Sir, You're Hot. -16

33.9K 302 47
                                    

Maaga kaming pinapunta sa school ni Dean. Alas nuebe pa lang ng umaga ay nandito na ako. Sobrang takot kaya akong magpasaway kay Dean kaya naman maaga akong dumating. Nang makatapak ako ng third floor, hinihintay na pala ako ng tatlo kong kasama sa Debate Team.

"Rebecca, it's been a long time huh?" bati sa akin ng isa kong ka-team.

"Pwede ba. Tigilan mo ko," sagot ko sa kanya. Medyo jolly naman siya kaya pwedeng barahin.

Nakita ko naman sa isang sulok ang isa ko pang ka-team. Nagbabasa siya ng librong napakakapal. Halos kasing kapal na ng salamin niya.

Napatingin ako sa orasan ko. 9:00am na pero wala pa rin si Sir Railey. Nakasuot pa naman ako ng formal attire ngayon. Isang black blouse na naka-tuck in sa isang black na palda. May blazer rin akong kulay black. Hindi naman halatang gusto ko ng kulay black. It's so me kasi.

Hindi naman nagtagal, dumating na rin si Dean. Kasama niya si Railey na nakasuot naman ng pulang polo. Okay na sana 'yung scene kaya lang, nakasunod pala sa kanila si Ma'am Anna. Nakasuot naman siya ng isang fitted na red floral dress.

Agad naman kaming pumunta sa hall na pagdadausan ng event. Sinamahan kami ni Dean na pumunta sa likod ng stage para maghanda. Siksikan sa loob ng hall dahil all-time winner pala ang college na kalaban namin sa araw na ito—ang College of Arts. Last year raw, sila rin ang nanalo. Nakaka-pressure na masyado. Ang daming naghihiyawan na tao pagpasok namin. Hindi naman boxing ang laban. Mabuti na lang, agad rin silang pinatahimik ng mga organizers na nakatayo sa tabi nila.

"Relax, Bec. Don't let your fear bring you down," bulong sa akin ni Sir Railey habang inaaalalayan niya pa akong maglakad. Siksikan sa loob at kailangan ng isang knight in shining armor para protektahan ako.

Umupo na kami sa mas mataas na platform sa loob ng hall. Mas maliit sa stage dahil pwedeng humakbang mismo sa harapan para makababa. Nakita ko naman si Dean at Sir Railey na nasa first row nakaupo. Sir Railey's arms are still folded. Nang mapatingin ako sa kanya, ngumit siya. Pero nang aksidenteng mapatingin ako kay Ma'am Anna, nainis siya.

Tumingin ako sa kalaban ko. Lahat sila mukhang matalino. Present ang salamin sa mata ng bawat isa sa kanila. Parang bawal ata makipagngitian sa kanila sa sobrang seryoso nila. Wala akong ibang nagawa kundi huminga ng malalim. Sabi kasi nila, kapag kinakabahan ka raw, huminga ka muna ng malalim at magbilang hanggang twenty. Tapos, pakalmahin mo ang puso mo. Pweed ring kausapin. Sabihin mo sa puso mong, "Kalma ka lang heart." Pero joke lang, imbento ko lang lahat 'yon.

Matapos ang ilang seremonyas, pinakilala na ang bawat participants. Naunang ipinakilala ang participants na kalaban namin. Ni isang ngiti, hindi nila ginawa. Kaya naman mas lalo akong kinabahan. Confidence lang kasi ang dala ko. Pero, kahit ito rin ata nauubos na. Ano bang gagawin ko?

Kumaway lang ako nang tinawag na kami. Napansin kong napakarami rin pala naming supporters. Sila 'yung members dati ng Debate Team. May nakita rin akong sumubok sumali sa Debate Team.

Matapos ang ilang minuto, nagsalita na ang host or facilitator or whatever. Hindi ko alam ang tawag sa kanya. Hindi ko naman field ang makipagsagutan.

"Our topic would be, 'This house believes that student-teacher affair must be allowed."

"Rebecca! Piliin mo ang opposition," bulong ng team mate ko sa akin.

"No! Affirmative! Agree tayo. Akong bahala," sagot ko sa kanya. Napakamot siya ng ulo pero hindi na siya sumagot.

Nagkaroon ng bunutan sa harapan namin only to find out na affirmative side kami. Ngumiti ako sa group mates ko at nakuha na nila ang gusto kong sabihin. "Affirmative, pare. Affirmative."

Sir, You're Hot. FINISHED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon