21- Pasts meet Present

58.9K 891 21
                                    

Medyo SPG

-------

Angel's POV





One week na ang nakakalipas nang magkabati kami ni Keith. So far, yun ang una at huli naming pag-aaway. Iniiwasan ko kasing salungatin siya para wala kaming away. Ayaw ko mag-away ulit kami, ganoon ko siya kamahal.

Ngayon, nandito ako ngayon sa bahay namin hinihintay si Keith. Siyempre may date kami ngayon, Sunday kasi ngayon. Sabi niya magsisimba muna daw kami bago mag-date. Siyempre first time ko nanaman ito.



Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa Diyos, pero hindi lang talaga ako nagsisimba. Pero ngayon nga, nagbabago na ako ay wala naman sigurong masama kung magsimba ako. Hindi naman siguro ako masusunog kung sakalinh pumasok ako sa loob ng simbahan.





Isang simpleng white t-shirt ang suot ko at pants. Tsaka nakaflats lang ako.





Narinig ko ang busina ng kotse ni Keith kaya agad na akong umalis sa bahay. Nag-iwan nalang ako ng note para kay tita Myrna dahil naghihilik pa ito sa mga oras na ito. Eh kasi naman, 5:00am palang. Kahit nga ako nahirapang gumising ng ganito kaaga. Kung ako parin yung dating Peach eh 5:00am matutulog palang ako nun.





Lumabas na ako at agad na sumakay sa kotse ni Keith. Nagseatbelt muna ako at nang lumingon ako sakanya labi niya ang sumalubong sakin. He gave me my good morning kiss.



"Good Morning my Angel." bati nito.



"Good morning too my Keith." ganting bati ko.



"Let's go?" tanong nito.



"Yes. Tara na." sabi ko,





Nang makarating na kami sa simbahan, nagulat ako kasi ang dami na agad na tao. Grabe, ganito kaaga silang gumigising? Ayos ah.



Hinawakan no Keith ang kamay ko at naghanap na kami ng mauupuan. Buti nalang nakahanap kami sa may tapat ng electric fan.



Nang magsimula na ang misa, buti nalang nagsearch ako ng mga kanta sa misa kaya naman kahit papano nakakasabay ako sa pagkanta.



Tahimik lang kami ni Keith na nakikinig sa sermon ni Father. Hindi naman pala boring ang magsimba. Nakakatawa pa nga ang homily ni Father eh. Dapat lahat ng pari ganito, yung hindi boring. Para ganahan ang mga tao na makinig at bumalik balik sa pagsisimba.





Nang patapos na ang misa, hinatak ako ni Keith sa harap ng altar. Nagtataka man pero nagpatianod nalang ako sakanya. Yun pala, nagsasaboy ng holy water si Father.





"Ang sabi nila, seswertehin ka daw sa buong araw kapag nakadalo ka sa unang misa at nasabuyan ka pa ng holy water."

"Talaga? Ay tara! Doon tayo malapit kay Father at nang masalo natin lahat ng holy water!"





Natatawa naman si Keith sakin.







"Ikaw talaga! Basta magkasama tayong dalawa swerte na tayo."





Nang matapos ang misa, kumain kami ni Keith sa isang fast food malapit sa simbahan. Maaga pa naman kasi kaya wala pang mall na bukas o kaya'y restaurant na bukas.





Nang papalabas na kami ng fast food. May tumawag sakin.





"Peach?"





I Love This BITCH [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon