Chapter 7

2K 71 2
                                    

Jenny

Napabalikwas kaagad ako nang bangon nang mapagtanto kong nanaginip ako ng masama. Napasapo ako sa aking ulo saka ako luminga-linga sa paligid. Saka ko lang napansin na nasa isang silid ako sa ospital at kasalukuyan akong naka-dextrose.

The nightmare was worse than before, it happened because of the person I encountered earlier. She might have triggered my memories, my bad memories. Unti-unti kong ibinaba ang aking palad sa aking pisngi, saka ko naramdaman na basa na ito sa luha. Napapikit nalang tuloy ako, gusto kong kalimutan ang lahat. Pero sa tuwing ginawa kong iyon ay mas lalo akong nawindang nang makakita na naman ako ng bagay-bagay na nagpapaalala sa akin nang araw na iyon.

Kaya naman dali-dali kong ibinuka ang aking mga mata at nanginginig na tinanggal ang nakatusok sa aking kabilang kamay. Kailangan kong makaalis dito. The hospital also reminded me of what I have lost on that day, on whom I killed that day.

I shouldn't be here! I can't handle being here! It reminds me of everything! Fuck!

"Damn! Shit!" Napamura nalang ako nang makitang dumugo ang pinaghilaan ko ng dextrose, mas lalo tuloy akong nag-panic. Dali-dali akong bumaba sa kama, pero agarang nanlambot ang tuhod ko at tuluyan akong bumagsak sa sahig.

"I need to get out of here! Damn it! Fuck!"

Kumapit ako sa kama at pinilit tumayo, pero sobrang nanghihina ang mga tuhod ko at napapasubsob lang ako sa kutson ng kama. Kaya naman walang tigil nang tumulo ang mga luha sa aking mata.

This can't be happening, I already sealed my emotions. I shouldn't cry. I told myself a hundred times that I'm already fine, that I got over it and started to move on. But all of my conviction right now was to no avail. All I can feel was sorrow and the guilt!

Mas lalong nanginig ang aking kalamnan nang mapatingin ako sa dugo sa aking kamay. Pinilit ko tong takpan gamit ang isa kong kamay, pero mas kumalat ang dugo pati na sa kabila. Kaya naman mas bumigat ang aking paghinga at lumakas ang tinig sa aking isipan.

Why did you kill me? Napugto na ang aking paghinga at wala sa isip na nagsisigaw ako.

"AHHH!! I'm sorry, I didn't mean it! AHHH! I didn't want to kill you! Please, forgive me! PLEASE! PLEASE! PLEASE!"

Halos hilahin ko na ang bawat hibla ng aking buhok para lang mawala ang tinig na nanggagaling sa aking ulo. Ayaw ko na! Ayaw ko nang maalala pa iyon!

Napaupo na ako ng tuluyan sa sahig at pilit inuuntog ang aking ulo sa bakal ng kama sa aking tabi. Nasa gano'ng sitwasyon ako nang may pumasok. Kaya naman nag-angat ako ng tingin, saka ko nakita ang mga pumasok. Si Lance at Aaron, saktong nag-unahan na naman ang aking mga luha.

"Jenny!" Agad akong dinaluhan ni Aaron at niyakap ng mahigpit. Kaya naman napasandal ako sa kanyang dibdib at doon tuluyang humagulhol ng iyak.

"Forgive me, please. I didn't want to kill you. I didn't—"

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang maramdaman ko ang pagturok ng injection sa aking braso at saka ako unti-unting nakatulog.

Napabuntong hininga nalang ako nang salubungin ako ng mga nagbabagang tingin nila Mayra at Mikah na kasalukuyang nakatayo sa gate ng aking bahay. Pagkatapos kasi ng dalawang araw na pnanatili sa ospital ay pinayagan na ako ni Lance na lumabas. Tungkol naman sa nabangga ko ay minor injuries lang naman ang natamo niya, nagkasugat lang siya sa hita at binti niya at umuulan no'n kaya akala ko maraming dugo ang dumaloy. Siya rin ang may mali na tumawid kahit naka-stop ang signal para sa pedestrian crossing. Kaya naman nagkaroon nalang kami ng kasunduan no'ng babae at wala na ring ibang sinabi pa si Lance tungkol doon. It was actually surprising that he didn't argue with me when I decided to discharge, he even processed my papers earlier. I didn't know what the catch was for him, but I know we will both benefit from it. But I also know that some of its circumstances are some things that I don't want to know about. Well, it's fine and I took advantage of this situation to finally go out.

How to tame a player? ( Published under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon