23- Is it war?

52.5K 743 8
                                    


Angel's POV

"Is everybody here?" tanong nung professor na in charge sa pageant.

"Ma'am wait lang po. Si Keith po pumunta lang sa CR." sabi ko.

Well nandito kami ngayon sa malaking auditorium ng university namin. Well,this is our first practice para sa pageant. The pageant will be the highlight of the centennial anniversary kaya ito ang mas pinagbibigyan ng pansin.





Maya maya lang dumating na si Keith at umupo sa tabi ko. Nakakainis kasi by course and section ang magkakasama kaya as much as I hate to say, kasama namin ngayon si Sandra and our other classmate. At katabi pa talaga niya si Keith. Naku, umaatake nanaman ang bitchiness ko pero hindi ko na pinapakita pa kasi baka magalit pa si Keith.



Alam ko naman na iniinis ako ni Sandra eh pero hindi siya uubra sakin. As long as I have Keith with me.





"Okay, now that you are all here, we can start."





Nagbigay ng paunang salita lang si Ma'am and maya maya ay nagsimula na kaming magbunutan ng number para sa pageant. I've got the number 8 and si Sandra ay 4. How did I know? Iparinig ba naman sa lahat ng contestant eh.

I am just waiting for Keith. Sana makapartner ko siya pero okay lang din hindi basta huwag 4 ang makuha niya.



Maya maya lang ay tumabi na sakin si Keith.



"Ano number mo?" tanong ko sakanya.



"15, ikaw ba?"



Nanghinayang ako at the same tiem relieved kasi nakaligtas ang Keith ko kay Sandra the great.



"8." sagot ko sa tanong niya.



"Sayang." sabi ni Keith at inakbayan ako.



"Okay lang yun, at least hindi mo kapartner si Sandra."



"Kapartner mo naman siya."





Nagtaka naman ako sa sinabi niya kaya tinignan ko siya.



"Anong ibig mong sabihin?"



"Hindi mo kilala magiging partner mo?" tanong niya sakin.



"Hindi. Bakit sino ba?"



"Si Yvo."





Ah. Si Yvo lang pala eh. Akala ko ba naman kung sino. Pero ba't parang nagseselos ata ang boyfriend niya? Napangiti ako sa napagtanto. Dumikit pa ako kay Keith at sinundot ang tagiliran nito.





"Uuyyy, don't tell me nagseselos ka kay Yvo?"



"Huh! Ako? Hindi ah!"



"Sus. Wala namang masama sa pag-amin." umayos ako ng upo at tsaka hinarap si Keith.



"Yvo is my past. Ikaw na ang present ko at sana pati future ko. Okay?"



Hinalikan ko ng mabilis si Keith at tsaka inaya na siya lumabas.

-------

Yvo's POV



Masaya ako dahil napatawad na ako ni Peach. Oo inaamin ko na gago talaga ako dati. Pero tama nga ang sabi nila na makikita mo lang ang halaga ng isang tao o bagay kapag tuluyan itong nawala sayo.



Masaya na ako na kaibigan ko si Peach sa kabila ng nagawa ko sakanya ay pinagbigyan niya pa ako. Masaya rin ako na masaya na siya pero hindi ko rin maiwasan na magselos kay Keith. Hindi ko gusto si Keith sa una palang kahit nung hindi pa sila ni Peach. Ewan basta. It's a boy thing.



Tapos eto pa ang pageant. Nakakainis naman kasi ang mga blockmates ko eh. Bakit ako pa ang napili? Nakakainis kasi imbis na wala akong gawin sa buong centinneal anniversary eto ako at parang gagonh rarampa at magpapacute sa mga judges.



Pero parang ginanahan nanaman ako da pageant na iti dahil nakita ko si Peach na kasali rin pala. Pero bigla nanaman naglaho nang makita ko na tumabi si Keith sakanya na napagalaman kong kasali rin pala. Hindi ba naghihiwalay ang dalawang to? Hindi naman ganyan sakin si Peach dati eh. Ano kayang pinakain ng gagong Keith na iyon kay Peach? Una, nag-iba na ito ng pananamit at pag-aayos ng sarili tapos hindi na masyadong gumigimik. Hindi ko na nga nakikita sa mga madalas na puntahan niyang club eh.



"Okay, mga lalaki naman ang bumunot ng kanilang number!"



Hindi muna ako tumayo. Para naman kasing nga gunggong ang mga tao eh, siyempre pagkasabi nun ng prof edi mag-uunahan na silang bumunot. Ayoko naman makipagsiksikan. Edi kung ano ang matira akin nalang. Ganun naman din yun eh.



Nang makita kong dalawa nalang ang nakapila tumayo na ako at kinuha ang natitirang papel.



"8." sabi ko sa professor namin na nandoon.



"Ilista mo na doon."



Pumunta ako sa tinuro ni ma'am at nakitang nandoon si Keith. Hindi naman ako galit kay Keith hindi ko lang siya gusto. Yun na yun.



Nilista ko na ang pangalan ko sa number ko at nakita kong si Peach ang partner ko. Aba swerte rin pala ang huling bunot eh. Umalis na ako at umupo na sa upuan ko kanina dahil nagbigay pa ng closing remarks yung prof.



Nang mag-dismiss na pupuntahan ko sana si Peach kaya lang siyempre magkadikit sila ng boyfriend niya, naiinis na ako. Kumukulo ang dugo ko kapag nakikita ko silang sweet at nakikitang mahal nila ang isa't isa.



Naikuyom ko ang mga kamay ko. Aalis narin sana ako ng biglang may nagsalita na naging dahilan para mapalingon ako sakanya.



"Kung mahal mo siya, bakit hindi mo ipaglaban?"

-------

Follow @kendeyss
(Twitter/IG/ask.fm)

I Love This BITCH [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon