Chapter 7

919 33 9
                                    

Chap 7

---- Shar ----

*Flashback sa school ball*

Halos wala nang tao. Yung dalawang janitor na lang ang nandoon na naglilinis ng mga kalat. Sabay kaming umuwi ni Nash at nung nakapasok ako sa bahay at nakitang pauwi na siya, dali dali akong lumabas ulit at bumalik sa school.

Ang tagal naman non. Nako kung after thirty minutes e wala pa rin yon aalis na ako.

"Ako ba hinihintay mo?"

Narinig ko ulit ang boses niya. Yung boses na kinabaliwan ko ng dalawang taon, yung minahal ko bago siya nawalay sa akin at ngayon. Bumabalik.

Pagkalingon ko nakita ko siya, may hawak na rosas at nakangiti.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko at pumunta sa kanya. Nagkatitigan kami parehas at bigla niya akong niyakap ng pagka higpit higpit. Di na yata ako makahinga eh! Wala lang akong reaksyon at hindi ko alam kung ano ba ang kailangan kong maramdaman? Parang sapilitan lang eh.

"Mahal na mahal kita Shar .. Mahal na Mahal .." Paulit ulit niyang sinabi iyon hanggang sa lumabas na ang mga luha niya. Tinanggal ko na ang sarili ko sa pagkakayakap at tumingin ako sa kanya. Kailangan ko na sigurong magsalita.

"Alam ko iyon Jai .. at .. napatawad na kita." Ugh. Nasabi ko na. Hay. Bakit ganon? Masakit ang feeling? Tanggap ko ba? Sapilitan nga yata ..

Nagulat siya. "Talaga? "

"Inexplain sa akin ni Amira ang lahat, kaya don't worry di kita iiwan."

Ngiting ngiti na siya. Ayon bumalik ang kaligayahan sa mukha niya.

"Pero .. pero wag kang aasa na magiging katulad dati ang lahat. Ofcourse, masakit sabihin pero, nasira na ang tiwala ko sa iyo. "

"Okay lang. Sa katunayan nga, yayayain kita bukas. Pwede ba? Susunduin kita."

"Ay hinde. magkita tayo sa park. 9 am. Good ba?"

"Good."

Naglakad kami pauwi at yon, nakukwentuhan kami, nalaman ko lahat pati sa kanila ni Amira, medyo napalalim nga eh! Yung feeling? Wala lang. Kasi ang purpose naman kung bakit stick pa rin ako dito is, ayoko siyang magbago ulit. Kasi itong si Jai dati SUPER BADBOY YAN. Kaya si Nash minsan ayaw niya kay Jai eh, nung nakilala niya ako, ayon nabago ko ang katauhan niya. At ang sabi sa akin ng mommy niya. este tita, pag heartbroken, di daw makontrol ang sarili, bumabalik sa dati. Kaya never akong nanloko kay Jai. Saka isa pa, mahal ko pa rin siya. Ang kaibahan, hindi nga tulad ng dati.


*End of the Flashback*

9 am

Nandito na ako sa meeting place namin. As usual, t shirt , jeans, top sider, beanie. Comfy na ako dito. Nakaupo ako sa may bench naglalaro ng candy crush, at nakikinig ng 1D music.

May tumakip sa mga mata ko. Sino to? Naalala ko dati ginanto ko si Nash nung recess time. Pero honestly Sino nga to.

"Sino to? "

di siya sumagot ..

"Nash?"

Biglang nawala yung kamay at pumunta sa harapan.

"Nash?" Sabi ni Jairus. NAKUPO.

"Ay hindi kasi ginawa ko rin yan kay Nash noon, naalala ko lang. Sorry."

Dapat may sasabihin siya eh, pero huminga na lang siya ng malalim.At napangiti.

Ayon dinala niya ako sa favorite kong record bar store. Na dun lang makikita yung plaka ng One Direction Up All Night album. PLAKE OKAY? hindi CD. Wala kasi akong player non at , mahal kaya di ko mabili bili.

Kinuha niya yung plaka at tumingin sa akin.

"Alam mo bang may player ako nito?" Sabi ni Jai habang pangiti ngiti sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko. At bigla niyang dinala sa counter yung plaka.

"Don't tell me, bibili mo ko niyan!" Laking gulat kong sinabi sa kanya.

"Opo. Haha! Di ba matagal mo nang hinintay to? O ayan!" Sabay bigay sa akin ng paper bag na kakabayad lang sa cashier.

OMG. Kung itong lugar lang ay di matao, hihiyaw na ako. Di ko aakalaing, ibibili ako ni Jai nito. Oh Gosh. Noooo

"Waaa! Salamat Jai. Just .. AGHHH SALAMAAAAAT!" Sabay yakap sa kanya.

"I love you." Bulong niya habang kayakap ako.

Napangiti na lang ako. Bat di ko sinabi na I love you too? Iba na kasi ngayon. Kung kayo kaya nasa sitwasyon ko?


*****

Ngayon naman, dinala niya ako sa mall para mag lunch. Napaka sosyal nung resto na kinainan namin. Ala eh, mayaman tong si Jai. Talagang pag kumakain kami sa labas laging sosyal, baka kasi isipin niyo na talagang binabawi niya ako ngayon.

Habang naglalakad sa mall ..

"So .." Sabay hawak sa kamay ko.
"San mo pa gusto?" Sabay ngiti sa akin. Kahit kailan talaga Jai, kahit kailan.

"Ahm .." Lumilingon ako kung san kami pede at nakita ko yung malaking ferris wheel sa labas ng mall. Naalala ko dati nung dapat sasakay kami ni Nash dun pero .. ayon puro drama na nangyari sa akin.

"Ferris wheel?" Sabay turo ko sa labas.

"Sige ba."

****
<Fastforward sa ferris wheel>

Haaay. Nasa loob na rin kami. After ng ilang minutes, actually 15 mins. Ang dami palang tao! Mukha lang wala pag nandun ka sa loob ng mall.

So nandito kami, wow airconditioned ang loob at kita mo ang buong city.

"Naalala ko dati Jai, bago pa kita nakita non, sa Amusement Park, balak namin sumakay ni Nash dito eh. tas ang balak ko non pag nasa tuktok kami, isisigaw ko dun yung pangalan mo, at isisigaw ni Nash niya yung pangalan ng crush niya. Bali dalawa ang malas nung araw na yon, yung sa inyo ni Amira at di ko nalaman yung crush ni Nash."

"Nakita ko rin nung araw na iyon yung tattoo ninyo .." Sinabi niya sabay hawak sa kamay kong may tattoo na butterfly. "Alam mo bang nung tinulungan ka niyang tumayo ang ginamit niyang kamay yung may tattoo at .. ewan ko lang kung totoo to pero nakita kong nagspark."

"Talaga?"

"Oo. Pero baka imahinasyon ko lang yon."

"Hindi rin siguro no, kasi sabi din nung artist may magic daw to? Ewan ko lang, ang gusto ko lang talaga non e magpalagay ng tattoo kaya di ko naiisip yung bagay na iyon."

Natawa siya sa kwento ko. Totoo naman di ba?

"Honestly Shar, kung kayo nga ni Nash, bagay kayo .. "

Natahimik kaming dalawa. Pati siya? Pinagpipilit ako dun sa kanya? Sige sino pa magsasabi niyan?

".... Pero mas bagay pa rin tayo." dagdag pa niya at natawa ako.

"Kaya ako'y sa iyo eh. Haha!" Biro ko sa kanya at sa wakas nasa baba na kami, yun na yon? Ganun lang siya ka bilis?

After non, puro foodtrip at Hindi ko namalayan, gabi na pala kaya inuwi na niya ako.

-

"Salamat Jai ah." Sabi ko bago ako tuluyang pumasok ng bahay.

"Basta sa iyo at para di na mawala ang pagtingin mo sa akin. Hindi na kita kayang lokohin." Sagot niya at lumapit ako para halikan siya sa pisngi.

tuluyan na siyang umalis at ako naman, kinakapa yung susi sa bulsa ko, napansin kong may isang rosas na nakasabit sa bintana. Nagtaka ako. Kanino kaya to? Baka kay Jai. Huling hirit.

Inamoy ko yung bulaklak at nakapasok na sa bahay. Medyo masaya tong "Date" namin ni Jairus. di ko pa siya kayang tawagan na Boyfie or whatever sweetness kasi tao din ako na nasasaktan hanggang ngayon. Sobrang thankful ako na may bf akong katulad niya na gagawin ang lahat para maibalik ang dati.


---- Nash ----

"Hmmmmmmm" inaamoy ko tong red rose na ito para ibigay kay Shar. Hindi ko na talaga kaya, ngayon na't malaya na siya kay Jai ako na ang kukuha ng puso niya para wala nang maka agaw pa. Liligawan ko na siya at eto? Ang first move ko.

Naglalakad ako papunta sa kanila. Aoy! Pormang porma ako ngayon, yung buhok ko, matigas na naman naka skinny jeans at polo. Talagang panligaw ang peg. Nung malapit na ako sa kanila, nagtataka ako, walang ilaw ang bahay niya. Siguro gumala kasama sina Alexa at Mika kaya naghintay muna ako ng ilang minuto. Kalokohan ko kasing na kay Chloe yung phone ko kaya di ko nakuha.

Bakit ang tagal naman niya? Mabalikan na nga to after thirty minutes at makakain muna sa kabilang kanto, nilagay ko yung rose sa bintana nila at naglakad palayo. Kumakalam na sikmura ko.

Habang lumalayo ako , nakita ko yung reflection ng ilaw ng sasakyan mula sa kabilang kalsada, grabe namang napakatalas ng ilaw na iyon, kaya napalingon ako, buti di pa ako nakakalayo sa bahay ni Shar at nakita kong may sasakyan na nakahinto sa bahay niya. Balak ko nang pumunta pero nakita kong may bumaba, kaya nagtago muna ako.

Una kong nakita, si Jairus. AQUINO? Anong ginagawa niya? Nakita ko ring may binuksan siyang pinto sa likod .. at ang bumaba. Si Shar ..

Akala ko ba makikipag --

Nakita ko na hinalikan niya sa pisnge si Jai.

WORLD WAR III !!!!!

Hindi ko napigilan ang sarili ko pero natadyakan ko yata yung tinataguan ko, buti matibay at ginulo ang matigas kong buhok. Namumuo na naman yung kanang kamao ko sa sobrang sakit sa mga nakita ko. At imbis na balikan si Shar, umuwi na lang ako nang walang kakibo kibo sa mukha ko.Hinayaan ko munang guluhin ni Chloe yung phone ko dahil ayoko ring gamitin yon. Nagkulong ako sa kwarto ko. At nagwala. Nagulo ko yung bookshelf ko at yunh stack ng dvds, yung fall out boy collectibles ko naihagis ko at sinuntok yung pader na malapit sa pintuan. at biglang napaupo. Di ko namalayan na umiiyak na ako.

Bakit Shar? Bakit? AAAAAAAAGGGHHHHHHHH!!!!!




---------------------------------------------

Yaaay! Punong puno ng JaiLene Scenes hahahaha! So kamusta na po?

OMG Last.3.Chapters.Na.Lang. Di.ko.kaya.to

Btw, thank you ng todo todo sa pag read vote and share reading list or kahit ano pa na napapaenganyo na gawin to. Really, pag nakikita kong laman ng news feed ko puro story ko hahaha, napapabilis akong magupdate.

So tatanungin ko ulit kayo.


NashLeneFTW

JaiLeneFTW

or fair na JaiLeneNash?

Please! I wanna hear your opiniooooons :3




-PamPam :3

Bestfriend [NashLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon