Chapter 8 ♥

739K 14.5K 2.7K
                                    

Chelsea POV

Busog na'ko. Syempre kinain ko yung jollibee na bigay ni Kyle.

Andito ako ngayon sa salas ko. Hindi pa ako inaantok. Si Kyle masyadong ginulo yung puso at isip ko.

Tenenenenen!

Dinampot ko yung iphone ko at tiningnan ko sinong nagtext.

From: Kyle
I love you baby ko. Goodnight.

Aish. Hanggang kelan ba magiging sweet yang si Kyle. Hindi ako papadala sa ginagawa nya.

Krrriiiinnngggg..

Tumatawag si Hub. "Hello?"

[Hub musta yung pictorial?]

"Okay naman." Aish. Kahit hindi okay.

[How's the new model? Okay naman ba?]

"Eh, hub. Si Kyle yung new model." Wala na. Diko kaya magsinungaling. Makikita din naman kasi yun ni Adrian.

[What?]

"Ewan ko pa'no nangyari yun."

[Dapat um-attend ako kanina eh.]

"Hayaan mo na yun."

Hindi ko na kailangang sabihing hinalikan pa'ko ni Kyle. Ay nakow!

[Andito kami sa bar ni Lance. Ingat ka dyan sa unit mo. Matulog kana.]

"Okay hub. Ingat din. Bye."

[Bye.]

*toot toot*

Punta nako sa kwarto ko. Napansin ko yung teddy bear na binigay ni Kyle. Kinuha ko yun at nilagay sa kama ko.

"Ikaw. Kahit kelan talaga!! Aish!"

Sinusuntok ko yung bear. Para na'kong timang dito. "Kakainis ka talaga Kyle!"

Hays. Makatulog na nga. Nakakapagod.


Kinaumagahan..

"Goodmorning myself !!"

Sarap ng tulog ko. Nanaginip kasi ako. Nanalo daw ako sa THE VOICE. Haha. Pero hindi eh. Model kasi ako at hindi singer. 

Ready na'ko for school. Paglabas ko ng unit ko, sumalubong sakin ang ilang balloons na nakatali sa doorknob ko sa labas.

Puro pula. Tiningnan ko yung print.

Picture namin ni Kyle na naka-japan-japan tapos may nakasulat.

WE'RE GETTING MARRIED

"Aaaaahhhh!!"

"Oh myloves bakit? Wow lobo." Puna ni James pagkalabas ng unit nya.

Tiningnan din nya ang lobo. "Papakasal na kayo ni Kyle?"

"Sa tingin mo papakasal na kami? Ni hindi ko pa nga sya napapatawad. Aish."

"Wag mo ng pansinin yan. Lika, pasok na tayo. Binilin ka na sa'kin ni Adrian."

Hindi na'ko nagsalita dahil hinila na ko ni James. Ang lakas din ng sapak ni Kyle talaga.

Nang makasakay kami sa kotse, nakangiti sakin si James. “Ngini-ngiti-ngiti mo dyan?”

“Eh myloves, sabi ko na nga ba sabon ka eh.”

“Ha, Bakit?”

“Kasi I’m SOAPer in love na sayo. Boom!”

Sige lang James, push mo yan. "Dami mo kalokohan. Tara na nga.”

Pinaandar na nya yung kotse.


School..

MPMMN 2: Still In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon