15- His side

59K 955 7
                                    

Keith's POV





The Bitch. The famous campus bitch. The famous Angel Peach de Asis. What did you do to me?

She's pretty,sexy and hot. Lahat ng physical characteristics kung saan lahat ng lalaki ay mababaliw ay nasa kanya na. I used to like her at first.





Napansin ko siya noong 2nd year college na. Naging kaklase ko siya sa isang subject. Unang pasok palang niya ay napatitig na ako. Paano ba naman kasi, mukha talaga siyang anghel. Napakaamo ng mukha at sobrang ganda pa.





That was the time I had a crush on her. Pero nawala nang makita ko ang ugali niya. Catfights of her with girls are all over the campus. Suki na nga siya ng disciplinary office. Tapos ang boyfriends niya ay papalit palit. And then she was hailed as the campus bitch. Kaya nawala na ang interes ko sakanya. Nainis pa nga ako dahil paano ba ako nagkagusto sa isang katulad niya?





Third year nang naging kami ni Sandra, oo maganda siya at well mannered. Plus the fact na,kilala siya ng pamilya namin. Naging kami, everything's going smooth until she became a nagger. Selosa pa to the fact na miski nagka-crush lang sakin ay sinusugod niya at inaaway. Ayoko pa naman sa lahat ay yung ganoon. Na handang ipahiya sa ang sarili sa maraming tao.





That was the time na nakipagbreak ako sakanya. Ngayong graduating na,hindi na ako pumasok sa isang relationship dahil hindi sa ayaw, kung hindi I just can't find the right woman plus I need to concentrate on my studies at mga organizations na kasali ako. Pero lahat ng iyon gumulo nang napapansin kong napapalapit nanaman ako kay Peach.





Pero puro arguments ang ginagawa namin sa room dahil ang opinion ko ay taliwas sa opinion niya. Doon na kami nagkairingan. Pero until one day, she kidnapped me. Well, kidnap na yun dahil isinama niya ako sa Bataan against my will.







Wala pang 24 hours feeling ko bumalik ang dating Keith na nagkagusto sa babaeng ito. I tried to restrain myself and think about the bad qualities Peach posses. Kaya nung nagkaroon ng truth or dare nakapagsabi ako ng mga salitang hindi dapat.





At ayun na, bumigay na ako. After me saying sorry, and opening up to her naging mas close na kami. Lagi na kaming magkasama lalo pa nung ikinwento niya ang nakaraan niya sa akin. I understood her a little more. Pagkatapos ng Bataan trip, we became more close than ever. Di na kami mapapaghiwalay ng barkada.





Ayokong nagsusuot siya ng mga maiikling damit na akala mo nakulangan ng tela. Nang magmo-mall sila ng kapatid ko I instructed her na bantayan ng mabuti si Peach at ang sinabi niya sakin na pinag-isipan kong mabuti?





"Tapatin mo nga ako kuya, may gusto ka ba kay ate Peach? Para ka kasing boyfriend niya kung umasta.."





Then ayun na, hindi muna ako nakipagkita kay Peach paminsan minsa trying to think kung gusto ko nga ba siya?







Tapos nung nag-bar kami nina Paolo at Luke para mag-unwind din. Dapat sasama namin sila Peach kaya lang ang sabi nina Bambi at Andi ay may lakad silang tatlo kaya kami nalang ang pumunta. Hindi naman namin alam na sila Sandra ay nasa kaparehong bar kaya sumama sila sa table namin. Hindi na kami tumanggi dahil it would be rude. Then dumating at sumama sila Peach samin. Naiinis ako kasi napaka-ikli nanaman ang suot niya. White siya simple siguro sa mata ng mga babae pero sa mga mata naming mga lalaki it's not.





May simple bang dress na backless na nga,sleeveless pa tapos hanggang thigh lang ang ikli? Kaya siguro simple ang sabi dahil wala namang design. Just a plain white dress. Showing a LOT of skin to be exact.



Hindi ko kinakausap si Peach kasi nga baka masinghalan ko lang kaya mga one word lang ang isinasagot ko sakanya. Pero nung nakita ko siya sa dance floor and a guy is taking advantage to her that hit me.





I care for Peach. I don't wanna see other guys drooling over her. I get jealous whenever she smiles to another guy. Gusto ko palagi ko siyang nakikita. I wanna hear her voice everytime. Minsan bigla bigla ko nalang siya naiisip at lumilitaw sa isip ko nang walang pasabi.





And I know it's not a simple infatuation kung hindi mahal ko na siya. Mabilis ba? Hindi naman, dahil ang pagmamahal wala naman kung gaano katagal iyan eh. Basta mararamdaman mo nalang.





At dahil hindi ko na mapigilan, I need to let her know that inspite I don't like her reputation,her way of styling herself. The way she carries herself in front of many people.





"I don't even like you ..but why do I love you?"

========

Follow @kendeyss
(Twitter/IG/ask.fm)

I Love This BITCH [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon