It's a beautiful day

2.2K 48 13
                                    

His Stylist, Her Prince—Epilogue

 

OCTOBER 26, 2013

“Ate please? Samahan mo na ako sa mall. Kailangan ko na talagang mabili yung art materials!”

 

 

“Jean, sembreak niyo ngayon. Marami pa namang time ha? Wag na ngayon.”

 

 

“Ate! Last week mo pa yan sinabi. Baka wala na nyan sa mall. Sabi mo mag-aral ako ng mabuti tapos ngayon ayaw mo naman ako samahan!”

Wala na akong nagawa kundi um-oo Simula kaninang umaga pag-kagising niya, kinukulit na niya ako na mag-punta sa mall at mukhang gagawin niya ang lahat maisama lang ako.

“Oo na! Basta ilibre mo ako sa McDo para tapos na ang usapang ito!”

 

 

“Sus, baka nga di ka makakain sa tuwa eh…”pabulong na sabi ni Jean

“At bakit di ako makakain?”

 

 

“Ah-eh, ibig kong sabihin.. ako! Ako hindi ako makakakain sa sobrang saya! Sige bihis muna ako ate.”

 

Patakbong inakyat ni Jean ang hagdan. nagtatakang sinundan ko ng tingin siya. Napano yon? Excited ng sobra?

Nagbihis na din ako tapos umalis na din kami. Hapon na at mukhang okay naman ang panahon, nothing can go wrong.

------------------------

[MALL]

 

“Ate dali! NBS na tayo wag kang babagal-bagal diyan!”

Nagpahatak na lang ako kay Jean dahil sadyang makulit siya. Pumasok kami sa entrance na nasa labas. Yung hindi mo na kailangan pang-pumasok sa mall, basta yung nasa sidewalk na entrance.

Nagpunta kami sa sulok kung saan nandun ang art supplies at agad-agad niyang hinakot ang mga kakailanga nin niya.

“Jean, sa fictions lang ako ha?”

 

 

“Okay!” masaya niyang sabi at di na ko nagawang tignan pa

His Stylist, Her Prince.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon