Chapter 3

3.3K 108 11
                                    

Jenny

Hindi ko alam na applicable pala talaga sa lahat ng tao ang pagtingin sa kawalan. Hindi ko kasi inakala na ang isang Wendell Alberto ay nakatingin lang sa kawalan ngayon. Nakaupo lang kami sa isang bench malapit sa open court. Sigurado namang wala siyang pinapanood sa court na nagalaro, dahil puro lalaki lang naman ang nandoon. Maliban na lang sa mga babaeng nagpapantasaya sa mga players.

"Problem?" I asked as I stared at the court too, I can hear him sigh. Mukhang alam ko na ang itinatakbo ng utak niya, dahil katulad ng plano ko ay umabot na kami sa tamang oras na iyon.

"I am just curious; do you think everyone of us is capable of loving?" Napangisi ako kaagad dahil sa tanong niya, nilingon ko siya. Pero hindi pala siya nakatingin sa akin, nanatili lang pala ang atensyon niya sa court.

Alam kong si Mikah ang tinutukoy niya kaya naman napatawa ako ng pagak. "I think we all are capable of falling in love."

Pagkasabi ko noon ay agad siyang lumingon sa akin at isang 'di makapaniwalanag ekspresyon ang iniharap niya sa akin.

"Totoo? Ibig sabihin ay na inlove ka na noon?" Ako naman ang napakunot noo sa pahayag niya. This guy is sticking his nose on stuffs that he shouldn't touch.

Bumuntong hininga nalang ako at naikuyom ang kamay ko.

"Oo. At pwede ba, 'wag mong ibahin ang usapan. Tungkol sa inyo ni Mikah ito, hindi sa akin."

Napanganga naman siya, saka umiling-iling.

"It's not Mikah." Pagkasabi niya noon ay natigilan ako. Hindi si Mikah? Imposible iyon, nangyari ang lahat ng binalak namin. Nothing changed between them for two weeks of dating, as I can see they look like a regular couple now.

"What do you mean? Hindi ba kaya ka ganyan ngayon ay dahil iniisip mo ang kaibigan ko? Kasi siya pa lang ang nakakatagal sa iyo, 'di ba?"

Nilingon ako ni Wendell at ngumiti ng tipid. "Si Mikah pa lang ang nagtatagal sa akin, pero hanggang doon lang iyon. We are flirt buddies, no more. I think she knew that too. Kaya hindi siya humihingi ng commitment sa akin, dahil alam namin pareho na wala nang lalagpas pa sa feelings na meron kami sa isa't-isa. Kaya siya nakatagal sa tabi ko at gano'n rin ako sa kanya."

Agad gumulo ang tinatakbo ng utak ko. Something is not right; this is not supposed to happen. How come he didn't fall for Mikah? Why did this fucking happen?

"Kung okay naman kayo ni Mikah, bakit ka nakatulala riyan? And why are you asking about love all of a sudden?"

Sa isang tanong na iyon ay agad nakita ko ang isang kakaibang Wendell. He smiled the way I never saw him before. His smile is sincere that gives of a different feeling of joy. Pero ang ngiting iyon ay hindi ko alam kung para saan nakalaan, dahil nanatili lang siyang nakabaling sa court.

"Alam mo kung bakit ko naitanong? Kasi gusto kong makasiguro na hindi lang ako ang nakaranas at tanga sa love na 'yan."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko pa, saka lang din siya lumingon sa akin. He gave me a lopsided smile before standing up.

"I had my fair share of women for so long, Jenny. It is because I can never have that one woman that I love."

Pagkasabi siya noon ay natuod ako sa kinauupuan ko, hindi ko na nga namalayan ang biglang pag-alis niya. Kaya naman naiwan akong mag-isa roon at napatitig nalang din sa court. He is already in love with someone else, which is why no matter what I did to make him fall for Mikah didn't work. All of my efforts were gone to waste, because I can't really make someone fall if he's already fallen for someone else.

How to tame a player? ( Published under Lifebooks)Where stories live. Discover now