Chapter 7: Room # 2

776 5 0
                                    

Rob’s POV

I really hate Mondays!!! Like now, we have a board meeting, simula nung ako ang pinag-manage ni dad ng Royale House Tower, naging boring na ang buhay ko, matagal na nga sana nagkaroon ng comeback ang THE NEXT IN LINE band eh pero dahil sa pinamanang business sa’kin, nahati na ang oras ko and I have to admit that nangangapa pa rin ako even I graduated BS Business Administration Major in Marketing pero kahit naman sino mahihirapan kung 5 Condominium/Hotel here in the country and 24 Condominium/Hotel in whole South East Asia. Take note! Our Condominium is the most Expensive and even Presidents of different countries bought our units.

Ang dami nila sinasabi but I’m not interested! Isa lang ang gusto kong mangyari!!! Ang makaalis na sa lugar na ito, kahit pa kasi ako ang President na ngayon, (Si Dad pa rin kasi ang CEO/CHAIRMAN ng Royale Houses) still the majority wins kaya hindi rin nasusunod ang gusto ko. Sila na ang mga MAGAGALING!!!

“Excuse me sire, here’s your itinerary this week.”  --my secretary

“Please cancel all my appointments this afternoon, I’m not feeling well” –I said without looking to my organizer

“Noted sire and sire these documents are for your approval and signature”

“What are those? Ah wait, can you send that to my place instead, I will leave my driver here and you can give it to him, you should instruct him where to put those papers in my place. Understood?” as I leave the conference room

I have a plan. Napakagandang plano! Mas importante ito kesa sa mga meetings ko mamaya or sa mga kelangan ko pirmahan sa office.

Ditto ako ngayon sa apartment nila Mumay, for sure wala siya ditto kasi always 6-2pm naman ang schedule niya, 11am pa lang naman ngayon kaya wala pa siya ditto. Wag ko lang Makita ang ungas na yun dito, for sure naman that he is working din naman eh kaya wala din yun ngayon dito.

Aantayin ko na lang ba bumukas ang gate na yan, paano kung wala naman taong lumabas diyan.

... 

Pag labas ko ng car, sakto naman may lumabas na sa gate, isang babae.

“Excuse me madam, do you know Ate Gina? Is she inside?”

“ah, si Manang? Oo, sa loob siya, bakit?”

“Is there available rooms in the apartment?”  --mukhang mataray ang isang ito, mukhang matandang dalaga

“Libre mag tagalog Mister sa Pilipinas, bakit gusto mo umupa?”

“Yeah, if there still available” –pakialam ba niya kung ayaw ko magtagalog, kung tinatawag na lang ba kasi niya si Ate Gina eh

“MY ROOM”

“eehh??!!”

“Magiging available na siya bukas, aalis na ako eh. Ngayong hapon din hahakutin ko na yung mga gamit ko. Halika, pasok ka na sa loob para makausap mo na si Manang Gina”

“Manang Gi?”  pasigaw niyang tawag kay Ate Gina, ditto na kami ngayon sa loob ng apartment, may nakaseparate na kwarto sa may gilid malapit sa entrance ng apartment, siguro ito ang room ni Ate Gina

“Ano iyon Odessa? Anjan na ba yung kukuha ng mga gamit mo?” –si Ate Gina

“May kukuha na po ng kuwarto ko Manang”

“ha? Siya ba ang tinutukoy mo?” –sabay turo pa sa’kin ni Ate Gina

“oho! Magkakilala na ba kayo Manang? Hinahanap ka niya kasi sa’kin kanina eh, alam na niya pangalan mo”

ROOM 214 -- [ON GOING SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon