Chapter 10 Siya ang First Kiss ko?!

13.8K 178 17
                                    

Kathryn's POV

Marahas niyang hinawakan ang batok ko at nanlaki ang mata ko sa sumunod na nangyari .....

Hindi ako makagalaw. I'm so shocked!Parang ayaw magsink in sa utak ko kung ano ang nangyayari.

Una siyang nakabawi. Napaatras siya. Siguro nagulat din sa ginawa niya. Hindi ko namalayan wala na sila.

Walang lingod likod nilang nilisan ang lugar. At naiwan akong nakatulala.

"Kath..."

Kung hindi pa ako tinapik ni Julia ay hindi na yata ako gagalaw.

Napatingin ako sa mga kaibigan kong worried, may galit, may gulat ..

Pero hindi ko madescribe ang nararamdamn ko.

Hinaplos ko ang aking labi.He kissed me and it was my...my first kiss!

Daniel's POV

God,I kissed her. I didn't mean to do that. Hindi ko alam kung bakit ko 'yon ginawa!

"Pare hindi yata kasama sa plano natin 'yon?"

Napalingon ako kay Diego.

"Now,it is."

Sagot ko na lang. Ang plano lang namin ay kidnapin at takutin siya,but it turned out to be like that.

Bumuntong hininga ako. Dala lang siguro ng inis ko dahil sa pagsampal niya sakin kaya ko nagawa 'yon.

"Ano ba 'yang hawak mo?"

Biglang nagsalta si Neil at kinuha ang folder na hawak ko.

"Project in TLE by Kathryn Bernardo"

Basa niya. Pa'no napunta sa'kin 'yon?

"Ano?!"

Inagaw ko ang hawak niya. Binuklat ko 'yon tapos biglang umihip ang malakas na hangin at inilipad ang ilang papel do'n at nahulog pa sa basang kalsada.

Kathryn's POV

"Where's your project?"

Hindi ko magets ang tinatanong ni sir.

Yung 'nangyari' kanina ang umuokupa sa isip ko.

Hinalikan niya ako. Hinalikan niya ako!

Napapikit ako. Panaginip lang 'to, masamang panaginip!

I blinked my eyes for how many times, hoping that I am in my bed

"Ms.Bernardo! I am asking about your project! Where is it?"

"Ha?"

Biglang nagising ang diwa ko. Project? Nasa'n na nga ba 'yon?

Hinanap ko sa loob ng bag ko pero wala!

"I think I misplaced it sir."

"Remember my rule? No project no test!"

Wahh?

"You will not take the exam tomorrow!"

Patay!

Iniuntog ko ang sarili ko sa desk. Sh*t!

Sana ma-amnesia na ako para makalimutan ko ang mga nangyayaring 'to sa buhay ko.Grabe!

Nakanganga lang ako sa book ko. Ayaw pumasok sa isip ko ang nirereview ko! 

Ang 'halik' na 'yon ang gumugulo sa isip ko.

The Magic Kiss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon