Chapter 2 Winx Fairies

14.2K 188 22
                                    

Kathryn's POV

Hinigpitan ni Julia ang pagkakahawak sa braso ko. Sign na we need to get away from them. Hindi nga namin sila pinansin at ipinagpatuloy na lang ang paglalakad. Pero sa kasamaang palad binato kami ng C2 solo na wala nang laman at tinamaan si Kiray. Galit na humarap si Kiray sa mga ito

"Ano ba!!!!"

Pinulot nito ang bottle at ibinato sa kanila ngunit walang tinamaan. Natawa lang sila at si Daniel ay titig na titig sa akin na parang may gustong gawing kalokohan. So ako na naman?! Humarap siya kay Diego at ginaya ang porma ni San Goku tuwing maghahame-hame wave!

"Kapangyarihan ng hangin!"

Sigaw nito. Obviously inaasar ako

"Para ka talagang bata Daniel-..."

Sabi ni Diego tapos ginaya rin yon ginawa ni Daniel kanina.

"Kapangyarihan ng apoy!!!"

Sigaw pa niya. So kanina pa pala sila diyan.

"Malinaw na sa’min kung bakit ganyan ang kulay mo Kath!"

Natatawa naming sabi ni Neil

Napatingin ako sa aking balat, wala naman mali e, hindi naman ako maitim, morena lamang pero kapag tinabi ako kina Julia, nagmumukha akong maitim. Pero wala naming kaso yun dahil sabi nga nila, ang kulay ko daw ang nagdagdag ng appeal sa aking kagandahan.

"Ang lakas naman ng powers mo Julia!"

Pang-aasar pa ni Sam.

"Oo nga Julia! Sunog na sunog na si Kath!"

Pagpapatuloy naman ng isa pang buwisit na Daniel. Aba?

"Tumahimik nga kayo! Wala na kayong ibang ginawa kundi pagtripan kami!"

Nagagalit na rin yata si Julia!

"Oo nga!"

Pagtataray pa ni EJ...

"Whatever!"

Pabaklang sabi ni Daniel na nag-W sign pa ng kamay. Tumawa na naman sila. Ang ayaw ko sa lahat , ang pinagtatawanan ako o sino man sa aking mga kaibigan!

Lumapit ako sa kanila at pinulot ang C2 at ibinato kay Daniel na tinamaan sa noo. Bahala na!

Hinarap niya ako na sapo-sapo ang noo. Mukhang galit na sya. KEBER! it’s  his fault naman.

"Dalawa! Dalawa na ang atraso mo sa akin! Namumuro ka na! Talagang papatulan na kita sa susunod!"

I smiled to hide my nervousness.

"Huwag kang mag-uumpisa ng away kung maaasar ka din!"

Sigaw ko sa kaniya

"Oo nga naman pare..."

Tatawa tawang sabi ni Neil

"Sino bang nagsabing pikon ako?"

Nagbago ang itsura nito, ngumiti siya ng nakakaloko. Maya-maya bumulong si Diego sa kaniya.

 Daniel's POV

"Ewan ka talaga!"

Bulong sa akin ni Diego. Oo, ewan nga talaga siguro ako! At si Kathryn lang ang dahilan kung bakit nagiging ewan na’ko. Nasisiyahan ako sa kaniya dahil ang sarap niyang pagtripan dahil lumalaban!

The Magic Kiss (COMPLETED)Where stories live. Discover now