Epilogue

10.3K 190 50
                                    

 A/N: Ako'y muling nagpapasalamat sa mga tumangkilik sa TMK. Mahal ko kayong lahat. :)

**

Daniel, manganganak na yata ako!

Niyugyog ko ang balikat ng asawa ko para magising ito. Tumingin ako sa wall clock, mag-aalas 2 pa lang ng madaling araw.

Dumilat ito, namumungay ang  mga mata sa antok.

"Hmmm?"

"Manganganak na ako!"

Napabalikwas ito ng bangon.

"Manganganak ka na? As in, now na?!"

"Malapit na!"

Pinipigilan ko ang mapangiti. Nanlalaki kasi ang mga mata niya.

Nagmamadaling tumayo ito, nagparoo't parito sa harap ko.

"Susi ko, nasa pantalon. Kotse, nakaparada sa harap. Damit ni Kathryn, nasa bag."

Halatang ninenerbyos ito. Binuksan nito ang pinto ng silid namin para lumabas.

Kahit humihilab yung tiyan ko ay natawa ako.

"Daniel naman! Bumalik ka rito. Magsuot ka nga ng pantalon. Nakaboxer shorts ka lang eh!"

Tumingin ito sa mga paa. Tinampal nito ang noo saka bumalik sa kuwarto. Halos matumba ito habang nagsusuot ng pantalon.

Hindi ako nakatiis. Tumawa ako ng malakas.

"Daniel, kaya kita ginising, para ibilin sayo na gisingin mo na si Kuya RJ para siya na ang magdrive papunta sa Hospital. Sa lagay mong yan, baka magpatawag ako ng ambulansya."

"Ay, ganun ba? Hindi mo agad sinabi."

Umupo siya sa gilid ng kama.

"Kathryn, are you okay?"

Nag-aalala siyang lumapit sakin.

"Saan ang masakit? Hihilutin ko."

"Daniel, tawagin mo na si Kuya RJ!"

Nakangiwi kong sabi.

"Ano ka ba naman kasi, sa tuwing manganganak na lang ako, nagkakaganyan ka! Ang galing galing mong CEO, pagdating sa ganito, sobra ang pagkataranta mo! Pangatlo na nato 'to ah!"

"Eh, alam mo naman ako. I can't stand seeing you in pain."

Nakangiwing hinaplos niya ang tiyan ko. Parang gusto pa niya akong buhatin.

Humilab ulit ang tiyan ko. Napa 'aray' na ako.

"Si Kuya RJ tawagin mo na!"

Inilabas nito ang cellphone niya, idinial niya ang numero ni Kuya RJ. Natawa na naman ako.

"Daniel naman! Nasa kabilang kuwarto lang siya!"

Naluluha na ako sa kakatawa, kasabay ng pag-usbong ng kaligayahan sa puso ko.

Sampung taong na kaming kasal. Ikinasal kami pagkatapos namin ng pag-aaral.

Masayang masaya ako sapagkat madadagdagan na naman ang mga anghel namin. Ang panganay namin si Karl ay sampung taong gulang na. Si Kristian na lalaki rin ay 6 taong gulang at babae ang pangatlo naming anak. Daniela ang ipapangalan ko sa kanya.

Narinig ko ang papalapit na yabag. Marahil, nagising na rin si Kuya RJ sa ingay naming mag-asawa. Humarap si Daniel Sakin. Alanganing ngumiti habang nagkakamot sa batok. Puno ng pagmamahal ang mga mata nito.

Oh! How I love this Man. Wala na akong mahihiling pa. I feel so loved and cherished. Umusal ako ng tahimik na panalangin. I'm so thankful for having him. Life with him was very good. It was very, very good, indeed.

THANK YOU FOR READING "THE MAGIC KISS" :))))

The Magic Kiss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon