Chapter 4 (part 2 )

1K 40 11
                                    

Chap 4 part 2

---- Nash ----

Actually etong ginagawa ko ay isang "Date" pero di naman yata dama ni Shar kaya hinayaan ko na.

Unang una, sinuot ko talaga yung pamporma kong damit at sinadyang patigasin ang buhok ko. Nabigla siguro siya sa bago kong look kaya ganon na lamang ang tingin niya.

Pangalawa, yung time na nagpasukat siya ng gown, lagi kasi niyang nalalaman yung design ng susuotin niya pero ngayon ako mismo nagmakaawa kay mommy na wag sabihin kung anong design at ako rin mismo ang namili ng susuotin niya. Sinabi kong style ay yung gown ni Taylor Swift nung sa love story music video, alam kong die hard fan ni Shar si Taylor kaya yon ang sinuggest ko, buti naman pumayag si mommy at siya na lang ang naghahanap ng tela para doon.

Pangatlo, yung pumunta na kami sa Amusement Park. Bago pa man kami makarating or sabihin na nating, Nung nagpapasukat pa siya, tinawagan ko yung guard na nagtatrabaho doon na gawan kami n paraan para makapasok kami dahil alam kong maraming tao. At Libre. Kaya saktong sakto pagdating namin don nakapasok kami.

Pangapat, sinakay ko siya sa mga rides na di ko gaanong gusto, at yung mga panahong maalala namin ang aming kabataan. Yung bump cars, anchors away, roller coaster at iba pa.

Panlima, Kitang kita ko sa mga mukha niya yung saya na ngayon ko lang nakita. Yung ngiting di pa nagagawa ng boyfriend niya ngayon. Yung ako lang ang makakagawa. Kayamanan ko yon. Kaya sana maramdaman na niya lahat yung pagmamahal na ginagawa ko sa kanya , hindi bilang bestfriend.

*****

Umupo kami sa may bench malapit sa ferris wheel. Balak ko kasi na habang nakasakay kami don, aaminin ko na. Lahat ng katotohanang di ko pa nasabi noon. Pero humadlang yung tiyan niya, nagutom kaya hayan. Kumain muna kami ng sandwich bago kami makasakay. Bago kami makapunta dun sa tindahan, nadaanan namin yung isang tattoo store na naka akit ng atensyon namin. Paano ba naman ang nakalagay, "Nagkakaroon ito ng konting mahika at mysterio."

"Uy Nash tara subukin natin." Sabi ni Shar.

Bago pa man ako magsalita, hinatak na ako sa loob at walang tao. Maski yung taga tattoo.

"Customers, Dali pasok." May isang boses na aming narinig sa loob. Medyo nagaalinlangan na ako pero si Shar umupo sa may tabi ng counter. Sa wakas lumabas na rin yung nagsalita.

"Ano gusto niyong design? " Tanong niya sabay kuha ng samples na ang category pang "couples."

"Ay sir, hindi po ako magpapalagay, siya lang po." Sabi ko sabay turo kay shar.

"Magsyota ba kayo?"

"Ay hindi po magkaibigan lang!" Biglang sinagot ni Sharlene. Nanahimik na lang ako.

"O eto nalang. " Sabay turo dun sa butterfly tatto na ang kalahati ay sa isa, ang kalahati naman ay yung sa kasama niya.

(Tingnan niyo yung book cover ganun ag itsura)

"Wala itong ibig sabihin kundi friendship. Hinding hindi yan masisira o mawawala pag alam niyo sa sarili niyo na matibay pa ang samahan niyo, pero kung ang isa sa inyo ay tumiwalag, unti unti yang mawawala. May approximate time yan na five years. Pag kayo ay nagkita at nagsama ulit, magpapakita ulit yan at pag kayo ay nagkatuluyan, magiging totoo yan."

Nagulat ako sa magic ng drawing na yon. Kung ako lang nga, pakakasalan ko na siya para magkatotoo. Pero sa tingin ko di papayag si Shar dahil ang objective nito, maging kami.

"Ano? Simulan ko na?"

Sasagot na sana ako ng hindi kaso ..

"Opo sige po." Sabay kuha sa kamay ko at pinasok dun sa box , dun idedesign ng artist yung tattoo at di namin nakikita. Nagulat ako sa sinabi niya. Pumayag talaga siya ?

"Dapat kayo ni Jairus ang gumawa nito." Sabi ko sa kanya.

"Mas okay pag tayong dalawa." Sagot sa akin ni Shar habang nakangiti. Nanlaki ang mga mata ko.

"I-I mean Nash, minsan lang naman to." Bigla niyang dinagdag.

Natawa ako. "Oo na oo na."

Di naman gaanong katagalan itong idrawing pero after 5 mins, tapos na. Pagkakita ko sa kamay ko, parang totoo talaga at pag nilapit ko yung kamay niya sa akin, parang walang linya sa gitna.

"Effective yan. Promise." Sabi ng tattoo artist.

Nagthank you si Shar at lumabas na kami sa store. Huminto ulit ako at tinignan yung kamay namin.

"Alam mo Shar, mas okay at mas sulit tong pinagawa natin pag ganito." Sabay hawak sa kamay niya. Yung hawak na pang syota. OY! GALAWANG NASH AGUAS YAN.

Natawa lang siya sa akin. Di ko inaasahan na yun lang ang reaksyon niya. Maya maya'y bigla niya akong hinarap at niyakap. di ko maexplain yung feeling pero ang nararamdaman ko parang first time lang niya ako niyakap kahit maraming beses nang nangyari ito, dito lang ako nakaramdam nito. grabe.

"Salamat Nash, sa lahat. Hindi mo alam kung paano mo ko napasaya ngayon."

"Ikaw pa."

Habang hawak ko pa rin siya, may nakita akong pamilyar dun sa tindahan ng sandwich. Naka varsity jacket, neon nike shoes at nakataas ang buhok. Kilala ko yung mga kilos na iyon. Maya maya'y nakita ko ang kasama niya. Babae, magkahawak sila ng kamay.

"Salamat ate." Narinig ko ang boses niya. Ganoon ka talas ang pandinig ko.

Hindi maaari. Si ..

Jairus ...

"Jai.." Bigla kong nasabi.

"Ha?" Tanong ni Shar. Sabay tulak sa akin palayo.

"Teka, parang si Jai yung nakita ko."

"Ano? Saan?"

"Tara ." Sabay kaming naglakad papunta dun sa tindahang yon, pagkaliko namin, ayun siya, nakaupo dun sa may dining table.

Ako na muna ang pumunta sa kanya. Pinatago ko muna si Shar at buti pumayag siya.

Hinawakan ko siya sa balikat at lumingon."JAIRUS?"

"N-NA .." Bago pa niya sabihin ang pangalan ko. "Sino ka ba ?"

"Wag mo kong SiniSINO. IKAW SI JAIRUS WAG MO KONG LOKOHIN SINO YUNG KASAMA MONG BABAE." Pinipigil kong di magalit.

"SINO BANG JAIRUS? HINDI AKO YON."

Maya maya'y may umeksena na babaeng naka dress

"Babe, bat ka sumisiga-- .. ow."

Nanahimik kaming lahat.

Biglang tumakbo si Shar at tinulak yung babae.

"AMIRA?! BAKIT MO TINATAWAG NA BABE YUNG SARILI MONG PINSAN?!" Paiyak niyang sinabi iyon.

Naguguluhan ako. Hindi ko kilala yung babae. Nakatayo lang kami ni Nash habang si Shar ay napaupo at umiiyak.

"Wag kang magbalat kayo Jai. Kilala kita. Yung couple bracelet natin, parehas nung sa kanya. Tas tinawag ka niyang Babe, anong ibig sabihin non Jai." Sinabi niya habang di pa siya nilalapitan ni Jairus. Tinulungan ko siyang tumayo at sinubukang lumapit ni Jai ..

"Wag na wag mo kong lalapitan. O hahawakan o kahit ano. " Sabi ni Shar bago siya tumakbo palayo at iniwan ako, si Jairus pati na yung Amira na kasama niya. Walang masabi yung babae.

Langhiya tong si Jai. BABAERO PALA. Yung girlfriend niya halos malunod na sa kakaiyak pero kalokohan lang pala ang lahat! Di niya alam ang lahat ng sakripisyo ni Shar para sa kanya. Pati na yung pagibig ko kay shar , na give up ko para lang maging sila at maging masaya. Sinubukan kong di magalit dahil kaibigan ko pa rin siya mula noon at dahil mahal ko si Shar. Nagpanggap ako para lang maging masaya sila. Hinayaan ko yung feelings ko at lahat lahat. WALA KANG MODO JAIRUS REUEL AQUINO! ISA KANG MALAKING MOKONG!

Namumuo na yun kamao ko sa sobrang galit. "Di pa tayo tapos." Sabi ko sa kanya bago ko sila iwan at hinabol si Shar.

Akala ko okay na ang lahat. Pagkatapos ng arawna ito, liligawan ko na siya bukas, second date namin sa school ball, magpapa tarpaulin ako para lang masagot siya pero ano, dahil lang nakita ko siya sa park nawala na ang lahat. Kung dapat lang na itinago ko na lang at ... hinayaan na lang yung nakita ko para mangyari itong lahat .. MALI PARIN NASH! Lalo lang masasaktan si Shar. Okay na to Nash. Nasaktan ka, pati si Shar. Mas okay na yun kaysa, masaya ka nanloko ka naman.







-----------------------------------------

HEY GUYS! Mabigat yata tong part 2 na to. BIGLAAN NA BIGLAAN NO? HAHA!

nagustuhan niyo ba ang galawang Nash Aguas?


Nasa half part na tayo ng story. Awww :( ayoko pang matapos tooooo :(

Thanks sa lahat ng mga readers, voters, pati na rin sa mga nagshashare nito! GRABE FO DI KO KERI ITUUUU HAHAHAHA


i really love you all.

ano ba? JaiLeneFTW ? NashLeneFTW ? just lemme know. :)



-PamPam :3

Bestfriend [NashLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon