Sir, You're Hot. -12

37.1K 445 42
                                    

Second meeting namin ngayon with Ma'am Salazar. She's still wearing another red blouse. Black skirt naman ang ipinares niya sa high heels na kulay pula rin. Nakaupo siya sa harapan. Binabasa niya ang mga ipinasa naming draft ng thesis. Pinasa ko naman ang sakin kahit wala pang edit ng Grammarian. Bahala na.

"Miss Rebecca. Is this what you call thesis? This work needs to be proofread immediately," baling niya sa akin.

Kung kaya lang magreklamo ng papel ko sa sobrang pagkahiya, nagreklamo na 'to. Halos itaas na kasi ni Ma'am Salazar 'yung thesis ko para lang ipakita sa lahat na marami pa itong mali. Sabayan pa ng pagtataas niya ng kilay sakin. Damn. Nagpahuli na nga akong magpasa ng thesis pero ako pa rin ang napagbuntungan ng sipag at galit niya.

"S-Sorry, Ma'am. I couldn't reach my hired Grammarian. That's why," magalang kong sagot. Sabi ko naman sa inyo, simula ngayong semester, magpapakabait na talaga ako.

"I don't need explanations. I need revisions. Understood?"

Automatic na napasagot ako ng, "Yes, Ma'am."

Sandali lang siyang nag-stay sa room namin. Umalis na rin siya agad pagkatapos niya akong ipahiya. Palibhasa, magkakaroon lang siya ng gagawin kapag magtatanong kami. Basta binibigyan niya lang kami ng deadline. That's it. Hindi ko tuloy masigurado kung magiging ayos na ba 'tong buhay ko. Kainis. Kung kelan ko gustong magbago at tsaka dumating ang mas malala pang gulo.

"Rebecca!" Tumingin ako sa direksyong pinaggalingan ng boses na 'yon. Ang lakas kasi eh. Ang tinis pa. Nakakairita rin.

Si Roxanne lang pala. Kasama niya si Almie, at Shiela. Pareho silang mukhang nag-aalala. Halos mapansin ko pa ang pagkahingal nilang tatlo habang hinahanap kung nasaang parte ba ako ng classroom.

Kumuha silang tatlo ng kanya-kanya nilang upuan at lumapit sa akin. Dinala nila ang upuan na nahanap nila sa harapan ko. Nag-form sila ng circle, kasama ako. Binalewala rin nila kung may kasama pa akong classmate sa loob ng room. Okay lang rin naman. Kami pa rin naman ang gagamit ng classroom.

"Bec! Alam mo na ba ang latest chika?" tanong ni Almie. Wala siyang face powder ngayon habang kinakausap ako. Himala.

"Ano na naman?" sagot ko.

"Ano ba 'yan! Parang wala ka namang ganang sumagot eh!" singit naman ni Almie.

"O sige na. Makikinig na ko. Ano bang nagdala rito sa inyo?"

"Nabalitaan mo na ba? Wala na ang fans club ni Sir Railey sa college natin. Ipinabuwag na raw ng bagong dating na teacher. 'Yung teacher na laging pula ang suot na damit? Si..." Napatigil siya para mag-isip. Siguro. "Si Ma'am Anna! Balita raw kasing malakas ang kapit sa presidente ng school eh," dugtong niya.

Seryoso si Almie habang nagkukwento. May hand gestures pa siya habang nakikipag-usap sa amin. Kahit walang sense para sa akin ang kwento niya, nagpanggap na lang akong nakikinig para sa ikabubuti ng friendship ko sa loob ng classroom.

"At heto pa, Rebecca." Sumingit naman si Roxanne. "May former member ng fans club ni Sir ang nakakita sa kanila ni Ma'am Anna na sabay umuwi, sabay kumain, at sabay sa lahat ng bagay! Akalain mo 'yun? Taga-ibang college si Ma'am Anna pero iba siya dumikit kay Sir Rye!"

Bago pa magsalita ng speech nila ang mga kaklase ko, pinutol ko na sila agad.

"Classmates. Hinay-hinay lang sa kwento. Wala naman akong pakialam sa kung anong meron sila eh." Ang bitter ng sagot ko. Kapag mas kaunti kasi ang sagot, mas safe. Iwas kapahamakan pa mula sa kahit anong issue. Sabi na nga ba, dapat hindi na lang ako nag-assume. Buti na lang.

Sir, You're Hot. FINISHED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon