Sir, You're Hot. -11

38.3K 459 40
  • Dedicated kay toallpatientpeoplereadingmystory
                                    

Hindi ko na alam ang salitang pagod at puyat. Una, pagod at sawa na akong magpaalam kay Dean na gusto ko ng mag-quit sa Debate Team. Pangalawa, napupuyat ako kakaisip kung ano bang meron kay Sir Railey at Sir Anna? Bakit gano'n na lang sila mag-usap last day?

"Rebecca, mag-aral ka rin kaya ng topics para sa training natin sa Debate, 'di ba?" sabi sa akin ng isa sa mga kasamahan ko sa Debate Team.

Nasa loob kami ng head quarters namin ngayon. Habang nagkukumpulan sila sa table at hawak ang mga nagkakapalang photocopies, ako naman ay nasa isang sulok at nakikinig lang sa mga paorito kong kanta sa cellphone ko. Damn.

"Sorry, pero I'm too busy to deal with those stuffs. Tsaka, I already have Debate subject last time. Alam ko na lahat ng gagawin," pagmamayabang ko. Ayoko kasing pinakikialaman lahat ng ginagawa ko. At tsaka, sino ba sila para utusan ako 'di ba.

Habang nagbubura ako ng mga pictures ni Stanley sa cellphone ko, sunud-sunod na katok ang narinig namin. Malalakas na katok na parang isang machong lalaki ang gumawa. De joke lang. Basta, nakakairita siya.

Tumayo ako para pagbuksan 'yung taong 'yun. Huminga pa ako ng malalim bago ko buksan ang pintuan at sigawan kung sino man 'yung gumagawa no'n.

"Magdahan-dahan ka naman sa pagkatok! Kitang busy lahat ng tao dito eh!"

Isang babae ang bumungad sa akin pagkasabi ko no'n.

Si Ma'am Anna. Dahil sa pagkakita ko sa kanya, napalunok ako ng laway. Hindi sa kaba, kundi dahil sa nag-aalala ako para sa buong Debate Team kahit papaano. Naalala ko, siya na pala ang bagong adviser namin.

Nakatayo pa rin siya sa harapan ko. Tinaasan niya ako ng kaliwang kilay niya. Mas matangkad ako ng kaunti sa kanya kaya nakayuko ako habang tinitignan siya. Nakipagtarayan ako, oo. Kahit pa alam kong siya ang adviser ko sa thesis namin. Kung minamalas ka nga naman.

"Is that how you treat your new adviser?" pagtataray niya sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Isang tingin na puro panghuhusga. I don't care naman. I'm used to judgmental people like her.

Nagsabi na ako ng sorry sa kanya, pero parang wala lang rin. Pansin ko lang, ang init ng ulo niya sa akin. Parang nasigawan ko lang naman. Hindi naman siya nasugatan. Parte na lang siguro ng pride niya 'yung pagmamaldita niya sa akin. Ganyan naman talaga ang tao, kahit alam nilang mali sila, ipipilit pa rin nilang tama sila, masabi lang na magaling sila.

Tinawag kami isa-isa ni Ma'am Salazar. 3 na lang ang members. Plus ako, bale apat na kami. Idagdag pa ang hindi magandang presence ng thesis adviser kong nakasimangot simula pa noong pumasok siya ng room. I feel hell over her.

"What's this?" tinutukoy niya ang alikabok na nakuha ng daliri niya nang ipahid niya ito sa lamesa. Ang tagal na rin kasi naming nakapaglinis. Hello. Organization lang naman 'to at hindi naman kami alila para gawin ang lahat para dito. Students pa rin kami.

"Sorry, Ma'am. We'll do something about that," banggit naman ng isa sa tatlong natirang member na babae. She's so mabait. Kaya siguro bahala na siya sa pakikisama kay Ma'am Anna.

Isa lang ang tanging narinig kong sagot ni Ma'am Anna, "Good." Natuwa siya nang makita niyang naglilinis 'yung kasamahan ko. Ang sama niya no? Hindi naman part ng training ng debate ang gano'ng pag-utos.

"You. You should start looking for members," sabi niya sa lalaki naming kasamahan. "Do some flyers that would catch the interest of some students from your college."

Sir, You're Hot. FINISHED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon