Chapter 18 ♥

701K 10.3K 2K
                                    

Chelsea POV

"Ikakasal ako sa ibang babae."

Tumigil yung ikot ng mundo ko. Hindi ko alam kung paano ako mag-re-react sa sinabi ni Kyle.

"Kyle.. Nagbibiro ka lang diba?"

Pilit kong isinisiksik sa isip ko na nagbibiro lang sya. No. Hindi.

Kyle kissed me. "I'm not kidding. Sorry. Sorry baby ko."

I started to cry. "B-Bakit? Ipa-intindi mo sa'kin Kyle.."

Bakit ganun? Eto na yun eh. Sasagutin ko na ulit sya eh. Pero bakit may ganito? Bakit? Wala na ba ako karapatang sumaya?

"Yun ang utos ni Papa. Hindi ko siya kayang suwayin. Lahat kaya niyang gawin. Binantaan pa nya ako na sisirain nya ang buhay mo kung hindi kita hihiwalayan. Baby ko hindi ko kakayanin pag may nangyari sayo. Kilala ko ang Papa ko, wala syang puso. Wala siyang awa at makapangyarihan sya."

Ano? Hindi ko akalaing ganoon ang Papa ni Kyle? "Now anong gusto mong mangyari?"

"I'll stop. Titigil na'ko sa pagsuyo baby ko. I have no choice. Kailangan na kitang layuan."

Hindi ko matanggap yung mga sinasabi ni Kyle. Grabe lang. "You know what? Balak ko na sanang sagutin ka ulit ngayon Kyle. Dahil mahal na mahal naman talaga kita. Tiniis lang kita. Pero bakit biglang ganito?"

Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko. Shit lang. Nasasaktan ako.

"Baby ko. I'm sorry. Sorry. Wala akong magawa. Hindi kita kayang ipaglaban kay Papa dahil ikaw ang mapapahamak. I love you. I really love you. Magalit ka na sakin. Kalimutan mo na yung pagmamahal mo sakin. Dahil wala ng mangyayari pa."

Shit. Nararamdaman ko na naman yung naramdaman ko one year ago. Ang sakit sakit. "Kyle.."

"Baby ko, mahal na mahal kita alam mo yan. Kailangan ko lang i-sakripisyo itong pagmamahal ko sa'yo para sa kaligtasan mo at ikakatahimik ng buhay mo."

"Anong silbi ng buhay ko kung wala ka Kyle? Shit lang kasi Kyle, mahal na mahal kita. Hindi ko na kayang iwan moko ulit."

Humahagulhol na'ko. "Sorry. Wala akong magawa."

"Kyle..hindi mo ako iiwan ulit."

Diko kayang mawala si Kyle sakin. Siya yung gusto ko. Siya yung mahal ko.

"Mahirap sakin 'to pero kailangan. Baby ko I love you. I love you so much."

Mas nasasaktan ako sa sinasabi niya. Yung alam kong mahal na mahal nya ako pero kailangan nya akong bitawan.

"No Kyle.."

"Please. Listen to me, hangga't maaari iiwasan kita, lalayuan kita. Kalimutan mo na ang nararamdaman mo sakin."

Umiling ako. "Hindi yun ganun kadali kyle! Akala ko ba di mo na'ko sasaktan?"

"Hindi ko ginusto 'to. Hindi." Pareho kaming umiiyak ni Kyle.

"Kyle.." Ang sakit-sakit.

"Please baby ko. Stop loving me. Hanggang dito nalang tayo."

Hindi ko matanggap. I can't. I really can't.

"Make love to me Kyle."

Desperada na yata ako para sabihin yun kay Kyle pero wala akong magawa. Mahal na mahal ko siya. Ayokong iwan niya ako ulit. Ayoko.

Kapag may nangyari sakin at kapag nagbunga yun, babalikan ako ni Kyle. Wala ng magagawa ang Papa niya. Right?

He kissed me torridly. Tinugon ko yun. I really love him. Handa akong ibigay sa kaniya lahat.

MPMMN 2: Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon