Sir, You're Hot. -15

35.4K 357 66
                                    

Sa tuwing iniisip ko ang lahat ng ginagawa namin ni Sir Railey, nakakalimutan kong kailangan ko palang gawin ang thesis ko. Isang linggo na kaming nagkikita. Panay lang ang usap, kain, kwento, at iba pang bagay na alam niyo na kaya hindi ko na sasabihin.

Isang linggo na rin pala ang nakakalipas nang ma-suspend ko, pero after ng suspension, hindi ko na alam ang susunod na hatol sa akin. Sana hindi naman gano'n kasama. Gusto ko na talagang magkaroon ng diploma.

"Rebecca, pikit ka," sabi ni Railey sa akin

"Ayoko nga. Mamaya kidnap-in mo ako. Mahirap na."

"Bec." Ito ang sagot niya sa akin at halos patayin na ako ng mata niya sa isang tingin.

"Heto na nga. Pipikit na nga."

Sa huling nakita ko, nasa Batangas kami. Sinadya namin ang lugar na 'to dahil na rin sa kagustuhan ni Railey. Hindi ko pa sure kung saan kami pupunta dahil wala naman akong ibang nakita simula kanina kundi ang mga puno, lumang bahay, at iilang simbahang nasasalubong namin.

"Bawal magmura dito, okay?" bulong niya sa akin.

Hindi naman ako nagmumura ah (slight lang). Sumunod naman ako sa inutos niya sa akin. Damn. Para akong manika na mabilis niya lang makontrol. Pero damn, I just love this feeling.

Maya-maya, tinanggal niya na ang blindfold. Medyo sumakit ang mata ko dahil sa sikat ng araw. Pero agad itong nawala nang akbayan niya na lang ako bigla.

"Nakikita mo 'yun?" at itinuro niya ang isang malaking simbahan sa harapan namin.

"Naman, simbahan 'yan 'di ba?" sagot ko naman.

Ang daming tao sa lugar na ito. Kahit weekday, dinadagsa ito ng tao. May isang signage akong nabasa sa tapat ng simbahan. Nasa Nasugbu, Batangas pala kami. Ang presko ng hangin dito. Ang sarap sa pakiramdam.

"Dinala kita dito dahil may gusto akong sabihin. Kung okay lang sana."

"Naiinip na ko."

"Rebecca—"

Bago pa niya masabi ang susunod na mga salita, napatigil siya dahil sa tunog ng phone niya. "Sagutin mo na," sabi ko pa sa kanya. Ayaw niya pa ngang sagutin noong una, pero nang makita niya na ang pangalan ng tumatawag sa kanya, agad niya itong sinagot.

Tumalikod siya sandali. Iniwan niya muna ako. Tinignan ko lang ang simbahan at sobrang nagandahan talaga ako. Hindi kasi ako palasimbang tao. Damn. Tuwing recollection nga lang sa school ako nakakasimba. Pilit na pilit pa ako nun ni Mama.

Bumalik rin siya agad. Kung kanina, halos hindi pa siya makikitaan ng stress, ngayon mukhang problemado ang mukha niya. "Rebecca, we need to go."

"Ha! Agad-agad? Kararating lang natin dito ah!" pinakita ko pa kay Railey ang wrist watch ko. 10:00am pa lang ng umaga, babalik na agad kami?

"Si Dean. Pinapatawag tayo ni Dean. Urgent. And we need to be there. May laban raw ang Debate Team and we need to be there."

"Alam ba niya na magkasama tayo?" tanong ko.

"Probably. Sakin niya ibinilin na isama ka sa school mamayang hapon."

"Arghh. I hate everything. Whatever," pabalang na sagot ko.

Bakit lalo pang gumulo ang buhay ko ngayong fourth year super irregular student na ko?

Hindi ko namalayan na sa sandaling pag-idlip ko ay ang pagdating naman namin sa school. Actually, sobrang minadali namin ang lahat makauwi lang agad. Iritable talaga akong makipag-usap kay Railey dahil sobrang nakakainis siya. Ayaw niya pa kasing sabihin sa biyahe 'yung gusto niyang sabihin sa akin. Sasabihin niya raw in the most perfect time. Damn people. I hate romance but I keep on asking for it.

"We're almost here," sabi ni Railey.

Tumingin ako sa labas ng sasakyan niya at napansin ko namang nasa gate na pala kami ng school. Ipinasok niya ang sasakyan sa loob at iginarahe naman ito sa lugar na wala masyadong nakagaraheng sasakyan.

Nauna siyang lumabas upang pagbuksan ako ng pinto. How sweet. Sobrang nakakangiwi ang ginagawa niya sa akin.

"Welcome home, my lady."

"What's with my lady? That sucks."

"Whatever you say, you would always be my baby," sabi niya at halos parang alipin ko siyang nag-half bend ng pagyuko sa harapan ko. Hahawakan niya sana ang kamay ko pero agad akong lumayo sa kanya.

"Ayoko ng PDA. Please lang."

Hindi naman siya sumagot. Basta ang alam ko, napangiti lang siya. Sa totoo lang, panay ang ngiti niya kapag hindi siya sumasagot sakin. Kung hindi naman siya ngingiti, kakagatin niya ang labi niya. Kung hindi naman gano'n, titignan niya lang ako ng mapang-asar na tingin.

Nang makarating kami sa office ni Dean, nagulat ako nang siya mismo ang tumayo para salubungin kami. She's wearing yellow na damit. Pati ang sapatos niya dilaw, tinerno niya ito sa dilaw niyang palda at dilaw niyang headband. Maputi naman si Ma'am kaya lahat bagay sa kanya.

"Glad you're here."

"Ma'am, bakit niyo po kami pinatawag?" tanong ko sa kanya.

"Rebecca, I need your participation for Intercollegiate academic contest in our school. Railey, your Debate Team is truly needed of a good coach. Ma'am Anna is not handling it well."

Seryoso ang tingin sa amin ni Ma'am. Sobrang seryoso na kahit ata magbitaw ako ng joke, ay hindi siya tatawa. "Suspended po ako 'di ba?" random kong tanong sa kanya.

"Yes. You are. But then, only registered students can join the contest. Unfortunately, kasama ka ro'n together with the other three members left," tinaasan ako ng kaliwang kilay ni Ma'am. First time sa history na nakita ko siyang ganito kaseryoso kausap.

"Ma'am, what can I help?" tanong naman ni Sir Railey.

"Sir Railey, you need to train the rest of them. We need to win because the champions for this year would be representing our school outside. I want to win this fight. Understood?"

Tumango lang si Sir Railey. Tumango rin ako kay Ma'am. Poker face ako at walang ni isang ideya kung papaano ko gagawin lahat ng sinasabi ni Ma'am.

Nang matapos na kaming kausapin ni Dean, dumiretso na ulit kami sa parking lot para sumakay sa sasakyan ni Sir Railey. Madilim dahil halos alas-sais na ng gabi. Kaunti na lang rin ang sasakyang nakaparada. Sakto ring nakaparada kami sa space na halos wala kaming kasama.

"Tungkol sa kanina, ano bang sasabihin mo?" tanong ko sa kanya pag-upo ko sa tabi ng driver's seat.

"I just want to say that I will be always here for you. Susuportahan kita, promise. I'm your coach, right?" Ngumiti ulit siya sa akin at halos hindi ko na makita ang mata niya.

"Kinakabahan nga ako. Hindi naman ako active sa gano'ng activities. Ewan ko ba kay Ma'am at sinali ako sa Debate Team."

"Because she trusts you. So, don't be nervous. Magaling akong teacher, 'di ba?" tanong niya. Hindi ko alam kung rhetorical question ba ang sinabi niya dahil hindi niya na ako pinasagot. Sa halip, hinawakan niya lang ang palad ko para kumbinsihin akong magaling talaga siyang teacher.

"Fine. Fine. Whatever," sagot ko naman sa kanya.

Inistart niya na ang makina ng sasakyan. Iniatras niya ito at iniliko papalabas ng parking lot. Black ang kulay ng bintana niya kaya naman hindi kami masyadong aninag sa labas.

"Sort of advice, Rebecca. Galingan mo bukas. Don't be pressured. This may be your chance para makabawi sa lahat ng ginawa mo before. Hahaha."

"Inaasar mo ba ako?" tinarayan ko siya. "Isa pang asar mo, kikilitiin kita!" lumapit pa ako sa kanya para kilitiin siya sa bewang, pero naalala ko, nagmamaneho pala siya. Kaya naman, itinigil ko na rin agad.

"Opps. Rebecca. Mukhang nag-eenjoy ka ng kasama ako. Nice."

Sir, You're Hot. FINISHED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon