ZERO 27

1K 26 3
                                    

CHAPTER 27

'TRAGIC STORY'

Masisiraan na ata sa kaiisip si Zero kung nasaan ang kasintahan nya. Kanina pa sya palakad-lakad. Kinakabahan na sya at alam nyang may masamang nangyari sa pinakamamahal nyang babae. Gusto nya itong hanapin pero hindi nya alam kung nasaan ito.

Kaya napagpasyahan nyang humingi ng tulong sa Papa nya upang hanapin ito. Kasalukuyan silang nasa Mansion kasama ng mga kaibigan at ng ilang miyembro ng Black Justice. Hindi sya mapakali dahil sa part na hindi nakuha ng CCTV natagpuan ang sapatos ni Garnett. Halata ding kabisado ng kumuha kay Garnett ang lugar dahil sa wala silang lead kung sino ang gumawa.

Hindi nya alam kung bakit ito pumunta sa ospital na yun. Hindi nya alam. Nabla-blangko si Zero. Hindi nya alam kung anong gagawin nya.

Mamaya-maya ay dumating si JC kasama si Phyllis. Mukhang nalaman ng mga ito ang nangyari. Lumapit si Phyllis kay Zero.

"Suot ba lagi ni Lady Garnett ang engagement ring nyo?" tanong ni Phyllis.

"Engagement ring?" tanong ni Zsept.

Tumingin si Zero sa mga magulang nya na nakatingin lang sa kanya.

"I'll explain it to you later" sabi nya then tumingin sya kay Phyllis "Lagi nyang suot yun, Why?"

"Asan yung relo na kasama nun?"

Inilislis ni Zero ang sleeve ng jacket nya upang ipakita ang wrist watch na bigay ni Phyllis.

Agad na may pinindot si Phyllis sa relo at tumunog ito. Nakita ni Zero ang isang red dot. Mukhang isang graphical map ang naroon.

"Madedetect ng relo kung nasaan ang sing sing. Kung suot ito ni Lady Garnett ibig sabihin nandun sya sa lugar na yan" nakangiting sabi ni Phyllis.

"Malayo ang lugar na to. It will take 6 hours to reach this place" Zero said.

"Use the helicopter Zero" Zeal said.

He nodded at umalis na.

ANNA's POV

Nagising ako dahil sa lamig na nararamdaman ko. Hindi ko maigalaw ang sugatan kong katawan. Napapikit ako at ininalala ang lahat. Kung bakit ako narito.

Ang natatandaan ko lang ay nang pag-uwi ko ay may sumugod sa akin sa may bintana. Nakatakip ang mukha nya but his scent is familiar at dun ko nalaman na si Dylan pala yun. Mas magaling si Dylan at mas malakas sya kaysa akin kaya alam kong kahit lumaban ako matatalo ako. Sugatan na ako. Nang bigla nya na lang akong pinatulog.

Kailangan kong makaalis rito at makatakas ngunit napahinto ako sa mga narinig kong tinig mula sa labas ng pinto.

"You will kill me? For what? Tsk, Garnett could you please wake up. I'm alive or not they will tell you to be like me." At alam kong galing yun kay Lady Garnet (Fake)

"But it will make me happy and satisfied cause the fake one would disappear forever"

Nahulaan ko nang ang totoong Lady Garnet ang kausap nito dahil sa conversation nila.

"Where's Anna?" Tanong ng pekeng Lady Garnett.

Napaluha ako. She's concerned about me. Noon pa man ramdam ko na yun kaya ipinangako ko na proprotektahan ko sya. But I wasn't able to protect her. But, after all ako pa rin ang iniisip nya. I wish I could protect her more.

Bumukas ang pinto at nakita ko ang taong gusto kong protektahan. Nasa isang kahabag-habag na kalagayan sya. Naka-kadena ang paa at kamay. Sugatan. Samantalang nakatayo lamang sa tapat nya ang totoong Lady Garnet kasama si Dylan. Napaluha ako.

"I'm sorry... m-y lady I can't protect... you" I murmured hindi ko alam kung maririnig nya o hindi.

Lumapit sa akin si Dylan at hinigpitan ang tali sa kamay ko.

"You need to survive and save her" may bote syang iniwan sa tabi ko at isinara na ang pinto.

Napapikit ako sa mga naririnig ko sa labas. Ang pagsigaw ni Lady Garnett ang pag-alis ng dalawang tao. Ang paghabol ng hininga ng taong itinuring nyang kapatid. Ang unti-unti nitong pagkalagot ng hininga.

Pinilit kong tumayo pero hindi ako makagalaw. I know that Dylan want me to save the young lady. Kailangan kong maipainum ito sa kanya as soon as possible kung hindi'y tuluyan na syang mawawala sa mundong ito. At hindi ko yung gusto.

Unti-unti akong gumapang upang makalapit kay Lady Garnett. Hindi nilock ni Dylan ang pinto kaya alam kong makakalabas ako. Nang makagapang ako ay tumayo ako at ginawa kong suporta ang pinto. Shit!

I cursed cause I can't open the damn door. Naghihina na ako at bibigay na ang mga mata ko. Hanggang sa napapikit na lang ako.

FLAME's POINT OF VIEW

(Sya po yung partner ni Katana sa mga mission nya. If you know what I mean. Sa "KILLING MY LOVE")

Pinasok namin ang abandonadong ice plant at nanguna si Zero. Hayaan mo na in love eh. Pumasok sya at sumunod kami ng mga Tauhan ko na miyembro din ng Black Justitia.

I was dumfounded when I look at him. Nakaluhod lang sya sa harapan ng babaeng walang malay... or worst than that. Naka-kadena ito at halatang pinahirapan dahil sa mga sugat at pasa nito sa katawan. It would be the worst scene in a tragic story. Nawalan na ng kulay ang maganda nitong balat. Namumuti na din ang labi nito.

Sumenyas ako sa mga tauhan ko na wag sumunod. Lumapit ako kay Zero. Nakayuko ito at umiiyak. Napabuntong hininga ako. I could see all his emotions. Umiiyak ito na nakatulala lang sa babaeng kaharap nito. Sa babaeng pinakamamahal nito. He wasn't able to protect that woman. That was the hardest thing.

Kinapa ko ang pulso ni Garnett. And I was correct. She was cold as ice. And she's... even me I can't accept the fact that this beautiful lady is not breathing. Pano pa kaya sa side ni Zero?

Kinalas ko kadenang nakagapos sa babae at nang makawala ito ay agad syang niyakap ng mahigpit ni Zero. Mahigpit nya itong niyakap na parang wala nang bukas. He cried at murmur things how he love her.

"I love you.... and I always do" Zero murmured

Lumayo ako sa kanila. Napakabigat panoorin. Nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman ni Zero. The aura of melancholy is all over the place. Nakita ko din ang mga kaibigan nila na nakatingin lang sa kanila. Nakatulala lang sila na para bang hindi sila naniniwala na walana si Garnett.

Patay na sya.



 " When the game is over, the king and the pawn go into the same box "~ Italian Proverb  



I FALL IN LOVE WITH THE KILLER (BOOK 4)Where stories live. Discover now