SPECIAL CHAPTER

1.6K 41 5
                                    

SPECIAL CHAPTER

Dalawang taon na ang nakakalipas nang maideklara syang crown prince ng kanilang kaharian. Dalawang taon na din mula nang pinutol nya ang anomang ugnayan nila ng babaeng hindi na nila kilala. Sa mata ng mga council she didn't exist.

"You're bored my Prince Dylan?" tanong ng kanyang asawa.

Pinapanood nya ang mga bisita sa kaharian at nakaupo sila sa kanilang trono. Tinignan nya ang babaeng katabi nya. It's Princess Mary Garnett. Tinignan nya ang pekeng kulay pula nitong mata na nagpapaalala sa babaeng nagngangalang Crimson.

"Nope, my Princess Garnett, I'm just having a headache"

Nag-alala ang itsura ng babae.

"You should go to our room right now and take a rest. I'll explain it to the highness" sabi nito.

Dylan nodded at umakyat na sa kanilang silid. He took a deep breath while walking. The present King right now is the father of Mary Garnet and it's not an ideal king. Kung tutuosin lumala ang kahirapan at yumaman ang mga mayayaman. Maraming katiwalian. Maraming naging alipin. Mahilig ito sa mga kung ano-anong pangkasiyahan kaya halos lingo-lingo ay may nagaganap na piging sa loob ng kaharian. Isinara din ang Palasyo sa mga karaniwang tao at binuksan lamang ito sa mga maharlika.

Tumuloy sya sa kanyang silid. Binuksan nya ang ilaw at nagulat sya nang makita ang lalaking nakaupo sa ibabaw ng kanyang kama.

"Long time no see, Prince Dylan" nakangising sabi nito.

"Z...Zero Ross?" Hindi makapaniwalang sambit nya. Dahil dun nagflashback ang lahat. Ang mga masasayang araw at ang araw na piñata nya ang dating GARNETT. Dahil dito ay agad nyang tinanong ang babae"si Lady Crimson?"

Tinignan sya ni Zero.

Dylan didn't know what happen after nilang iwan si Crimson sa abandonadong Ice Plant two years ago. Ang alam din ng council ay patay na ito gaya ng inulat ni Lady Garnett. Kaya matapos yun ay agad silang idineklarang crown Prince at crown princess matapos silang ikasal. Hindi nya magawang mahalin si Princess Garnett. Hindi nya alam kung bakit. Hindi din sya mabiyayaan ng anak dahil sa baog si Princess Garnett at hindi nila ito ipinaalam dahil magiging dahilan ito upang mawala sila sa trono.

"Buhay sya ng dahil sayo" Zero said

Umiling si Dylan "Muntik na syang namatay nang dahil din sakin."

"Your guilty?"

"Yes" sagot ni Dylan

"You want my punishment to clear your conscience?" seryosong tanong ni Zero.

Walang alinlangang tumango si Dylan at nang dahil sa sagot nya ay napangisi si Zero.

"Then, let's have a deal. Mahal ni Crimson ang mga narito at hindi nya gusto ng pamumuno ng kasalukuyang hari. I'll make you a King, Dylan but make sure to rule the Kingdom according to Crimson's wish" Zero said seriously.

Napakunot ang noo ni Dylan "I can't be the King if__" his word cut off na nagpangisi kay Zero.

"Tama ka ng iniisip Dylan, para maging hari ka may mga tao tayong dapat isakripisyo"

Dylan look at the guy sitting na para bang napakadali lang ng lahat... Hindi din nya lubos maisip na gagawin ni Zero ang bagay na yun. Nawala ang ngisi ni Zero at tumingin ito sa kanyang mga mata.

"This is my revenge to the person who speak to kill my love and to the person who do the crime. I will forgive you Dylan but you should be my ally until you die" Zero said.

While saying that biglang binalot ng lamig ang silid at naging napakabigat ng aura sa silid. Alam ni Dylan na naghihigante lamang si Zero. Ang kasalukuyang hari ay ang nag-utos sakanila na patayin si Crimson at si Garnett na kasama nyang pinagtangkaan si Crimson.

"I will kill them but remember to do what should my love want and be my Ally forever until you die Dylan"

Tumingin si Dylan at sumang ayon sa kanilang kasunduan

"Good" Zero said at tumalon sa terrace ng palasyo.

Tatlong araw nakalipas ang pag-uusap at kasunduan nila ni Zero at dalawang araw na syang narito sa India. Ipinadala sya roon ng hari dahil sa isang charity event. Hindi sumama si Garnett dahil sa hindi nito gusto ang bansang iyon. Sumasama lamang ang crown princess pa gang sadya ay mamasyal ngunit kung itoy isang charity ay hindi ito sumasama.

Maluho ang crown princess. Malupit din ito sa mga Tauhan sa palasyo at laging ang nais lamang nito ang dapat masunod.

Pabalik na sya nang Netherland nang naging kapansin-pansin ang mas mahigpit pang security sa kanya sa Airport. Naging triple din ang mga nagbabantay sa kanyang Royal Guards. Kinutuban sya. Mukhang may mga alam ito na hindi nya alam. Tinatanong nya ang mga ito ngunit nanahimik lamang ang mga ito.

Pagdating nya sa palasyo ay agad syang pinagbihis at pinaghanda sa isang pagtitipon. Hindi nya lubos maintindihan ngunit sumunod na lamang sya. Napakunot sya ng noo nang makita ang damit. It's a suit for the highest throne and it's the King.

Naalala nya ang naging kasunduan nila ni Zero. Agad nyang isinuot ang damit at lumabas. Agad itinuro ng mga ministro ang daan patungo sa hall. Hindi nagsalita ang mga ito ngunit napansin nya ang ilang itim na ribbon sa hagdan. Someone died.

Pagkarating nya sa bulwagan ay nagulat sya. Dalawang kabaong ang naroon. Halata din sa mga taong naroon ang kalungkutan sa kanilang mga mata. Nilapitan sya ng Pinunong Ministro at ipinaliwanag ang lahat.

The King and the Princess died yesterday. Namatay ang mga ito dahil sa pagkalason. Too much alcohol that they intake dahil dalawang araw daw na nagkaroon ng piging sa loob ng Palasyo. Kasabay ng pagluluksa ay ang agarang pagproklama sa kanya bilang hari. Kailangan ng bansa ang isang hari at sya ang nakasunod rito.

Naistatwa si Dylan sa kanyang narinig. Hindi sya makapaniwala. Mamaya-maya ay nag ring ang cellphone nya.

"Welcome back, King Dylan"

Alam nya kung sino ang taong yun at mas lalo syang hindi naniwala sa mga nangyayari. Zero killed the King and the Princess but it's not a murder. How could he do that thing?

Initasan nyang wag gawin ang proklamasyon ngayong araw. The coronation would be held after na mailibing ang mga patay na. He promised na gagawin nya ang nararapat gawin na naaayon sa kagustuhan ni Crimson bilang kasunduan nila ni Zero.

  

"There are memories that time does not erase... Forever does not make loss forgettable, only bearable."

I FALL IN LOVE WITH THE KILLER (BOOK 4)Where stories live. Discover now