CHAPTER 20-- Birthday boy

2.5K 32 3
                                    

 May dalawang dahilan kung bakit natagalan ang update.

1.) Mainit at tinatamad ako.

2.) WTF MGA BRO!!1 NaZharmArriola ako! Iba talaga pag personal mong nasaksihan ang KathNiel sweetness at and pagsayaw ng ating Danilo.. ay Dan-yel pala. Yung concert my ghad! Sobrang kilabot to the bones. ang ganda ng choice of songs! WAHHH!!!! Tapos mga teh nakita ko ang poging-poging dodge ni Bossing. Tapos eto ang pinakanakakaloka...KATABI NG VAN NAMIN ANG VAN NI KATH! Shemay lang talaga kung nandun kayo sa sitwasyon ko hihimatayin kayo sa tuwa. may ishe-share muna akong happening...

Ako: OMG! yung van talaga to ni Kath! tinted kasi!

Nicole: Oo nga, silipin mo baka may underwear ni bossing!

yun lang, sadyang baliw si Nicole. Enjoy reading!

------------------------------------------

-CHAPTER 20-

 

April 25, 2012

11: 59 pm

5… 4… 3… 2…1…

Nagising si Kath dahil may biglang tumawag sa phone niya. Hindi niya na tinignan kung sino ito at sinagot agad-agad.

“He---“

 

“HAPPY BIRTHDAY SAKIN BABA!!”

 

“DJ naman eh. Madaling araw na di ka pa rin natutulog?”

 

“Ganyan na ba ang bagong pag-greet ng happy birthday ngayon?”

 

“Happy Birthday Pottie!”

 

“Ano ba naman yan. Parang ayaw mo akong makausap!”

 

“Pottie, hindi naman sa ganon. 12 am na di ka pa rin natutulog? Bakit gising ka pa? May party ka bukas ha?”

 

“Dumating kasi si Julia dito eh, binigay gift ko.”

 

“Ah.” Yan na lang ang nasabi ni Kath. Mukhang nagising ang diwa niya sa kanyang narinig. DJ and Julia? At DJ’s house? Late at night? Oh, wow.

Napangiti naman si DJ sa pagiging tahimik ni Kath

“Ano ba naman yan, selos agad!”

 

“Hindi naman eh. Inaantok lang talaga ako.”

 

“Sige na nga matulog ka na. Sunduin kita bukas ha?”

His Stylist, Her Prince.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon