Chapter 6

2.2K 68 4
                                    

Jenny

It was like a cheese on a trap, which was he thought he got himself in to. I knew I let him get caught in my bait, but I didn't know it will cause him great disturbance. His pouty red lips pursed in a thin line and his eyes are shooting daggers as he was sitting in front of me in my office. It was an image of a truly pissed off Aaron Estores. Here it goes.

"Jenny, akala ko ba ititigil mo na 'tong how to tame na 'to?" He gritted his teeth after asking me using my name not his endearment that made him look more domineering with his office suit and loose tie. Pero hindi ako magpapatalo kung sa pagiging dominante lang ang pag-uusapan. Kaya naman pinagkrus ko ang mga braso ko sa aking harapan at nginitian siya.

"I never said that," I said and stayed my eyes glued on his eyes.

Napabuntong hininga tuloy siya at napasuklay ng buhok gamit ang mga daliri niya. Bumuntong hininga pa siya bago nagtanong muli. "Pero sinabi mo no'ng birthday ko na hindi mo na itutuloy ang plano mo, 'di ba?"

Napatango ako. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin, alam ko rin na nagkaroon kami ng 'di pagkakaunawaan sa bagay na iyon.

"Aaron, ang sinabi ko ay hindi ko na itutuloy pa ang balak ko kay Wendell. "

"What? But you promised to me, that it will never happen again."

"Once again, I promised you that I will not use you that way again. I won't hurt you, that's what I mean. Pero hindi ko sinabi na ititigil ko ang How to Tame a Player." Yup, it was what I really meant. You just cut me.

Agad siyang napatayo at pabagsak na inilagay ang mga palad niya sa mesang namamagitan sa aming dalawa. Saka siya tumitig sa mga mata ko at galit na naglitanya.

"Jenny, I agreed to help you in the start. Pero no'ng makita ko kung paano unti-unti nitong sinisira ang relasyon natin, natatakot na ako. J, please take a look on us right now. We're having a fight over this nonsense, but of course I know what you are getting at. Alam kong gusto mong paghigantihan si Tristan, pero meron pa namang ibang paraan." If there is, I wouldn't be here, idiot!

Napapikit nalang ako sa narinig ko, ayaw ko rin ang nangyayari sa amin. Pero wala na akong ibang paraan na naiisip para pagbayarin si Tristan, just bringing him down is not enough. He needs to feel all the sorrow and despair that I went through; I am determined to do so. That's why I met his gaze.

"A, there's no other way. Besides, my first taming was a success." Pagkasabi ko no'n ay agad akong nagtipa at pumunta sa website ng HTTP.

Agad kong tinuro ang mga post tungkol sa nangyari kay Wendell pagkatapos kong itigil ang pakikialam sa kanya. 2 months had passed, but the news was all over the campus.

"See, Wendell Alberto were reportedly courting and getting dumped by Ace again and again. And until now, he's in a pathetic stage of being everyone's eye candy. Siya ang laging pinag-uusapan dahil lagi siyang napapahiya ni Ace sa tuwing sinusubukan niyang ligawan ito. Bumalik sa kanya ang karma sa lahat ng ginawa niya."

Matapos kong magpaliwanag ay tiningnan ko ang ekspresyon ni Aaron, pero wala akong ibang makita rito kun'di ang pagkainis.

"Paano ka naman nakakasiguro na masasaktan mo si Tristan ng katulad ng nagawa mo kay Wendell?"

His question didn't catch me off guard, because I have been waiting for this moment to finally answer the said question.

"Makakasiguro ako na maninipula ko si Tristan, kapag naisagawa kong muli ang plano ko sa isa pang Player. Another experimental subject should be in line, for me to prove my theory on how to tame a player is right. And that is this new guy, Maynard Ricasa."

How to tame a player? ( Published under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon