Chapter 1 Mga BOBO!

21.7K 241 18
  • Dedicated kay Trisha Fae Ballesteros Loyola
                                    

Kathryn's POV

"Tss! Masakit ang ulo ko ngayon!"

Sabi ko sa mga kaibigan ko. Nandito kami sa canteen ngayon.

"Init lang yan Kath!"

Si Julia, ang genius ng barkada. Bestfriend ko since birth na wala nang ginawa kundi mag-sighting ng mga guwapo! haha! pero wag kayo, NBSB yan..Kahit maganda, sexy , matangkad at matalino. "Study first!" ang motto niyan

"Natural! Overcrowded na kaya? Let's go!"

Yaya naman ng "BC" ng barkada,si Kiray.What's BC? BOYFRIEND COLLECTOR! :))

She's funny at may motto na " 100% confidence is beauty"

TARAY!!! Haha

"Wait lang! ubusin ko lang 'to!"

Pigil naman ni EJ. Sarap na sarap ito sa sphagetti. Sabagay, si Lito kasi ang nag-serve. Isa sa mga crushes nito. Isa ring malandi ang kaibigan kong 'to e. Hehe! May motto pang " Ituloy mo lang ito." Weew! Ano raw?

At siyempre, hindi makukumpleto ang kasiyahan kapag walang KATHRYN! Ang kukumpleto sa mga sira-ulo kong kaibigan.:D

Maganda ako sabi ni mama at papa. Sexy naman daw ako sabi ng aking mga "prens" at sa tingin ko naman ay hindi sila nagsisinungaling. HEHE! At matalino rin naman. And my motto is " I was born this way" haha...ang maging loka- loka forever!Kaya siguro walang nanliligaw sa'kin....hmp T_T

Tumingin ako sa paligid. Puno na nga, mabuti na lang at tapos na si EJ. So we decided to leave. But before that, umorder pa ako ng pineapple juice para may inumin ako sa daan.

Nakahinga ako ng maluwag pagkalabas namin. Nakayuko ako habang naglalakad. Sumisimsim ako sa aking juice nang biglang may mabangga ako at natapon dito ang aking inumin. NAKU!!! Dali- dali kong kinuha ang panyo ko at pinunasan ang damit nito

"WHAT THE..!!!!"

Asik nito. Nakayuko pa rin ako at pinupunasan siya

"Sorry! Sorry! Sorry talaga."

Inagaw nito ang aking panyo at pinagpatuloy ang naiiritang pagpupunas sa sarili, pababa hanggang sa nabasa rin pala sa harapan ng pantalon nito. Kusang sumunod ang mga mata ko sa pinupunasan nito. Sa di mawaring dahilan, nag-init ang aking mga pisngi.

Oops! Saan ka nakatingin? Binawi ko ang aking paningin. SHOCKS!!! Nakakahiya. Dun lang ako napatingin sa nagmamay-ari ng tinig na 'yon. WAAAAHHH!!! Nakangisi siya. NAKAKALOKA!!!! Sa dinami-dami ng mababangga o makikita, siya pa! Kainis naman oh! Sigurado, masisira na naman ang araw ko!

Walang ibang sisira kung hindi si DANIEL PADILLA!!! Ang piiiiiiinaka-demonyong tao sa balat ng lupa! Ang kontrabida sa aking buhay! Ang walang kwentang nage-exist sa mundo!

At idagdag pa ang barkada niya. Kung apat kami, apat din sila. ARGH! Nakakagigil!

"Alam mo, kahit kailan talaga ang tanga mo! Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo. Sa'yo ba ang kalsada?! Ha?!"

Ako TANGA?

"Hindi ako tanga! Ikaw ang tanga!"

Gigil kong sagot dito. Inis talaga ako. May balak pang ipahiya ako. Alam naman niyang maraming tao sa paligid. Nakaka-agaw na rin kami ng pansin at atensyon. Pero wala akong balak magpatalo dito!

"Nakita mo naman akong papalapit, e bakit hindi ka pa umiwas?! E 'di hindi sana nangyari sa'yo yan, bobo!"

The Magic Kiss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon