32- Trashed

57.2K 863 44
                                    



Andi's POV

Ugh! Asan na ba yung babaeng iyon? Kanina pa missing in action, kanina pa kami paikot-ikot ni Bambi sa buong campus para lang mahanap namin ang alaga namin. Ngayon ko lang narealize ang isang disadvantage ng malaking university. Ang hirap maghanapan! Lalo na sa taong ayaw magpahanap.


Malapit na kami magklase pero wala parin si Peach! Jusmiyo, kapag nakita ko talaga iyon nako! Di ko alam ang gagawin ko sakanya. Nagkasalubong kami ng hingal na hingal na si Bambi.

"Oh ano, nakita mo na ba?" Tanong ko sakanya.

"Hindi pa nga eh. Nako talaga! Kapag nakita ko talaga iyang si Peach, kakalbuhin ko talaga!"

"Osige, maghiwalay na muna tayo. Dun ka, dito ako. Ilang minutes pa ba bago magklase?"

"Thirty minutes pa."

"Sige, basta tawagan ang isa kung sino man ang nakakita sakanya. Okay?"

"Okay."

Naghiwalay na kami ni Bambi at nagsimula nanamang mag-ala Dora the Explorer para makapaghanap kay Peach. Kanina kasi habang kumakain kami bigla nalang nagpaalam na magC-CR lang daw pero ang babaeng iyon hindi na bumalik! Ayun missing in action na.

Nakarating na ako ng soccer field, sa likod ng gym, sa library kahit na imposible ko siyang makita dun ay tinry ko parin baka sakali kasing naisipan ng kumag kong kaibigan na mag-ala Einstein di ba? Pagod na pagod na ako. Asan na ba ang babaeng iyon?

Maya maya naramdaman ko na nagva-vibrate ang phone ko. Nang makita kong si Bambi iyon agad konh sinagot.

"I found her at the rooftop, Go back na." Bambi informed me.

After malaman iyon ay nakahingang maluwag na akong bumalik sa classroom.

-----

Angel's POV

Ang sarap lang naman ng tulog ko sa rooftop nanh bigla nalang akong bulabugin ng magaling kong kaibigan na si Bambi. At eto nga, hatak hatak niya ako pabalik sa classroom namin. Humihikab pa ako sa sobrang antok. Grabe lang tong kaibigan ko kung makadakdak.

"Nako Angel Peach! Masasakal talaga kita. Ngayon mo pa talaga naisipang matulog sa rooftop! May quiz tayo, sana nagreview ka nalang. Pagkatapos naman ng quiz free ka na matulog eh. Susuntukin pa kita para mahimbing at tuloy tuloy ang tulog mo!" Sermon sa akin ni Bambi.

"Ang OA mo naman Bambi. Nagreview ako noh!" Depensa ko.

"Shut up! Badtrip ako."

I just rolled my eyes at her. Napaka-OA naman kasi eh. Nagreview naman ako nuh! Kahit na tingin nila sa akin eh basagulera, maarte,malandi at walang pakealam.. nag-aaral ako! At take note, wala akong binabagsak na subjects ko dati pa. Ayokong biguin at i-dissapoint ang tita Myrna ko. Nang nasa tapat na kami ng room namin bigla nalang akong mahinang tinulak ni Bambi papasok.

"Hala sige pasok!" Mahinang tulak niya sakin. Pero nagulat ako kaya medyo na-out of balance ako sa tulak niya pero buti nalang may nakasalo sa akin.

"Are you okay?"

That voice, how I missed it. Pero tuwing naaalala ko lang ang nangyari, at ang ginawa niyang pagalikod sa akin hindi ko alam kung kaya ko pang umulit. Maayos akong tumayo at bahagyang lumayo sa kanya. Tinignan ko siya ng seryoso.

"I'm okay."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay pumunta na ako sa upuan ko sa likod at tumingin sa labas ng bintana. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang mga titig ni Keith sa akin. Napabuntong hininga nalang ako, halos four months nang nakakalipas ang nangyari pero parang kahapon lang iyon. Lagi akong umiiwas kela Keith. Minsan alam kong gusto niya akong kausapin pero I tried hard to avoid him.

I Love This BITCH [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon