Chapter 9

2.1K 69 18
                                    

Jenny

Hindi katulad ng mga nakaraang laro ni Maynard ay may kasama na akong panoorin siya ngayon. Habang kinukunan ko siya ng litrato habang naglalaro ay pasimple ko ring kinukunan ang ekspresyon sa mukha ng katabi kong babae, si Aicy.

I can see the longing in her eyes; I knew what she's thinking. She's been missing Marco who was also a basketball player before, which is why it became her habit to watch the basketball matches. Kaya niya napapanood si Maynard ay dahil lahat ng breaktime niya ay saktong may laro ito. Kasi naman halos magkaklase sila sa lahat ng subjects, kaya laging sakto ang schedules nila.

Nang malapit nang matapos ang laro ay nilapitan ko na si Aicy at binulungan. "Give him thumbs up later with a smile."

Tinitigan ako ni Aicy at lumipat ang tingin kay Maynard. Siguro ay nagtataka siya sa inutos ko at halatang ni minsan ay 'di niya pa nagagawa ito, kaya 'di niya alam kung paano. Yeah, she's cold as ice to him.

"Kapag nanalo sila ay maraming lalapit sa kanya. Ayaw kong sumawsaw sa mga fans niyang mukhang espasol 'no." Natawa ako bigla sa komento niya, may punto naman siya. Pero hindi naman gano'n ang gusto ko kong mangyari. I need her to act as cool as she was always been. That's why I just wanted her to give him simple gestures first. It's because we're just at our starting point.

"Hindi ka naman makikisawsaw, kasi lagi ka namang hinahanap si Maynard sa tuwing natatapos ang laro niya. Nakalimutan mo bang halos palagi ka rin niyang inaayang makipag-date sa tuwing nananalo siya? Pero ngayon imbes na aalis ka at 'di siya pansinin ay gagawin mo ang inuutos ko, saka ka tuluyang umalis ng gym."

Sinigurado kong nilakasan ko ang boses ko habang nagpapaliwanag malapit sa tainga niya, dahil saktong naghiyawan na ang mga tao at inanunsyo na ang pagkapanalo nila Maynard. Malaki na kasi ang lamang nila kanina, kaya naman sigurado ang pagkapanalo nila. With all the commotion and people leaving, I also took some steps backwards from where we were to position myself. Aicy looked at me once again not knowing what to do. That's why I just smiled and pointed down at the basketball court.

"Smile," I murmured as I took pictures of Maynard calling and waving at Aicy, despite of the huge crowd around him.

Mukhang nakuha naman na ni Aicy ang ibig kong sabihin, dahil bumaling na siya kay Maynard at ngumiti saka kumaway nang bahagya. And the next best shots that I got were when she mouthed 'Congratulations,' that made Maynard stunned, but after that he smiled widely showing how happy he is.

Nang bumaling na si Aicy sa akin ay tinuro ko na ang exit. Saka siya tuluyang umalis, papalapit na rin kasi si Maynard sa kinaroroonan namin. Kaya mas maiging lumabas na siya. I quickly sent her a message to meet me at the main gate in 10 minutes. I need to brief her for tomorrow, so she won't be so clueless on what to do.

Napangisi ako nang bahagya nang humarang si Maynard sa harapan ni Aicy nang akmang aalis na ito papunta sa susunod nitong klase. Katulad no'ng nakaraang araw ay minamatyagan ko si Aicy sa tuwing may free time ako. Dahil na rin sa inutos kong 'wag siyang makikipag-usap talaga kay Maynard ay mas lalo siyang kinukulit nito. Lalo pa no'ng binate niya ito no'ng nakaraan.

I already foresaw what will happen, but I need her to stick to my plan. I ordered her to just greet back to Maynard, but not actually having a proper conversation with him. Not until our next stage which is on the next ball game, not until the right time to take thing on to another level.

"Aicy, are you free this lunch?" I heard Maynard while cornering her; she was trap between Maynard and the crowd of students walking out of the room. Mukhang kailangan niya na ng tulong. Kaya naman sinabit ko na muna sa leeg ko ang dala kong camera at nilapitan sila.

How to tame a player? ( Published under Lifebooks)Where stories live. Discover now