12- Keith's apple of the eyes

73K 1K 36
                                    

Angel's POV



Hindi ko alam ah. Pero parang ang sarap sa feeling na kayakap ko ngayon si Keith! Hindi sa minamanyak ko siya ah. Pero parang nakalaan talaga ang mga bisig niya para yakapin ako. Oha!



Magmula noong nagkwento ako sakanya tungkol sa nakaraan ko, at magmula noong nag-open up siya sakin. Mas lalo kaming naging close ngayon. Ngayon nga, nagyaya siya sa bahay nila kasi daw birthday ng kapatid niyang babae. Siyempre friends na kaming lahat.

"Okay na ba to?" tanong ko kay Bambi na nakaupo sa kama ko. Si Andi naman ayun nakaupo sa study table ko at nakaharap sa laptop.

Oho! May study table ako. Kahit ganito ako ng-aaral naman din ako nuh.



"Ano ka ba Peach. Ang ganda mo na kaya. Huwag ka masyadong magpaganda at baka matalbugan mo ang may birthday. "

"Oo nga nuh? Sige. Pwede na ito. Hindi narin ako masyadong magme-make up nuh? Pagbibigay respeto ko na rin sa my birthday. Haha!"





Susunduin kami nina Paulo at Luke dito sa bahay. I am just wearing a simple halter black dress and red flats. Yes,flats. Ayoko mag heels kasi ayokong mangalay. I'm tall naman kaya bagay naman sakin. Nakalugay lang ako tapos konting foundation,maskara at lipgloss lang ang in-apply ko. Sabi ko nga, ayokong lamangan ang may birthday.







--



Sinalubong kami ni Keith sa may gate ng bahay nila. I must say, sobrang laki ng bahay nila ah. Mas malaki pa samin. Kung magiging asawa ko pala si Keith, donya ang peg ko eh. Haha. Joke lang. I am a bitch but not a gold digger.



"You look pretty." bati sakin ni Keith.



I rolled my eyes at him.



"Pretty is for little girls, gorgeous is the right term to describe me."



Natawa naman si Keith at sumang-ayon. Iginiya niya kami sa may table namin. Agad ko namang ginagala ang mga mata ko pero biglang bumalik ang atensyon ko sa mga kasama ko nang biglang may umangkla sa braso ni Keith.



Nakakunot-noong tinignan ko ang babae. In fairness, may panama siya sa beauty ko pero aaminin ko kung nag-ayos lang ako ng bongga ngayon magmumukhang simpleng tao lang 'tong girl.



Mas lalo ko pang ikinagulat nang biglang tinaasan ako ng kilay at inirapan ako. Mukhang nakita ni Keith at ng mga kaibigan niya na sina Luke at Paolo na ikinatawa lang ang ginawa sakin ng babae. Sina Andi naman mukhang susugod pero bigla silang nahawakan nina Luke at may binulong maya maya nanahimik na ang mga ito.



Ako?!

Kung tinatanong ninyo, napanganga ako sa inakto niya. Ganoon ba ako ka-intimidating sa ibang babae kaya madalas insecure sila sakin? Well it's not my fault to be beautiful.



"Who's she? Why is she with you?" tinignan pa ako ng babae mula ulo hanggang paa tapos yumakap na kay Keith.



Naku! Kung hindi lang talaga nakakahiya sa kapatid ni Keith na may birthday ngayon baka nasabunutan ko na 'tong babaeng eto.

"She's my friend. Sila naman sila Andi at Bambi, friends din namin nina Luke." nakangiting sagot ni Keith at inakbayan pa ang babae.



Nag-iinit na ang ulo ko. Eto ba?! Eto ba gusto ni Keith? Hindi ako papayag. Well,aaminin ko maganda ang girl ha at mukha namang edukada at may pinapasok sa kukote di katulad ni Sandra. Pero kahit na, ako parin ang mas maganda,mas sexy,mas may sex appeal at lahat ng MAS! Kumontra pepektusan ko!



I Love This BITCH [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon