi baka magpakamatay si Thomas pag iniwan ko sya. Nangako ako! Nangako ako sa kanya. Wag nyo kong ilalayo kay Thomas. Wag nyo kaming paghiwalayin"

"Ara tama na!"saad ni Kuya at niyapos ako pero lumaban ako. Para bang nawawalan na ko ng pag asa. Pakiramdam ko di na ulit kami magkikita ni Thomas. At ayokong mangyari yun! Umiyak na ako ng umiyak,tipong kahit sina Mika ay nadadamay ko.

I Am The Sex Slave Of Mr. Thomas TorresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon