CHAPTER 19-- TAYO NAMAN

2.5K 40 2
                                    

ADVANCE HAPPY BIRTHDAY DANIEL PADILLA! I LOVE YOU VERY MUCH!

--------------------------------------

-CHAPTER 19-

 

-KATH-

 

“KATHRYYYYYN! GISING NA!”

 

“DJ naman eh! Ang aga pa, mamaya na pwede?”

 

“Hindi! May pupuntahan pa tayo, tumayo ka na dyan dali!”

Alas-singko pa lang ng umaga. Mamaya pa kaming 8 pupunta sa ABS compound. Bakit ba ang aga mang-gising nito? Bahala siya, puyat ako kailangan kong matulog.

Kinuha ko yung unan sa tabi ko tsaka tinakip sa ulo ko.

“DeeeJaaa—AHHHH!!!!!!” paano ba naman dinaganan ako. Ah bwisit talaga to!

“Hindi ka babangon?!”

 

“Ang aga pa eh, inaantok ak---araaaay! Bakit ka ba nanga-ngagat?!”

 

“Ikaw eh. Nakakagigil ka! Tumayo ka na kasi, may pupuntahan tayo, dun ka na lang matulog.”

 

“Kapag walang kwenta to humanda ka sakin.”

 

“Yes boss!”

Agad naman akong tumayo at nag-bihis. Ang init talaga ng panahon ngayon! Nag-suot ako ng muscle shirt at shorts. Bakit ba? Mainit nga kasi di ba? Pagkatapos kong mag-bihis lumabas na ako sa unit ko tapos nakita ko si DJ na nasa labas.

 

“BAKIT GANYA----“

 

“Oo na, alam ko na. Mainit DJ. Gusto mo bang ma-heat stroke ako?”

 

“Psh. Pasalamat ka kasama mo ako, pero mag-papalit ka mamaya pag-unta sa ASAP ha?”

 

“Ewan. Hahahaha, tara na nga!”

Bumaba kami tapos sumakay sa van niya. Aba, himala?! Tamad yatang mag-drive to. Nag-sabi din siya kay kuya Romeo na mag-stop over sa McDo para makapag-breakfast daw kami

“Ba, Say ahhh!!!” pangungulit naman ng lalaking to habang sinusubo sakin yung pancake

“DJ, kaya ko naman eh.”

 

“SAY AHH!” galit na sigaw ni DJ. Kaya naman kinain ko na yung sinusubo niya

His Stylist, Her Prince.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon