Chapter 10

924 28 2
                                    

Chap 10

The Last Chapter

---- Shar ----

"O eto lugaw , susubuan kita." Alok ni Jai habang ako nakaupo sa kama ko, nakatulala.

Yung kutsara nasa bibig ko na, pero di ko sinubo, para akong lutang nung gabing iyon, huminga siya ng malalim at tinabi ang pagkain.

"Shar, kung ganyan ka lang buong gabi, walang mangyayari sa iyo. Di makakabago ng isip ni Nash na wag umalis kung ganyan ka." Sabi niya. Bigla ko siyang tiningnan.

"Wala na akong magagawa, ayaw niya .. Iiwanan na niya ako. Wala na siyang paki sa akin." Sinabi ko.

Hinawakan niya ang balikat ko. "Wag mong sasabihin yan. Kahit kailan di niya ginawa sa iyo yon, alam mo iyon. Kailangan lang niya ng space .. kaya pagbigyan mo na? Saka diba isang buwan lang .. O? Andito naman ako oh."

Napangiti ako. "Salamat ha. Salamat." Pagkatapos non, pinakain na ako.

WORST NIGHT EVER


*The next day .. *

Pagkauwi ko sa bahay, may nakita akong isang malaking box sa may sala. Ang laki laki, syempre nagulat ako kaya binuksan ko, pagkabukas ko, mayroon na namang box .. at binuksan ko, ang nasa loob box na naman .. same routine hanggang sa lumiit yung box at nung sa final na .. nakita ko yung box ng sing sing .. napaluha ako .. binuksan ko ito at nakitang walang singsing sa loob.

"Di mo ito makukuha hanggang sa sabihin mo .. Oo papakasalan kita." Nagsalita siya.

Pagkalingon ko, agad kong sinabi ..

"Nash?"

"Oo naman." Sagot niya.

"Nash?" Pagdudduda ko.

May umalog sa akin at napamulat ang aking mata. Nakita ko sa harapan ko, si Jairus na tila nagaalala.

"Bakit Jai?" Tanong ko.

"Anong bakit? Kanina ka pa Nash ng Nash diyan, baka nga binangungot ka na e." Sabi niya.

"Ganun ba. Alam mo Jai, napaginipan ko siya."

"Talaga? Baka namimiss mo lang kasi aalis na."

"May engagement ring siya sa akin."

Bigla siyang natawa sa sinabi ko. "Ano? Sing sing! Naku Shar, nahihibang ka na."

Sumimangot ako. "Totoo naman e."

"Alam mo Shar, bumangon ka na't may pupuntahan tayo." Naging seryoso na ang mukha niya at umalis sa kwarto ko.

Wala naman akong gagawin ngayon kundi tumunganga sa bahay. Maalala ko nga pala ngayon na ang alis ni Nash, yung usapan namin kahapon, susundin ko ba? Kasi naman yung taong yon pag utos niya dapat totoo, meaning kapag pumunta ako don, automatic na yon sa kanya na mahal niya ako. Kahit di ko pa alam sa sarili ko kung mahal ko nga siya HIGIT sa kaibigan.

"Aaaaaaaaah!" Sinigaw ko takip ang unan na hawak ko.

"Bilisan mo Shar!" sigaw ni Jai sa labas. Kaya naligo na ako at nagbihis, pagkaayos ko sa sarili ko, dali dali akong lumabas at finally, nakaalis na ng bahay.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad.

"Basta." Sabi niya habang nakatingin sa kalsada. Tila iniiwasan niya ako ng tingin. Ano ba naman tong mga lalaking tooo!

Unti unti ko nang nafifigure out kung saan kami pupunta, sa resthouse ni Jairus kung saan ko siya sinagot one year ago. Agad agad siyang pumasok, itatanong ko nga sana kung bakit niya ako dinala dito pero parang ang gusto niya di ako kausapin. kaya sinundan ko na lang siya.

Nandun na kami sa terrace ng resthouse, sa wakas hinarap na rin niya ako.

"Naalala mo pa dati ang sabi ko, dito tayo magsisimula at dito rin tayo magtatapos." Teka parang alam ko na ang punto niya ah. Waring

"Shar, masakit sabihin pero napapansin ko na eh, these past few days nung absent si Nash .. lagi na lang siya ang laman ng bibig mo, lagi lang nagpapaload dahil itetext mo siya, tapos ngayon iniiyakan mo siya .. Aaminin ko Shar, Namamanhid na ako sa pagseselos, kahit noon pa, parang sanay na ako na lagi na lang ako nasasaktan. Kaya napagisip isip ko ngayon, na kailangan ko nang itigil to, kasi paulit ulit lang ang cycle eh."

"Teka Jai kung .." Sagot ko pero tinuloy pa niya ang pageemote.

"Saka .. di mo talaga mahal si Nash? Wag ka nang magtaka kung pati si Barack Obama tinanong ka sa sobrang closeness niyo, sa sobrang tagal ng samahan niyo , at ikaw, ang pinaka deserving para kay Nash. Napakaperfect ng lalaking yon, napakabait .. at ituturi kang kapatid, lahat ng kakilala niya, minamahal niya at isa na ako sa nabiktima niya. Never siyang nagpaloko, o nagkamali sa mga kaibigan niya, alam mo yon at ngayon na nagmamahal na siya isang Sharlene San Pedro ang kailangan niya. Nagtataka nga ako kung bakit di kayo magkatuluyan e, sa katunayan alam mo bang sa kanya ako unang nagpaalam manligaw? At ang dami dami niyang binilin sa akin kaya nahirapan akong manuyo non."

Medyo natawa ako sa kwentong niyang yon, talaga lang ha.

"Ang gusto ko lang sabihin is, buksan mo na ang puso mo Shar, imulat mo na sa katotohanan, ang isang Jairus Aquino ay hindi para sa iyo. Tanggap ko na iyon, akala ko nga magiging kayo nung umalis ako eh , handa na ako non Shar. Mahal kita, oo totoo yon pero ang puso mo ay deserving kay Nash. Promise, alam ko na mahal mo siya .. Sige takpan mo ang mata mo. Takpan mo." Siya na ang sumara ng mata ko, ayoko nang pumigil baka lalo pa magdrama.

"Isipin mo LAHAT ng PINAGSAMAHAN NIYO NI NASH." Sinabi ni Jai.

Inhale, exhale , inhale .. exhale ... Aguas ..

Aguas .. Nash ..

Di ko namamalayan tumutulo na pala luha ko, sa dami ng mga memories na nagawa niya, at napalawak pa, naintindihan ko na ang lahat, ang mga tanong ngayon nasagot ko na, lahat ng pagdududa ko, lahat ng mga imposibleng maramdaman nalagyan ko na ng explanasyon. at isa lang ang masasabi ko, Mahal ko si Nash. Minahal ko, Minamahal ko, at Mamahalin ko pa rin.

Binuksan ko na ang mga mata ko at pinunas ang mga luha. "See? Wag ka nang magalala sa akin. Matagal ko na tong pinaghandaan, kaya wag mo kong intindihin at puntahan na natin si Nash." Pangiti niyang sinabi iyon , kahit alam ko sa loob sabog na ang puso non , hindi rin niya deserving to, minahal ko rin siya .. di niya deserving to.

Nagtaka din ako at the same time. "Teka paano mo nalaman na --" Pinutol na naman niya ang sasabihin ko.

"Sinundan kita kahapon, pati yung eksena niyo sa ulan, di ka ba nagtaka kung bakit bigla kitang sinilungan?" Oo nga naman Shar. Kupoo.

"Anong oras na?" Tanong ko.

"1:00." Sabi niya.

Hinatak ko na siya at pumunta na kami sa sasakyan at hahabulin namin sa airport si Nash. Ngayon na desidido na ako, ngayon na sure na sure na. Babawiin kita Aguas. Babawiin kita.

Di kami nagsayang ng oras dahil malayo layo ang airport sa bahay namin. Kaya on the way na rin kami kumain, buti mabilis tong driver ni Jai akalain mo naman natakasan lahat ng traffic! Akala ko tuloy tuloy na, 1:45 pm .. dun na kami na stuck.

"Wala na ho Boss, ipit na ako." Malungkot na sinabi ng driver. Hindi mapakali si Jai. Bigla niyang tinanggal at seatbelt at sinabi.

"Tiyagain mo na yan Kuya. Tara Shar, magtataxi tayo sa kabila." Sabay baba ng sasakyan at tumakbo sa kabilang kalsada para magpara ng taxi.

Wrong timing naman tong taxi na to! Matanda yung driver! Ano resulta? Napakabagal. Tila 40 lang ang pinaka mabilis niya kaya ayon, wala pa sa limang kilometro ang layo, na stuck ulit. Bumaba ulit kami ni Jai at tumakbo na lang. Kaya naman to ng twenty minutes. Okay na sana eh, nung tatawid kami sa kabilang street, naiwan ko si Jai sa dami ng tao. Bigla siyang kumaway at nagtext.

"Kaya mo na yan Shar. I can see the airport from here. Go, follow your love. (:" Napa teary eyed ako dun ah. Nako di talaga deserving ni Jai ang masaktan ng ganon. Tiningnan ko ulit yung oras. Two thirty na. Kakayanin to. Nagstretch muna ako para wala nang tigil ang takbuhan. Then, BOOM! Tumakbo na ako sa pinakamabilis kong takbo. Kaya mo to Shar.

Habang ako'y tumatakbo, naiisip ko lahat ng flashbacks, lahat ng memories, puro Nash Aguas at ang tanging gusto ko lang, manatili siya dito.

Nakadating ako sa airport, 2:50. Tila nawawalan na ako ng pagasa. Maraming tao sa airport. Pero tinuloy ko pa rin , may ten minutes pa. Sa tagal ng nilakad ko dito, napapaiyak na ako. No Nash .. wag mo kong iiwan.

Until na nakita ko yung buhok niyang mataas. Pagkalingon ko, siya nga. Kinawayan ko pero di niya ako nakita. At biglang tumalikod at parang papasok na ng airport.

Bigla akong sumigaw. "AGUAS! AGUAS!" Unti unti akong lumalapit pero lumalayo siya. "NASH! NASH AGUAS!" Tuloy tuloy lang ang paglabas ng mga luha ko. Hanggang sa punto na nakapasok na siya sa loob at ako, hinarangan ng guards.

"Nash! Nash!" Sinigaw ko pa rin pero di siya lumilingon, may saksak sa tenga.

"Sorry Miss, bawal po." Sabi ng guards.

"Sige na po. Kailangan ko lang po makausap yung kaibigan ko, hinihintay po niya ako." Nagmamakaawa ako sa kanila.

"Pasensiya na, medyo strict kami ngayon sa rules, saka nagiikot yung president, bawal po talaga." Sagot niya.

Pinanood ko na lang siya maglaho sa paningin ko, at biglang pumunta sa sulok na kita ang view ng mga eroplano. Nakita ko yung airline na sasakyan niya. Wala naman akong magagawa, umiyak na lang ako.

"Kung tayo ang para sa isa't isa, magkikita tayo kahit pa matagal tayong maghihiwalay. Mahal kita Nash, mahal na mahal. Hanggang sa muli, Bro." Paiyak ko itong sinabi habang tinitingnan yung couple tatto namin, nung napahiran ito ng luha ko, nawala yung dulong part ng pakpak ng butterfly.























Nasa huli nga ang pagsisisi, siguro nga ang katotohanan ay nagpapakita lang sa huli at hinahamon tayo para mabago iyon sa isang minuto lang. Pero naniniwala ako sa fate at destiny. Naniniwala ako sa pixie dust ni Tinker Bell, na ang true love, makukuha natin kapag pinalawak natin ang ating pakpak. True Love can wait, all you need is infinite supply of patience.











-END-











------------------------------------------


TAPOS.NA.ANG.STORY So ang endgame, wala. Nagindibidwal silang tatlo. NGANGA for short.

So, is it okay? Itong story na to? :DDD


Itytype ko lang yung Announcement in just 3 mins. Hintay hintay lang. :3



-PamPam :3

Bestfriend [NashLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon