Sir, You're Hot. -21

29K 266 49
                                    

Nang sumapit ang Lunes, abalang-abala ako sa loob ng library. Kasama ko si Sir Railey habang binabasa ko ulit ang thesis ko. Iniisa ko bawat page dahil malapit na ang oral defense ko. Wala ng pre-oral defense dahil tapos na ako doon last semester. Itong seryosong oral defense na lang ang kailangan kong tapusin.

"Sir Railey, naisip ko lang. Alam ko na kung kanino nagmana ng kayabangan ang Kuya mo." Sir Railey ang tawag ko sa kanya dahil nasa loob kami ng school ngayon. Katatapos lang ng klase sa kanya.

Walang nag-iisip ng kung ano sa amin simula ng mawala ang hindi pangkaraniwang suspension sa akin ni Dean. Sa tuwing magkasama kasi kami ni Sir, inaakala ng mga kaklase ko na extra project lang ang ginagawa ko para kay Sir. Idagdag pa na coach namin siya dati sa Debate Team kaya walang malisya.

"Kanino naman siya nagmana?" sagot niya habang binubuklat niya ang libro niyang The Alchemist.

"Sa Mama mo. Bakit ba kailangang bigyan niya ako ng requirements? Tayo na ba para ipakilala mo ako sa kanila ng magulang mo?"

"Shh." Lumapit siya sa akin at bumulong, "Kung wala lang tayo sa loob ng eskwelahan ngayon, hinalikan na kita. Ang dami mong tanong."

Natahimik ako sa binulong niyang iyon. Ngumiti lang siya sa librarian na nakakita sa amin. Ang galing talagang actor ni Sir Railey. Lahat ata ng babae sa paligid niya napapaniwala niya sa gusto niyang mangyari.

"Ikaw. Palagi kang ganyan. Hanggang kailan mo ba ako itatago?"

"Kapag ayos na ang lahat. Waiting is not bad as long as you're waiting for possible things."

"May kasalanan ka pa. Bakit hindi mo sinabing Mama mo pala ang dati naming teacher sa Grammar?"

"I thought you already knew that she's my mother. Mabait ka pala sa klase niya, Bec." May sarcasm sa pananalita niya.

Tumahimik na muna ako at binasang maiigi ang thesis ko. Hindi ko na muna siya pinansin dahil alam kong abala siya sa binabasa niya. Samantalang ako, abala rin ako sa thesis na kailangan ko ng i-defend sa katapusan ng buwan. This August 30 na pala ang defense ko. Sa Saturday.

Inilabas ko ang ballpen ko para magsulat ng ilang points na kailangan kong tandaan. Inilabas ko rin ang isa sa mga pinakamamahal kong notebook na halos dalawang page pa lang ang nagagamit dahil hindi naman ako palasulat. Sa unang page, pangalan ko lang ang nakasulat. Maliliit lang ang letters sa handwriting ko kaya hindi rin masyadong nasulit ang space. Pangalawa, isinulat ko lang roon ang topic ng report ko sa Grammar. At tsaka ko lang napansin na naisulat ko pala ang pangalan ni Ma'am Abad sa notebook ko. Kung kailan huli na ang lahat.

Magsusulat na sana ako ng may magtakip sa mga mata ko. Dalawang malalamig na palad ang nagtakip sa akin. "Bitawan mo nga ko," pagpupumiglas ko.

"Guess who," sabi niya pa. Kinalabit ko ang balikat ni Sir Railey para pansinin ako.

Buti na lang dininig niya ang pagpapapansin ko. Agad naman na inalis ng epal niyang Kuya Rain ang kamay niya sa mga mata ko. "Bad trip ka, Rayling. Ganito mo ba ako na-miss?"

"I don't care. Kakikita pa lang natin Kuya last weekend. You're overreacting," matabang na sagot nito sa kanya. Mas gwapo si Railey sa tuwing nakasalamin siya at nagtataray siya. Cute.

"By the way, Rebecca. I followed what you've said last time," sabi niya habang naupo naman siya sa tabi ko. Nasa kaliwa ko siya samantalang si Sir Railey naman sa kanan. "I already sent her flowers. I courted her inside the faculty room. In fact, I almost did everything to please her."

"Almost is not enough. Baka may isang bagay ka pang hindi nagagawa sa kanya, Sir Rain."

"And what is that?" he asked.

"Maybe I do not know the answer but it's for you to realize and to find out."

Kinahapunan, pumunta naman ako sa opisina ng Debate Team. Mas maaga akong pumunta kesa sa oras na sinabi ng kasamahan ko. Hawak ko naman ang mga notes ko at ang draft ko ng thesis. Pagkabukas ko ng pinto, nakita kong marami ang nagkalat na bulaklak sa loob ng room.

"Ang dami namang kalat," bulong ko sa sarili ko habang iniisa-isa kong pinupulot ang nakakalat na brown paper bags na cover ng mga bulaklak. Sinisipa ko rin papunta sa gilid ang nabulok ng bulaklak. Sino namang magdadala ng mga ganito dito eh mukhang wala namang manliligaw ang tatlong co-members ko eh.

Nang iginala ko pa ang mata ko, nakita ko si Ma'am Anna, sa table ni Sir Railey na nakaubob. Magulo ang buhok niya at halos hindi na maayos ang damit ni Ma'am. Nilapitan ko siya at hinawakan ang balikat, pero wala akong ibang narinig kundi ang hagulgol niya.

"Leave. Me. Alone. Or. Else. Die."

Nakuha niya pa akong pagbantaan eh ako na nga ang willing na tumulong sa kanya. "Ma'am, if you need help, dito lang ako. Mahirap na, konsensya ko pa ho kung mag-suicide kayo."

Hindi pa rin siya sumagot agad. Inintindi ko na lang siya. Sobrang stress niya na rin siguro sa kakaisip ng gagawin kung paano lalandiin at aagawin si Sir Railey sa akin. Wala siyang magagawa, mas mahaba ang buhok ko sa kanya, literally at figuratively.

"Did you see those flowers? It's from Rainiell Medrana. The man whom I hated so much. Two years ago, hindi ako nakipag-usap kay Railey. And with that two years, I was waiting for Rain. Pero wala siyang ibang ginawa. Hindi niya ako sineryoso nang panahong 'yon. Umuwi ako dito sa Pinas dahil napagtanto kong si Railey na pala ang lalaki sa akin, pinakawalan ko pa because of that Rain. Ngayong nandito na ako, at tsaka niya ako guguluhin? I hate him. I hate him."

In short, si Railey may gusto kay Anna. Kaya lang si Anna pumunta ng States at iniwanan siya for two years. Ngayong taon, bumalik si Anna kay Railey, pero heto si Rain, humahabol naman sa kanya. 'Yung totoo, siya ba talaga ang bida sa kwento? Biro lang. Ang hirap naman kasi sa sitwasyon niya, nasa kanya na, pinakawalan niya pa. Ang ending, wala ng natira sa kanya.

"Regrets are long lasting. It makes it hard for you to move on with your life. But then, acceptance is the solution for these. Accepting the things which have happened before is the only way to stop regretting," mahina kong sabi kay Ma'am.

"I hate him for making me feel this way. He even ignored me with that two years. I hate him. I really really hate him," sabi pa ni Ma'am Anna. Nang tumingin siya sa akin, pinigilan kong 'wag magulat kahit pa halos mabura na 'yung eye liner at mascara niya at mapunta na ito sa pisngi niya.

Agad kong nilabas ang phone ko para i-text si Sir Rain. Okay, this is the only way na magkaayos sila. Ito na rin ang solution para mahiwalay na ako sa kamandag ni Ma'am Anna at ito na rin ang tanging paraan para mawalan na ng dahilan si Sir Railey na dumikit sa kanya.

Good thing is, before ko pa mai-send ang message ay bumukas na ang pinto at nakita ko si Sir Rain. Lumabas ako at iniwan ko na silang dalawa.

Totoo pala ang destiny pero exclusive lang ito sa mga taong handang gawin ang lahat para sa minamahal nila no matter what.

Sir, You're Hot. FINISHED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon