Chapter 66

7.1K 182 79
                                    

(A/N: So ngayon,tapos na magkwento si Ara sa Psychiatrist nya at ang date na ngayon ay January 18 2020. Ito yung date nag kwekwento si Ara kay Doc Angeline Gomez about sa past nya. 25 na si Ara at 3 months na si Baby Miguel. Now tapos na sya magkwento kaya PRESENT TIME NA PO TAYO AH! Di ko na ibo-bold kasi hanggang katapusan na to,present na tong chapter at sa mga susunod pang chapter. So yun lang. Wag sana kayong malito ah)

January 18 2020
5 PM

May mga maintenance na binigay sakin si Doc Gomez para makatulog ako. Gabi gabi ko parin kasi napapanaginipan si Thomas at nabobother si Gabby dun. Kaya nagpahanap sya ng Psychiatrist para matulungan ako. Si Mama ko yung nakahanap kay Doctor Angeline mas maganda raw kung fellow Pinoy ang kausapin ko kaya sya yung nirecommend ni Mama. Now,tapos na yung tests ko kaya may gamot na lang syang binigay.

Every Saturday bumabalik balik ako rito para maglabas ng problema since hirap pa ko. Lalo na ngayon na nai istress ako kay baby ko.

It felt good naman na finally nailabas ko na lahat yung hinanakit ko. I still have my last 2 visits kay Doc kaya she gave me a tons of advice para makalimot ako pag naaalala ko yung past ko.

After kong mahimasmasan sa kaiiyak ko ay nag paalam na ako kay Doc at lumabas na ng hospital.

Dumiretso ako sa kotse ko at nagdrive pauwi. Tumunog bigla yung phone ko. Tumatawag si Gabby.

"Hello?"pagsagot ko.

"UWAAAAAA!"

Agad akong nabingi ng marinig ko ang iyak ng baby ko.

"I need you!!" Gabby shouted. Sounds like he's in hell ha. Natawa ako ng konti.

"Pauwi na ko"saad ko.

"Grabe si Miggy di na tumigil sa pag iyak! Ikaw yata kailangan nitong baby natin!"

Natawa naman ako ng konti. Hands on Daddy si Gabby kay Baby Miggy. Since,hindi pa naman nabibigay samin ang business wala kaming ibang ginagawa kundi ang alagaan si Baby.

And by the way. Miggy ang tawag ni Gabby kay Baby. From his name Miguel,ginawa nyang Miggy sounds like Gabby daw since baby na nya rin daw yun. Like Father Like Son daw.

Ako lang naman pati kasi tumatawag ng Ompeng kay Baby eh. Of course,tinutupad ko lang hiling ni Thomas nun. Pero pag kasama ko si Gabby,Miggy rin tawag ko kay Baby. Ayoko namang magtampo sya kasi sinisingit ko parin si Thomas sa pamilya namin kaya Miggy rin minsan tawag ko.

"Miss na yata ako ni Miggy ko eh"saad ko.

"UWAAAAAA!"

"Oh ayan oh,miss na miss ka na nga!"saad ni Gabby na mukhang natataranta na. "Uy,baby tahan na. Oh ito airplane oh. Eennggg"

Napangiti naman ako ng marinig ko na parang nilalaro ni Gabby si Miggy. Akala mo naman alam na ni Miggy ang airplane eh 3 months palang naman haha.

"UWAAAAAAA!!"

"Uy huhu! Araaaa umuwi ka naaaa"naiiyak na sigaw ni Gabby.

"Opo! Opo pauwi na!"saad ko.

"Ah sige sige. Magluluto pa ko ng pangdinner eh. See you Ara. I love you"

Napangisi na lang ako "I love you too"

"Sige,bye!"

END CALL

.

.

.

.

I Am The Sex Slave Of Mr. Thomas TorresWhere stories live. Discover now