CHAPTER 31

1.7K 30 1
                                    

CHAPTER 31

-DANIEL-

Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit hindi nagawang umattend si Kath sa get together ng fans club ko.

Ano ba kasi ang ginawa ko? Talaga bang nasaktan ko siya sa kasalanang hindi ko alam?

“Pare, baka naman nagbabae ka?”

Inis na inabot ko ang throw pillow at binato kay Lester na nagp-ps3 ngayon sa kwarto ko.

 

“Aray naman! Sinagot ko lang naman ang tanong mo ha?”

 

 

“Hindi ka nakakatulong.”

Inalis ni Lester ang kanyang tingin sa tv at binaba ang controller at bumaling kay DJ

 

 

“Alam mo ang mga babae, maraming alam yan…”

 

 

“Tapos?”

 

 

“Wala lang. Alam ko lang madami silang alam na hindi natin alam”

 

 

“Ano yun, psychic sila?”

 

 

“Ibig kong sabihin, yung mga sikretong tinatago natin, alam nila. Ikaw, baka may sikreto ka sa kanya tapos nalaman nya kaya nag-tampo.”

Napatigil si ako at nag-isip. Baka yung one week leave?

 

 

“Kung meron man, linawin mo na habang di pa magulo ang lahat”

Tama si Les. Mabuting linawin ko sa kanya yun. Pero hindi ba napakababaw na dahilan naman yun para magalit siya sakin?

 

 

“Sige Les, alis na ko. Bayaran mo na lang kuryente naming, buong araw ka nang nag-lalaro diyan eh.”

 

 

“Eto naman, kala mo di sumusweldo ng milyon.”

His Stylist, Her Prince.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon