CHAPTER 27

2.1K 35 4
                                    

September 1, 2013 3:00 am

-KATH-

Alam niyo ba yung feeling na, sobrang sweet nyo, kung makaasta kayo parang kayo na… pero hindi naman?

Ngayon ko lang narealize, hindi pa pala kami ni DJ. Siguro naging komportable lang kami sa isa’t-isa kaya okay na kami sa kung ano ang nararamdaman namin. Nagtataka nga di ako eh, may monthsarry na kami pero hnidi pa kami.

Pero alam niyo yung feeling na, sobrang aga at gusto mo pang matulog pero hindi pwede kasi magiging mahaba ang araw na ito?

Alam ko yung feeling….

“Kath! Gising ka na ba talaga?”

“Oo DJ. Maligo ka na nga! Natulog ka ba talaga?”

“Oo kaya! Sobrang excited lang ako kasi makakasama kita tumakbo mamaya”

“DJ…”

“Pabayaan mo iispin ng iba, basta sabay tayo mamaya okay?”

“Okaay.”

Tinapos ko na yung tawag at kumilos na. Wala talaga ako sa kundisyong tumakbo ngayon, nasusuka ako at nahihilo. Pero baka malungkot si DJ kaya pupunta ako. Sana lang hindi ako himatayin mamaya.

-------------------

6 AM

“Okay, everyone gather up!” Anunsyo ng isang facilitator ng fun run. Nandito na kami lahat. Magsisimula na siguro.

Habang ang iba ay tuwang tuwa at halos masuka na sa sobrang kaexcited, ako nandito nakaupo sa may simento. Nahihilo talaga ako.

Ilang sandali pa, nilabas na nila ang pinakahihitay ng lahat. Si Chichay at si Senyorito Wacky.

Narinig ko nang nagsigawan ang mga tao.

“Good Morning sa inyong lahat!”

“AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!”

“Sinong excited?!”

“AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!”

“Excited na din kamiiii!!!!!!” tapos parang baliw sila na nagtatatalon sa tuwa.

Narinig ko na magbabasaan na daw sila. Hay, parang fiesta lang eh. Tinignan ko sila. Sobrang laughtrip lang. yung iba diretso sa mukha yung tubig, yung iba naman sakto sa bibig kasi tinatawanan pa kasi yung kaibigan. Sina Jean, ayun parang takot sa tubig naghahabulan pa---

“AAAHHH!!!” napatayo ako nang may maramdaman akong malamig na tubig na bumuhos sa likod ko. Tinignan ko sila, at nakita kong tumatawa ang current girlfriend ng ex ko.

Naglakad sila papalayo habang nakatingin ng masama sa aakin. Ano ba ginagawa ko sa kanila? Di na nga ako nakikisama dun ha?

Naglakad ako papunta sa kapatid ko. Kinuha ko sa kanya yung shades ko para hindi na ako makilala masyado.

“Ate, okay ka lang ba talaga?”

“Oo, medyo nahihilo lang ako kasi sobrang aga kong nagising.”

“Hala ate magpahinga ka na lang! Baka buhatin pa kita pag nahimatay ka dyan”

“Sira! Kaya ko sarili ko. Sige magpakabasa ka na, wag mong pahalata na di ka naliligo”

His Stylist, Her Prince.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon