Chapter 8

808 35 3
                                    

AN : READ AUTHORS NOTE SA BABA! :)

---------------------------------------------

Chap 8

---- Nash ----

*the next day*

"Nak, kain ka na." Sabi ni Mommy habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. Hindi ako sumasagot kaya binuksan na niya. Haya! Di ko pala nailock tong kwarto ko. Kaya ayan, nakita niya yung mga pinagkakalat ko kagabi.

"Oh Gosh Nash! Anyare dito? Nagwala ka?"

Hindi pa rin ako sumasagot. Pinuntahan na niya ako sa kama para yakapin ako. At dun na ako nagsimulang umiyak. Iba pa rin talaga pag ang mommy mo ang kadamay mo sa sitwasyon mo.

"Ma, wala na. Suko na ako."

"Kay shar ba? Nak please naman, di ba sabi ko ka sa iyo non gumawa ka na ng paraan habang wala pa yung Jairus na yon pero ano."

"Mapaglaro kasi ang tadhana Ma, alam mo bang yung nasa ferris wheel kami dun ko na dapat isisigaw yug pangalan niya kasi ang promise ko sasabihin ko yung name ng crush ko. Maraming humadlang at nagkita sila ni Jai. Tas ang sabi ko maghiwalay na sila kasi lolokohin lang naman tong si Shar eh, kaso yung nakita ko kagabi? Hinalikan pa sa pisngi. Di ko na kaya yung ka manhidan ni Shar." Lalo pa ako humagulgol sa balikat ni mommy. Babae na kung babae, nanay ko naman to.

"Sus, binata ka na talaga boy. Ano gusto mong gawin?"

"Ma, gusto ko munang lumayo dito. Ayoko muna magpakita kay Shar kahit isang buwan lang. Please Ma, kahit nag promise ako sa kanya na di ko siya iiwan, kailangan ko to eh, saka feelings ko naman to di ba? Kaya may karapatan ako."

"Ahm ... " Huminga ng malalim si mommy "Summer vacation ngayon dun sa Paris ah, Baka pwede mong bisitahin ang papa mo." P-Paris? Ang layo naman nito Ma.

Hindi ako sumagot, alam niyang ayoko pag ganon.

"Anak, kasi kung dito ka lang din aba'y lalo mong maalala, kung gusto mo munang kalimutan ang mga feelings mo, better stay outside the country, para kakaiba at walang makakaalala sa iyo hano po?"

Bat di ko naisip yun no? Talaga tong si Mommy, expert.!

Tumango na lang ako. At napangiti si Mommy.

"O sige aayusin ko yung visa at passport mo, pero kailangan mong umabsent sa school ha. "

"Sige po." At umalis na siya sa kwarto ko. Pinaayos na niya sa mga maids yung nasira ko kagabi.

Buti na lang walang pasok ngayon. At nagdecide akong di puntahan si Shar. May Jairus naman siya di ba? So ano pa ako? First time ko siyang di pupuntahan for the entire day. Siguro sapat na yon. Yung phone ko? Kainin na ni Chloe yon, galawin ko muna tong iTouch ko.

******

Nagbike ako papunta dun sa treehouse namin, sa may dating bahay ni Shar, kung saan, dun nangyari ang lahat. Pinagiisipan ko kung paano ako magpapaalam kay Shar. Ay hindi. Wag na. Kaya na nila Alexa , Mika at Jairus yon.

Kaya ko ba talaga ito? Gagawin ko ba? Well, kailangan ko rin ng space para makahinga. Pangako ko noon kay Shar na walang iwanan, babaliin ko na ba? Sabagay binali na niya ang feelings ko, fair lang kami.

Humiga ako dun sa may damuhan at tiningnan ang langit. Siguro kung inamin ko na noon siguro di magiging ganito kalala ang sitwasyon. Grabe iba na ang panahon, parang dati nagtatakbuhan pa kami dito, kumakain ng kamias na dapat walang ngiwi sa mukha sa sobrang asim, paunahan umakyat sa puno at marami pang iba. Sana mabalikan ko iyon kahit isang araw lang, at maiayos ko ang lahat. Siguro di lang si Shar ang masaya, ofcourse ako rin.

Tama nga, nasa huli ang pagsisisi.

Pero kung kami nga ang destiny, magkikita kami. In the near future, yun au tinatawag na fate. May napanood kasi akong movie, Serendipity ang title na sobrang ganda, yung girl at boy parehas pumasok ng elevator, pero magkaiba ang sabi ng girl kung parehas sila ng pipiliin na floor, ibig sabihin sila ang para sa isa't isa. Masubukan nga? Malay mo kami nga, kung hindi edi hinde. At isang isa na lang to, pag ito nagkatotoo, Lord Im the luckiest guy on earth.

Kumuha ako ng bente pesos at may sinulat dun sa likod ni Manuel Quezon, buti na lang may ballpen ako. Isinulat ko

"Mahal na Mahal Kita Sharlene San Pedro. xNAx"

At gamit ang bike, pumunta ako sa seven eleven para bumili ng cornetto.

I still love you, but I'm letting go ..

******************

---- Shar ----

(Three Days Later)

Ano ba yan! Tatlong araw na, wala pa rin si Nash, di na siya nagpakita after nung school ball, at Tatlong araw absent. Halos naubos na ang unli ko kakatext at kakatawag sa kanya. Anyare dun?

"Ui Shar ala si Bro." Bungad ni Alexa pagkakita ko, Wala man lang hello..

"Hello po? Oo nga eh, anung nangyari don?" Sagot ko naman.

"Hindi mo alam kung bat siya absent?" Tanong niya.

Tumango na lang ako.

Haya, bakit ganon? Ako bestfriend non tapos wala akong alam sa mundo kung nasan siya. NASH KASI ENE NE NEMEN BE TEEE! Nagaalala din ako no.

Biglang umeksena si Mika. "Oy eto, nakuha ko yung excuse letter ni Nash, tamang FC lang sa teachers."

Kahit di pa niya inaabot kinuha ko na at binasa ...

NO NEVER ... THIS CANT BE HAPPEN.

"For preparing his papers , visa and passport to destined in Paris, France to visit his father."

---------------------------------------------

SO?Mabigat ba ang scenes? lol planado po iyan, pero namali yata ako sumobra ! Haha!

OMG Last two Chapters na ito, at after non .. May ipopost akong panibagong One Shot :) YAY! At di na pala dito yon.

So this is my another account.<AguasRepublic> ayan mejj wala pang followers so follow niyo! :) hehe

Plano ko October 31 ang last Chapter nito. Sana sipagin akooo *fingerscrossed*

3+ votes sa next chapter?

and PS. Be ready for the next chapter. Ang pinaka madrama sa lahat.

-PamPam :3

Bestfriend [NashLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon